Pinagtaasan niya ako ng isang kilay nang makita ang gulat at takot sa reaksyon ko. I shifted my weight a bit and tried to calm down. "Who's gonna cut classes?" Sage asked me again.
I forced a smile and calmly walked towards him. Pinanood niya lang ako hanggang sa tuluyan akong makalapit sa kanya. "Wa-wala iyon, Sage! Niyaya kasi ako ni Cygnus na mag-cutting. Eh, syempre kilala mo naman ako, 'di ba? Ayokong nagka-cutting lalo na't paborito kong teacher si Ma'am Johanna!" pagpapalusot ko.
Nanatili ang pagdududa sa kanyang tingin. Sa huli ay napabuntonghininga na lang ako dahil alam kong wala talaga akong kawala sa kakambal ko dahil kilalang-kilala niya ako. "Fine! I-I'll tell the truth!" His brow shot up while waiting for what I'm about to say. "I'm planning to cut Ability class dahil may importante akong pupuntahan at gagawin. Pagbigyan mo na ako, please?"
His eyes narrowed even more. "At ano namang gagawin niyo roon ni Cygnus?" Napakurap-kurap ako dahil sa gulat. Narinig niya kaya ang pinag-usapan namin ni Cygnus kanina? Hindi niya p'wedeng malaman ang tungkol sa pinagkasunduan namin!
"Hindi naman si Cygnus ang kikitain ko roon, Sage! I-I'll be meeting a friend!" tanggi ko agad. "Sasamahan lang ako ni Cygnus, pero uuwi rin agad siya!"
Nanatili ang pagdududa sa kanyang mga mata. "Sino? Si Steffy ba 'yan?"
I narrowed my eyes when I noticed something glimmered in his eyes. He shifted his weight immediately when he saw my suspicious look."Oo, bakit? Sasama ka sa amin?" mapaglarong tanong ko sa kanya. "Bakit hindi mo tanungin si Estefania ngayon kung gusto mo talagang ma-kumpirma kung totoo ba ang sinasabi ko?"
I smirked when he swallowed hard and looked away. Nasa akin ang alas, Callix Sage! I've always felt strange tension between my twin brother and my best friend, Steffy. It was as if Sage's been trying to avoid her as much as he could. And, of course, I wouldn't let that escape my cunning eyes and use it to my advantage!
"Anong gusto mong sabihin kong paliwanag kay Ma'am Johanna?" mahinahong tanong niya habang hindi pa rin makatingin nang diretso sa akin.
I sweetly smiled at my brother. "Just tell her I had to go home and rest because I wasn't feeling well today," I simply said before walking away.
Nagkatinginan kami ni Cygnus at parehong napangisi. I let him lead the way to their mansion. Aniya'y dadaan daw muna kami roon dahil magpapaalam siya sa kanyang ama at kukuha ng sasakyang maghahatid sa amin. Mas maganda raw kasi kung magpapahatid kami dahil hindi naman ako basta-bastang papapasukin sa Asteres kung wala akong koneksyon.
Nang makarating kami sa kanilang mansyon ay agad akong sinalubong ng kanyang ama. Nagulat siya dahil sa hindi inaasahang pagbisita ko at pinayagan niya rin kami sa nais naming gawin ni Cygnus. Nagpahanda pa siya ng isang maliit na convoy para sa pagpunta namin sa Camp Asteres. Gusto ko sanang tanggihan iyon dahil ayokong maging agaw-pansin ang aming pagpuslit ngunit sabi ni Tito Glenn ay kailangan ko raw iyon lalo na't hindi naman ako taga-roon at hindi ako maaaring pumasok doon basta-basta.
"Saan ba tayo pupunta, Cy? At saka, nakahanda na ba talaga ang hinihingi ko?" kuryosong tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa kanilang modernong sedan patungong Camp Asteres.
Sinulyapan niya ako at nginitian. "Wala pa, pero papapiliin naman kita roon sa pupuntahan natin ngayon," makahulugang sagot niya.
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I know his family settles in Camp Asteres Planetai but permanently lives in Camp Nephos. Pero saan naman kaya ang lugar na tinutukoy niya? Mayroon ba talagang ganoong klaseng lugar sa bayan nila? Baka naman inuuto lang ako nito ni Cygnus!
Nang makarating kami sa tapat ng isang maliit na building sa Asteres ay mas lalong umusbong ang pagdududa ko. Pinagbuksan ako ng pinto ng kanilang chauffeur at nilahad sa akin ni Cygnus ang kanyang isang kamay. Agad ko itong tinanggap habang namamanghang inililibot ang tingin sa kalawakan ng siyudad ng Asteres Planetai pagbaba ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Nexus Academy: The Enchanted Home
Fantasy[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los Encantados" Nexus Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, is considered the home fo...