"Welcome, my dear mages of Nexus Academy. Welcome to the preliminaries for choosing the pride of our enchanted home– The Chosen Ones," magiliw na pagbati sa amin ni Sir Miguel Severus, propesor namin sa Defense class.
Sa kanyang tabi ay nakatindig ang aming propesor sa Ability class na si Ma'am Johanna Allora. "We are the game masters for this year's competition, and today marks the first day of the preliminaries. As we all know, this has been a tradition of our alma mater for choosing its representatives for the annual Choque de la Magia tournament in honor of our beloved Grand Prince Ostes of Nephos and late Grand Princess Akami Gray."
Muling ipinaliwanag ni Sir Miguel ang mechanics ng dalawang stages sa amin bago niya kami hinati sa dalawang grupo at pinapila upang bumunot ng makakalaban namin sa unang stage. Pagkatapos naming bumunot ay pumasok na kami sa isang portal patungong sub-arena kung saan gaganapin ang buong preliminaries ngayong taon. We were all transported to the grand lobby of the arena and escorted by the guards to separate rooms containing one capsule each that would lead to the upper floor of the arena where the battle shall take place.
Pagkapasok ko pa lang sa aking silid ay naagaw agad ng mahiwagang capsule ang atensyon ko. Naglakad ako palapit doon bago marahang ipinatong ang kanang kamay sa salamin nito. Hinawakan ko nang mahigpit ang pendant ng aking kuwintas gamit ang kabilang kamay at huminga nang malalim. "You got this, Astra..." bulong ko sa sarili.
Sinulyapan ko ang timer na nakalagay sa ibabaw ng aking capsule at nakitang mayroon pa akong isa't kalahating oras bago ito bumukas. Inubos ko ang natitirang oras na iyon sa pagpapahinga at pagkokondisyon ng aking katawan para sa laban mamaya.
My opponent on the first stage of the preliminaries is from the highly-respected Maverick clan known for its strong earth magic. This elemental magic has more powerful variations and a wide range of combat that is very useful in battles. Control, discipline, and restraint are essential when using this magic, so I am pretty sure most of the Maverick clan are good at wielding weapons and physical combat. It's a blessing in disguise that the first stage doesn't involve any magic because I will definitely be at a disadvantage.
Agad akong nabalik sa realidad nang biglang tumunog ang buzzer at umilaw ang capsule sa tabi ng higaang kinauupuan ko. Dahan-dahang bumukas ang pinto ng capsule paglipas ng ilang segundo at lumitaw ang natitirang oras sa itaas nito.
60 seconds left...
Naramdaman ko ang unti-unting pag-ahon ng kaba sa aking dibdib kasabay ng panlalamig ng aking mga kamay. Pinagsalikop ko ang aking mga palad at hinipan ang pagitan nito bago mariing ipinikit ang mga mata. "You can do this, Astra. This is your chance to bounce back and redeem yourself. Let's prove everyone wrong, okay?" bulong ko sa sarili.
30 seconds left...
Umahon ako mula sa pagkakaupo at naglakad palapit sa aking capsule. Huminto ako sa tapat ng pinto at walang pag-aalinlangang humakbang papasok sa loob nito. Hinawakan ko nang mahigpit ang pendant ng aking kuwintas sa huling pagkakataon bago ito ipinasok sa loob ng aking jacket.
Be brave, Astra. Just because your path is different doesn't mean you are lost. You are stronger than you think and more capable than you imagine.
10 seconds left...
Kasabay ng sunod-sunod na pagtunog ng buzzer ng capsule ay ang pagpapalit ng kulay ng ilaw sa loob nito. Inayos ko ang aking tindig at hinigpitan ang pagkakapuyod ng aking mahabang buhok habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa salamin ng capsule. Kasabay ng dahan-dahang pag-angat ng base na tinatapakan ko ay ang tuluyang pagbubukas ng itaas ng capsule. Hindi ko napigilan ang mapapikit dahil sa nakakasilaw na liwanag mula sa itaas.
BINABASA MO ANG
Nexus Academy: The Enchanted Home
Fantasy[#Wattys2022 winner in the Fantasy category with a special award of "Pinakanakaeengganyong Mundo"] GALAXIAS SERIES # 3: CAMP NEPHOS - "Hogar de los Encantados" Nexus Academy, one of the four top schools of Kingdom Galaxias, is considered the home fo...