Kapitulo XXIII - Training

3.3K 216 5
                                    

Pagkabalik sa aking dormitoryo ay naligo at nagbihis agad ako ng aking bagong uniporme. Pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin habang sinusuot ang aking blue green coat at hindi na napigilan ang mapabuntong-hininga.

Pagkalabas ng dormitoryo ay dumiretso muna ako sa Great Hall upang pumila sa registration para sa mga nais lumahok sa preliminaries, ngunit tila bahagyang umatras ang aking sikmura nang makita kung gaano karami ang nagpunta roon upang mag-sign up. Malayo pa lang ay tanaw na tanaw ko na ang ilan sa mga tinitingalang estudyante sa aming paaralan na kabilang sa Magic 10 ngayong taon.

Huminga muna ako nang malalim at diretsong naglakad patungo sa kaibigang si Steffy nang makitang magkausap sila sa pila ni Sage. Dahan-dahang lumingon sa akin ang mga estudyanteng nakapila at halatang napipilitan pa yung ibang yumuko upang magbigay-pugay sa akin. Itinaas ko ang aking isang kamay upang tanggapin ito at dumiretso na sa kinaroroonan ng aking kaibigan at kapatid. "Steffy!"

Agad napalingon sa akin si Sage at kitang-kita naman agad ang pag-aliwalas ng mukha ng aking kaibigang si Steffy nang makita ako. "Astra! Halika rito, I saved you a spot in the line!" magiliw na salubong niya sa akin.

Sinulyapan ko ang aking kapatid na tahimik na ngayon habang nakapila sa likod ni Estefania kaya napataas ang isang kilay ko. Pinagtaasan niya rin ako ng isang kilay nang mapansin ang paghihinala sa tingin ko kaya nilipat ko ang nagdududang tingin kay Steffy na halata ang kaba sa mukha habang tumatanggi at nagpapaliwanag sa akin.

"Is she out of her mind? Bakit naman siya sasali sa The Chosen Ones, eh wala nga siyang basic requirement, which is magic?"

Nawala ang atensyon ko sa kaibigan nang marinig ang bulungan ng dalawang estudyante sa harapan ko. Sa tingin ko ay hindi iyon narinig ng aking kapatid at ni Steffy na tila may sarili na namang mundo ngayon. Humalukipkip ako at nilipat ang tingin sa mga babaeng nagbubulungan upang pakinggan ang lahat ng kanilang gustong sabihin.

"Agree, sis! Apart from having fairy wings and royal blood, I'm pretty sure she is good-for-nothing," pagsang-ayon ng kasama niyang babae na sinadya pang sumulyap sa direksyon ko.

"Buti nga ay hindi pa siya itinatakwil ng pamilya niya kahit wala na siyang halaga sa kanila. Her sister is the headmistress of Nexus Academy, and her twin brother is the top student and the strongest candidate for The Chosen Ones. If Prince Callix Sage wins the preliminaries, he might also be the strongest candidate for the battle of the throne," dagdag niya sa kasama matapos mag-fill up ng kanyang form bago pa-simple ring sumulyap sa akin.

The other girl chuckled before signing up the form. "Baka nga matalo pa siya ng mga taga-Commoners clan sa preliminaries at magdala lang ng kahihiyan sa royal family. No one looks up to her anymore. At this point, greeting her is just for formality only," natatawang aniya.

I can't help but let out a chuckle. Kunot-noo silang napatingin sa akin kaya pinagtaasan ko sila ng isang kilay. "Tapos na kayo?" sarkastikong tanong ko.

Halata ang pagpipigil ng inis sa mukha ng isang babae nang sumagot siya. "What do you mean?"

"Totoo naman lahat ng sinabi namin, ah—" Napahinto sa pagsasalita ang kasama niya nang pa-simple siyang kurutin nito sa tagiliran.

I smirked at her response. Sinulyapan ko ang desk na pinagkunan nila ng form at pinanatiling nakataas ang isang kilay ko. "I mean... tapos na ba kayong mag-sign up? Marami pa kasing naghihintay sa pila. Sana tumabi muna kayo bago kayo magdaldalan," mahinahong sabi ko bago ngumiti nang matamis sa kanila.

Tila umakyat ang dugo sa kanilang mukha dahil sa sinabi ko, ngunit wala silang ibang nagawa kundi tumabi upang magbigay-daan sa akin. I smiled inwardly while filling up the registration form. "Siguraduhin niyong kaya niyong mapabagsak ang isang 'walang halagang' katulad ko sa preliminaries para hindi niyo kainin ang lahat ng sinabi niyo ngayon," bulong-bulong ko sa sarili na mukhang narinig nilang dalawa kaya napahinto sila sa paglalakad.

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon