Chapter 12

127 10 0
                                    

"Pass your paper if you're already done." Dinig kong sambit ni Lorde, saktong kakatapos ko lang na magsulat kaya tumayo ako at mabagal na naglakad patungo sa kanyang mesa.

He was reading a psychology book.

Tumigil ako sa kanyang tapat at tinitigan ang binabasa niya, umangat naman ang kanyang tingin sa akin.

He gave me a half smile and pointed the table. Nilapag ko ang papel ko at akmang aalis na pero nakita ko ang bookmark niya.

It was a metal blade shaped like a knife with an initials written on it.

"L.V," mahina kong sambit pero umabot yata sa kanyang pandinig dahil muli na akong tiningnan at hinawakan ang bookmark niya.

"Lahat ng gamit ko merong initials na L.V.," balewalang sagot niya saka nakangising humarap sa akin.

Pinigilan ko naman ang sarili ko na tanungin siya tungkol sa mga nangyayari dahil wala akong sapat na dahilan.

Hindi na ako nagsalita at basta na lamang siyang tinalikuran at  naglakad pabalik sa aking upuan.

Umupo ako ng tuwid at pinag cross ang aking braso saka siya tinitigan.

"Ikaw ba ang LV na hinahanap ko? Kung ikaw nga, ito ba ang ibig mong sabihin na magkikita rin tayo?" Bigla na lamang siya humarap sa akin pero imbes na mailang dahil sa paraan ng pagkakatitig ko ay nginitian niya pa ako. The smile that he gave to me is mysterious and it's creeping me out.

Nang matapos ang lahat ay tumayo siya at lumipat ng upo sa taas ng desk.

"Look for a pair, I have a special assignment for all of you."

"Partner tayo," sabay na sambit ni Locki na humarap sa akin at ni Phiovee na humawak pa sa braso ni Davian.

Nakangiti silang dalawa na para bang umaasa na sasang-ayon kami ni Davian.

Nagkatinginan kami ng aking mate at sabay na ngumiti sa isa't-isa.

"Okey," magkapanabay na saad namin kaya naman biglang umaliwalas ang mukha ng dalawa.

Iniusog ko ng kaunti ang upuan ko sa pwesto ni Locki para madiscuss namin ang pinapagawa ni Lorde.

"Don't you think we're too old to do this shit?" Naiiritang tanong ko kay Locki pero ngumiti lang siya sa akin.

"Sayaw lang naman, eh," ungot niya sa akin at nagsimula sa pagsasalita.

Special assignment? I cursed Lorde in the back of my mind, at ano naman ang special sa pagsasayaw?

"Ayan, ito ang gagawin natin. Next Week pa naman ang presentation kaya makakapag-practice pa tayo. Don't worry marunong ako sumayaw." Locki discussed to me what are we going to do, at tanging tango lang ang isinagot ko.

"Class dismissed!" Anunsyo ni Lorde, ang kaklase ko naman ay  nag-uunahan sa paglabas.

"Hon, we're going to have a practice. See you in the house, I love you." Paalam ni Davian sa akin saka ako hinalikan sa labi at noo.

I just smiled at him lovingly at wave a goodbye.

Sinadya ko na magpahuli sa pag-alis, ng wala na ang ibang estudyante ay tumayo ako at naglakad palabas ng marinig ko na magsalita si Lorde.

"Ano naman ang ginagawa ng isang heiress sa pipitsuging paaralan na ito?" Interesadong tanong niya.

I just stand midway and didn't bother to look back.

"You know me," I just stated ramdam ko naman ang kanyang pagtango.

"I know everyone in your family, Blood Valzuela, even your mate."

Blood Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon