Kapitulo X - Dream

4.1K 272 2
                                    

"Steffy!"

Nagliwanag agad ang mukha ng aking kaibigan nang mamataan niya akong tumatakbo pagkababa ng aming karwahe. "Astra, you look great today! Bakit mukha yatang maganda ang mood mo ngayon?"

Ngumuso ako upang itago ang nagbabadyang ngiti sa aking labi. "Excited na kasi ako sa activity natin mamaya sa Dream class!"

Napapapalakpak din siya sa tuwa. "Oo nga pala! 'Di ba ngayon daw maga-assign ng manna si Ma'am Silva?"

Mas lumawak ang ngisi ko sa sinabi niya. Noong nakaraang linggo kasi ay nabanggit sa amin ni Ma'am Ayessa ang tungkol sa pagsubok naming mag-interpret ng mga panaginip ng manna ngayong linggo. Bibigyan niya raw kami ng tig-iisang manna na oobserbahan at susubukan naming i-interpret ang kanilang panaginip. 

Last week, we tackled how to put spells on dream catchers to cast away bad dreams. Ang mga nagawa naming dream catcher ay ibebenta ng ilang mages na naglalakbay sa labas ng mundo namin upang makatulong sa mga nangangailangang manna na nakararanas ng bangungot. Ngayong linggo ay tungkol sa dream interpretation ang aming discussion kaya naman excited ang karamihan para sa Dream class.

"By the way, what's your plan for your eighteenth birthday, Steffy?" pag-iiba ko ng usapan habang naglalakad kami papasok sa classroom.

Ngumiti siya nang tipid sa akin. "Nothing special. Ayaw ko ng magarbong birthday party dahil alam kong hindi naman lahat ng dadalo ay totoong may pakialam sa akin," kibit-balikat na aniya.

Sinenyasan kong tumayo ang mga kaklase kong nagbigay-pugay sa akin bago muling ibinalik ang atensyon sa kaibigan. "Hmm, I agree. Kahit ako rin ay ayoko ng masyadong malaking party pero..." I intentionally trailed off and shrugged. Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin at napabuntong-hininga rin.

"Ano nga palang plano niyo ni Sage para sa birthday niyo?" tanong niya sa akin nang makaupo kami sa may dulong upuan.

Sinulyapan ko ang kuryosong kaibigan. Estefania's birthday is just a day ahead of ours. Noong mga nakaraang taon, pinanatili lang din naming simple ang birthday celebrations namin ni Sage. Ang pamilya ni Estefania lamang ang tangi naming iniimbita sa palasyo kaya naman pinagsasabay na lang namin ang aming handaan. Ngayong taon lang yata kami maghihiwalay ng celebration dahil pinagpaplanuhang mabuti ang handaan namin ni Sage ngayong taon.

"Our Royal Father is really excited about our birthday celebration this year! Nakipag-collaborate pa siya sa de Grande clan upang gawing mas magarbo ang preparation. The royal family is invited, too, including the queens, grand princes, princesses, and of course, the high-ranking families of Nephos," medyo nae-excite na kuwento ko.

Kumislap din ang excitement sa mga mata ni Estefania at bahagya pang napapalakpak. "I'm so excited! P'wede ba akong pumunta sa inyo nang maaga para sabay tayong makapag-prepare? Magsasama ako ng sariling butlers para hindi ako makaabala sa preparation mo, promise!"

I chuckled a bit and nodded. Maya maya'y napatigil na kami sa pagkukuwentuhan nang dumating na ang aming guro sa Dream class na si Ms. Ayessa Silva. "Good morning, class! Are you ready for today's discussion?"

Bakas ang excitement sa tono ng aming pananalita nang sumagot kaming lahat. Napahalakhak naman ang aming guro sa aming mga reaksyon. "Before we proceed with our major activity, I'd like to discuss the essence of dreams and their different types. Later on, I will further discuss how to interpret dreams."

Napaayos ako nang pagkakaupo at naghandang makinig. Sinulyapan ko ang kakambal kong nakaupo sa kabilang dulo at iwas na iwas sa pagsulyap dito sa banda namin dahil kasama namin ang centaurs sa klase, partikular na ang bestfriend kong si Steffy. Napailing na lang ako at muling ibinalik ang buong atensyon sa aming guro. 

Nexus Academy: The Enchanted HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon