Kapitulo II - Trap

5.8K 327 8
                                    

"Mama, salamat sa pagdalo mo rito ngayon..." rinig kong salubong ng aking ama sa mahal na reyna ng Galaxias.

Ngumiti sa kanya nang matamis si Queen Elizabeth at tumingala nang marinig ang mahihina kong yabag pababa mula sa ikalawang palapag ng palasyo. My face heated so bad as I tried to confidently walk down the stairs wearing an emerald green off-shoulder knee-length dress and gold stilettos. Pinaayos ko sa isang French braid low bun ang buhok ko kay Manang Wanda at nagpalagay rin ng kaunting kolorete sa mukha. Taas-noo akong naglakad pababa sa bulwagan kung saan naghihintay ang aking pamilya.

Saglit na pinasadahan ni Queen Elizabeth ang pormal kong kasuotan bago itinikom ang kanyang bibig at supladang iniwas ang tingin sa akin. Nakangisi naman sa kanyang tabi ang dalawa kong kapatid lalong-lalo na ang aking amang si Grand Prince Ostes. Sinalubong niya ako at inilahad ang kanyang isang kamay sa akin upang igiya ako patungo sa hapagkainan.

"Ostes, kumusta na nga pala ang pag-aaral nitong mga anak mo? Ilang taon na lang ay magsisimula nang lumabas ang tunay nilang kapangyarihan..." pagbubukas ni Queen Elizabeth ng panibagong pag-uusapan nang makaupo kaming tuluyan sa hapagkainan. Nahimigan ko ang pagpapatama niya sa akin dahil sigurado akong hindi niya naman talaga gustong makibalita kay Sage.

I pursed my lips and remained quiet when I felt her piercing gaze shift to me. Tumikhim muna si Papa upang makuha ang kanyang atensyon bago magsalita. "So far, they're both doing good, Mama. Madalas kong naririnig ang page-excel ni Astra sa larangan ng pakikipaglaban. Habang tumatagal naman ay lalong lumalakas ang ability nitong anak kong si Sage. I am personally training my son on how to control and use his magic, and so far, he's doing surprisingly well..." proud na kuwento ni Papa bago ngumiti sa aming dalawa ng kakambal ko.

Tipid din akong ngumiti sa kanya bago ibinagsak muli ang tingin sa aking pagkain nang maramdaman ang muling paglipat ng tingin sa akin ni Queen Elizabeth. "How about Astra? Is that all?" A hint of disappointment was very evident in her voice.

Saglit na natahimik si Papa bago tumingin sa akin. Napalunok ako dahil sa nararamdamang panunuyo ng aking lalamunan. Naramdaman ko ang nag-aalalang tingin sa akin ni Sage na nakaupo ngayon sa tabi ko. Ngumiti ako sa kanya upang ipakitang hindi ako naaapektuhan sa mga sinasabi ng mahal na reyna.

Nagulat ako nang sumagot si Ate Callista sa tanong ng reyna. "Bilang Headmistress ng Nexus Academy at nakatatandang kapatid ng kambal, palagi ko naman pong mino-monitor ang performance nila sa school, Your Royal Highness. As far as I can remember from what I've heard from her teachers, Astra is doing very well, especially in her Defense classes. Sabi ng kanyang guro ay mas lalo raw nahahasa ang kanyang talento pagdating sa paggamit ng iba't ibang uri ng armas."

Dahan-dahang napaangat ang ulo ko dahil sa sinabi ng kapatid ko. Nagtama agad ang tingin namin ni Ate Callista at ngumiti siya nang matamis sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang pagkawala ng isang ngiti sa aking labi ngunit agad itong napawi dahil sa sunod na itinanong ni Queen Elizabeth. "How about her magical ability? Hanggang ngayon ba ay wala pa ring nalabas kahit kaunti?"

Ate Callista looked a bit uneasy, but she forced a smile. "She's still fifteen, Your Highness. Baka naman hindi pa talaga lalabas ang kanyang kapangyarihan dahil wala pa siya sa wastong edad. I'm sure hindi rin magtatagal ay lalabas na ang kanyang ability..." agap niya.

Nagkibit-balikat si Queen Elizabeth. "No one from the royal family is unruly and weak. We are all supposed to reach greater heights, and our magic should surpass the rest of the noble families in Nephos," makahulugang sabi niya bago ipinukol ang malamig na tingin sa akin. "Ang mga babae mula sa ating pamilya ay dapat mahinhin at elegante ang mga kilos at pananamit. They should be appropriately trained to be a fine lady and not be a disgrace to this family."

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon