Napaatras ako mula sa aking kinatatayuan nang dahil sa katagang sinambit ng diwata. Papaanong nangyari na hindi ako ang itinadhana kay Blood? Mula pa nang kami ay mga bata alam na namin na kami ang para sa isa't-isa, kaya bakit? Ano ang dahilan kung bakit nangyayari ito?
"You are not my daughter's mate? How did it happen?" Hindi makapaniwalang tanong ni Fiera habang nakatitig sa akin.
Napailing naman ako at napasandal sa pader, hindi ko alam. Labis akong naguguluhan dahil sa aking natuklasan.
"Ngunit, mahal na diwata. Marahil ikaw ay nagkamali? Batid ko na simula pa ng una silang magkita at sila na ang nakatakda. Hindi naman maaari na magbago ang kanilang tadhana," giit ni Fiera, lumapit naman sa akin si Vaine at tinulungan akong makatayo subalit talagang nanginginig ang aking mga tuhod kaya kinakailangan ko na maupo.
"Maaaring magbago ang tadhana mahal na reyna," sagot ng diwata.
"Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagbago ang kanilang tadhana ngunit hindi na dapat natin ito hadlangan pa, dahil kapag gumawa tayo ng paraan upang pigilan o baguhin iyon ay mas lalo pang gugulo ang lahat," paliwanag ng diwata.
Magsasalita pa sana si Fiera upang tutulan ang mga binitawang salita ng diwata ngunit natigilan ito ng may biglaang sumulpot sa harapan naming lahat.
"Tanggapin na lang natin ang magiging kinabukasan ng dalawang bata, maaaring hindi talaga sila para sa isa't-isa kaya ang taga-likha na mismo ang gumawa ng paraan upang sila ay paglayuin," sabi ng kararating na nilalang. Pamilyar ang kanyang tinig sa akin at nagulat ako ng biglang tumakbo si Athera palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Mahal ko, matagal na ng huli tayong magkita." Dinig kong saad ni Athera.
Inalis ng nilalang ang suot niyang balabal at tumambad sa akin ang wangis ng aming guro na si Lorde Valdez.
"Ikinagagalak ko na muli kang mayakap, mahal ko." Hinalikan niya ang noo ni Athera at lumingon sa akin saka ako kinindatan.
"Lorde," sambit ni Fiera at naramdaman ko na naestatwa si Vaine sa aking tabi.
"Mamaya na, mahal na reyna!" Makahulugang niyang saad at nilapitan si Blood.
"Ang tagapangalaga ng mahal na prinsesa," sabi ng diwata at bahagyang tinanguan si sir Lorde. Siya ang tagapangalaga ni Blood?
Hinayaan ko silang mag-usap, tumayo ako at humawak sa upuan at inipon ang aking lakas para tuluyan akong makalapit kay Blood. Agad na niyakap ko siya at pinatakan ng halik sa kanyang noo.
Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nabagabag at nabahala sa aking natuklasan. Hindi ko tatanggapin ang kung sino mang nakatakda sa akin, dahil para sa akin ay ikaw lang ang nag-iisa at siyang nararapat.
Gagawin ko ang lahat ng paraan para ako muli ang itakda ng taga-likha para iyong maging kalahati, upang sa takdang panahon ikaw ay aking makasama ng pang habambuhay.
"Kung minarkahan mo siya agad, hindi na sana siya nawala sa iyo." Natigilan ako ng makarinig ng isang tinig, boses ng isang lalake at hindi iyon pamilyar sa akin.
"Sino ka?" Tanong ko, nagbabakasali na sagutin niya ako.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, "Ako ang iyong ama, Davian. Hihintayin ko ang araw na tayo ay magkikita." Pakiramdam ko ay nanlamig ang aking katawan. Nagparamdam na siya sa akin.
Muli ay naalala ko ang inatas na tungkulin sa akin ng diwata, ang paslangin ang aking ama. Ngunit hindi ko iyon magagawa. Mas nangingibabaw ang aking pangungulila at pagmamahal sa taong dugo at laman ko.
"Alam kong nagparamdam na ang iyong ama, isa iyong hudyat upang siya ay iyong hanapin at paslangin." Bulong ng diwata sa akin habang nakayuko at hinahaplos ang mukha ni Blood.
BINABASA MO ANG
Blood
Mystery / ThrillerWhat if you wake up one day, and realized that everything has changed? Would you accept it? Started: 05-13-20 Ended: 06-16-20