Kapitulo XII - Surprise

3.5K 272 5
                                    

Habang nakasakay sa tren pauwi sa Camp Nephos ay patuloy na bumabagabag sa aking isipan ang nilalaman ng panaginip ni Janica Guevarra at ang reaksyon ni Santhe matapos kong sabihin ang tungkol doon. Maaari nga kayang may kinalaman si Janica Guevarra sa nangyari kay Amaia?

Kung biglang naglaho si Amaia matapos ang malaking kaguluhan sa Camp Sunne, posible nga kayang napadpad siya sa mundo ng mga manna? Pero paano? At bakit hindi pa rin siya bumabalik dito? Natatakot ba siya dahil alam niyang itinuturing siyang rebelde rito? O mayroong pumipigil sa kanya upang makabalik dito?

Nahinto ang malalim kong iniisip nang dumating na ang sinasakyang tren sa istasyon ng Camp Nephos. Dali-dali akong bumaba at umalis ng train station. Bumagal ang aking paglalakad nang magkasalubong kami ni Sage sa bukana ng entrada papasok sa Nephos. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa tabi ng arko habang madilim na nakatingin sa akin. Doon ko lang din napansing nagbago na pala ang anyo namin dahil lumubog na ang araw. Mabuti na lang pala ay nakauwi agad ako bago pa tuluyang dumilim ang kalangitan.

Huminto ako sa harapan ng aking kapatid at ngumuso habang tinatanggal ang suot kong disguise. "Sage, sorry na..." panunuyo ko sa kanya.

Nanatiling blangko ang kanyang mukha. "Umuwi na tayo," malamig na sabi niya bago umambang mauuna na papasok, ngunit agad ko siyang hinila pabalik.

"Sabi mo mag-uusap na tayo palagi kapag nag-aaway tayo! Hindi mo na naman ba ako papansinin?" kunwaring nagtatampong sabi ko na agad nagpalingon sa kanya. Gotcha!

Bumuntong-hininga siya at napipilitan akong hinarap. "Explain what you did, then," hamon niya sa akin.

I cleared my throat and suppressed my victory smile. Agad akong sumeryoso upang hindi niya ako pagdudahan. "Kinumusta ko lang ang kalagayan ni Angelina sa Sunne at nakibalita na rin tungkol sa biglaang pagkawala ni Amaia," paliwanag ko.

He cocked his head a bit and raised a brow. "Tapos?"

Muntik na akong mapairap. "Anong tapos? Tapos na! Kinumusta ko lang talaga sila kasi nag-aalala na talaga ako! Of course, I'd be worried as hell! We've been friends for years now! Ilang buwan na akong walang natatanggap na kahit anong balita mula sa kanila at hindi rin ako pinapayagang dumalaw ni Papa roon kaya gagawa talaga ako ng paraan!" dire-diretsong sabi ko.

Nagulat ako nang bigla niyang guluhin ang buhok ko. "I was just kidding! Alam ko namang hindi ka na magsisinungaling pa sa akin," natatawang sabi niya.

I immediately scowled at him. "Pinagti-trip-an mo na naman ako, eh!"

Mas lalo siyang natawa nang makita akong iritado sa kanya. Inakbayan niya ako at agad hinila paangat sa lupa. Lumipad na kami papasok sa entrada ng Nephos at tinahak ang daan pauwi. Kunot-noo ko siyang binalingan nang mapansing iba ang daang tinatahak namin. "Bakit sa palasyo tayo uuwi? May pasok pa tayo bukas!" I reminded him.

Suplado niya lang akong tiningnan. "Did you forget already? We need to prepare for our birthday on Friday, Astra. Sa palasyo muna tayo uuwi hanggang sa matapos ang linggong ito," aniya.

Kinalas ko ang pagkakaakbay niya sa akin at sinimangutan siya. "Bakit?! Thursday pa lang naman bukas, ah? Sa isang araw pa ang birthday natin! Kung makaasta ka naman, akala mo gown ang susuutin mo sa birthday mo!" iritadong sabi ko.

He chuckled at my side comment. "S'yempre ikaw ang magsusuot ng magarbong damit! Kailangan niyo pa raw i-finalize yung measurements ng mga damit na susuutin mo, at isa pa, ipapakilala rin yata sa iyo ni Duke Gregory ang mga tutulong sa'yong mag-ayos."

Napataas ang isang kilay ko nang marinig ang pangalan ng duke. "Pu-pupunta ang mga de Grande ngayon?" gulat na tanong ko.

Pinisil niya ang tungki ng ilong ko nang mapagtanto ang kahulugan ng tanong ko. "Si Duke Gregory lang!" natatawang sabi niya.

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon