Kapitulo VI - Dinner

4.4K 286 3
                                    

My eyes wandered at the small group of people alongside my father. Tumigil ang tingin ko sa isang lalaking kausap ng kapatid ko. Nang maramdaman ni Garethe ang paninitig ko sa kanya ay lumihis ang kanyang tingin sa kausap bago tumingala sa akin. Suplada kong iniwas ang tingin sa kanya at nagpanggap na hindi ko siya nakita. Napansin ni Sage ang pagkawala ng atensyon ni Garethe sa kanya kaya sinundan niya na rin ng tingin ang kanyang tinitingnan. Sinulyapan ko ang aking kakambal na namamanghang nakapanood sa akin na tila ba hindi niya inaasahang dadalo ako ngayon.

Dahan-dahan kong nilapat ang aking mga paa sa sahig kasabay ng paglalaho ng aking pakpak. I glanced at the guy beside my twin brother again. His mouth remained half-opened while shamelessly staring at me. Pinagtaasan ko siya ng isang kilay kaya agad niya iyong itinikom at nag-iwas ng tingin sa akin.

Bumaling ako sa gulat pa ring si Sage. "Are you happy now, my brother?" I said with a hint of sarcasm.

He grinned and jokingly pinched my cheeks. Inirapan ko siya at naglakad na patungo sa aming ama. Agad napunta sa akin ang atensyon nilang dalawa ng lalaking kausap niya nang makita ako. Huminto ako sa harapan nila at yumuko bilang pagpupugay sa mahal na prinsipe ng Camp Nephos at Kingdom Galaxias. "Greetings, Your Royal Highness..."

When I heard my father's hearty laugh, I lifted my head and smiled sweetly at him. Ibinuka niya ang kanyang mga bisig na agad ko namang pinaunlakan at magiliw siyang niyakap. Hinagkan ko ang kanyang pisngi bago bumitiw sa yakap.

"Ito na ba ang bunsong babaeng anak mo, Ostes?" tanong ng kanyang kausap kaya napabaling ako sa kanya.

Agad akong yumuko bilang paggalang sa duke ng Nephos. "Greetings, Your Grace," medyo gulat na sambit ko nang tuluyang mapagtanto kung sino ang kausap ni Papa.

"You may rise..." pormal na sabi ng duke. Nang i-angat ko ang tingin sa kanya ay ngumiti siya sa akin. "No need for formalities, Princess Astra. You can just call me 'Tito Gregory'."

Magiliw na humalakhak ang aking ama sa kanyang tabi. "Yes, she is my Astra Calliope... the daughter I'm talking about, Gregory," makahulugang aniya.

Si Duke Gregory ang namumuno sa isa sa independent at makapangyarihang bayan na nakahiwalay sa aming rehiyon. Kilala siya sa pagiging competent na pinuno na gumagamit ng dictatorial leadership sa kanyang bayan. Isa sa mga pangunahing layunin ng aking ama ay ang mapagbuklod ang mga bayan sa aming rehiyon. And to do that, it's either we'll do something for them, or they will do something for us to return the favor.

I have a bad feeling about this meeting pero... sige, I'll give them a chance. Mukha namang matalik talagang magkaibigan si Tito Gregory at Papa kaya siguro ay hindi na nila itutuloy ang plano nila noon para sa akin at sa panganay na anak ng duke. Ilang beses na kasing nabanggit sa akin ni Papa ang tungkol sa plano nilang engagement namin ni Garethe upang tuluyang mapagbuklod ang lahat ng bayan sa kaharian.

Natauhan ako nang maramdaman ko ang pagdausdos ng kamay ni Sage sa aking kabilang balikat. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang malamig na tingin niya kay Garethe habang nakaakbay sa akin.

"By the way, Ostes..." panimula ni Duke Gregory bago sumulyap sa akin at ibinalik agad ang tingin sa kanyang anak. "This is my only son and my firstborn... Garethe Columbus de Grande."

The stern look on the marquess' face after bowing to give his regards to my royal father almost made me roll my eyes. Ang kanyang mga galaw ay pulidong-pulido at para bang ipinanganak talaga siya para makisalamuha sa mga miyembro ng royal family o high-ranking families.

Kung pagbabasehan ang maturity ng features ng kanyang mukha at katawan, sa tingin ko ay mas matanda siya ng isa o dalawang taon sa akin. If he really is the firstborn of the de Grande family, then maybe I was right about my guess. He's probably older than me, not just by age but also by his way of thinking. His presence alone screams boldness and tenacity. No wonder he is the son of a well-known dictator of a large city.

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon