Kapitulo IV - Labyrinth

5.5K 302 4
                                    

"Finished or not finished, pass your works..." anunsyo ng aming guro sa Chemistry class na si Ma'am Anastacia.

Patamad akong tumayo at lumapit sa kanyang lamesa upang magpasa ng aking assignment. Ngayong araw, tinuruan kami ng aming guro kung paano gumawa ng potion para sa magandang panaginip. Magagamit kasi namin ito para sa Dream class kung saan pinag-aaralan at binabantayan namin ang mga panaginip ng mga manna o normal na taong nakatira mula sa Earth.

Dito sa Nexus Academy, ang pangunahin naming pinag-aaralan ay kung paano hulihin ang masasamang panaginip at kung paano kontrolin ang aming mga magic attribute because when we graduate, we can choose whether to serve the kingdom as a Galaxias mage or be an observer or regulator of the manna's dreams here in Nephos.

Maraming nangangarap maging mage upang maglingkod sa kaharian ng Galaxias pero para sa iba na ayaw mapalayo sa kani-kanilang pamilya at mahal sa buhay dito sa Nephos, pipiliin na lang nilang maging dream catcher at manatili dito sa aming rehiyon.

We, the encantados, are said to be one with nature. Every family owns a magic attribute passed down from generation to generation—Fire, Water, Air, Earth, Light, and Dark.

"Astra, saan ka pupunta? May isang oras pa tayong vacant ngayon, 'di ba?" tanong sa akin ni Estefania habang naglalakad kami papalabas ng classroom.

Nagkibit-balikat ako. "Magpapalamig lang muna ako, Steffy..." matamang sabi ko.

Bumalatay ang pag-aalala sa kanyang mukha nang mapansin ang pagiging matamlay ko. "Gusto mo bang samahan kita?"

Pilit akong ngumiti bago umiling sa kanya. "Huwag na, delikado ang pupuntahan ko."

Bahagyang namilog ang singkit niyang mga mata dahil sa sinabi ko. "Papasok ka na naman ba sa restricted area?!"

I sighed. "Curious kasi ako kung anong itinatago sa Labyrinth ng Nexus Academy. Sampung taon na akong pumapasok at nagpapabalik-balik doon ngunit hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatagpuan ang dulo ng maze."

Napailing siya at napabuntong-hininga sa sinabi ko. "Ikaw lang talaga ang kaibigan kong babae na napakahilig maghalughog ng mga misteryoso at delikadong lugar! Ang tigas talaga ng ulo mo! Ilang beses ka nang nag-aagaw buhay na lumabas mula roon sa Labyrinth pero hindi ka pa rin talaga nadadala!"

I chuckled and ignored her bit exaggerated remark. Ever since I was a child, I have liked exploring and discovering the mysteries surrounding our kingdom's enchanted places. Naniniwala kasi akong lahat ng lugar at bagay sa mundong ito ay may itinatagong sikreto kahit gaano pa ito ka-ganda o kalinis tingnan.

Of course, I also believe that Nexus Academy, Hogar de los Encantados, is not an exemption to that rule. Sometimes, the greatest and darkest secrets can be hidden in the most enchanted places.

Nang makarating ako sa North wing kung saan nakatayo ang restricted area ng Nexus Academy ay walang pag-aalinlangan akong lumapit sa gate at kinalas ang kandado nito. My heart almost jumped out of my chest when I felt a warm hand pulling my wrist. Agad kong nilingon ang taong pumigil sa akin at agad umahon ang iritasyon ko nang makilala kung sino ito.

"Ano na naman ba, Garethe?!" singhal ko sa kanya.

His thick and strong arched brow rose slightly as he surveyed me from head to foot. When our eyes met again, I immediately saw the flecks of silver in his blue-grey eyes. "Saan ka pupunta?"

Napairap ako sa tanong niya. Simula noong naaksidente kami ni Sage, naging mahigpit na rin sa amin si Papa. Mas pinag-igting niya ang seguridad naming dalawa, partikular na sa akin dahil babae ako. Ibinilin at pinabantayan niya ako rito sa anak ng kanyang matalik na kaibigan na isa sa pinagpipilian ni Papa na maging fiancé ko. Dahil lalaki si Sage, hindi na siya binigyan pa ng magbabantay sa kanya ngunit mahigpit na ipinagbilin sa kanya ni Papa na sabay kami palaging uuwi kasama ang mga guwardiyang ipinadala niya.

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon