Kabanata 36

124 1 0
                                    

Nakaupo ako sa gilid ng kama nang pumasok sa kwarto namin ni Elias si papa. Nilapitan niya ang kapatid ko at may binulong dito. Hindi ko masyadong marinig iyon dahil medyo malayo sila sa akin at abala ako sa pagtitig sa litrato namin nila Nanay Remy at Tatay Rudy.

Maya-maya ay napansin ko ang paglabas ng kapatid ko sa kwarto. Kami na lamang ni papa ang naiwan sa loob. Nanatili akong nakatitig sa litrato habang nararamdaman ko ang paglapit sa akin ni papa.

"Can we talk?" Tanong niya sa akin.

Walang salitang namutawi sa aking bibig. Wala akong lakas upang magsalita. Nakayuko pa rin ako habang hawak ang litrato.

"You really love them.." Panimula ni papa at tumabi sa akin.

Sinulyapan ko si papa at binigyan lamang siya ng tipid na ngiti.

"Sayang, hindi ko na sila nakilala para ipaabot ang aking pasasalamat. Because they raised a strong woman like you.."

"Papa, diretsuhin n'yo na lang ho ako. Kung tungkol kay Sandro at sa kapatid ko po ang sadya n'yo sa'kin, ayos lang po ako. Ayoko na lang muling pag-usapan ang tungkol doon." Lakas-loob na sabi ko.

Papa sighed. "I'm just worried about you. Ngayon lang kita nakasama. Ngayon lang din masusubok ang pagiging ama ko sa'yo. So tell me, is there anything that I can do to relieve the pain you're feeling right now?"

Umiling ako. "Ayos lang ako, papa. Pero may isa lang akong hihilingin."

"What is it? Anything for you. Kung ano sa tingin mo ang makakapagpagaan ng loob mo."

"Kung pahihintulutan n'yo po ako, maaari bang hindi na ako magtungo ng El Dorado? Ayoko na pong ituloy ang proyekto roon kasama si Sandro. Nandoon naman si Sadie. Sa opisina na lang ako magtatrabaho. Please, papa." Hinawakan ko ang kamay niya.

"That's perfectly fine with me. It can help for you to recover." Walang pag-aalinlangan na pumayag siya.

"Saka papa.. Ayoko na rin pong manatili rito sa mansion." Sabi ko at yumuko.

"Why?" Gulat na tanong niya. "Hindi pwedeng hindi kita matutukan, Kassidy. Hindi ka aalis dito."

"Papa.. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko naman iiwan ang trabaho ko sa inyo. Ayaw ko lang po talaga na manatili pa rito." Sabi ko.

"It's not about the job and our business, Kassidy. It's about you. Hindi pupwedeng sarilinin mo ang lahat. May pamilya ka pa. Nandito pa ako." Malumanay na sabi niya.

"Papa, please. Hindi ko kayang makasama ang kapatid ko sa iisang bubong. Kahit na sabihin mong malaki itong mansion at maaari ko namang iwasan siya, hindi pa rin magiging madali para sa akin ang lahat." Pagmamakaawa ko.

Napatingin sa kawalan si papa habang iniisip pa rin ang mga sinabi ko. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya sa akin. Ngunit paulit-ulit ko lang maaalala ang sakit kung mananatili pa rin ako rito.

"Like what you've said, papa. My parents raised a strong woman out of me. Kaya ko 'to. I just really need time for myself. Hindi ako makakausad kung mananatili ako sa lugar na magpapaalala lang sa akin ng mga bagay na iyon." Mahabang sabi ko.

Napabuntong-hininga si papa at muli akong tiningnan. He gently patted my head and nodded.

"If that's what you think na makabubuti sa'yo. Pagbibigyan kita." Sabi niya.

Ngumiti ako at yumakap kay papa. Hinahagod niya ang buhok ko na tila pinapakalma ang aking kalooban. Hindi naman ako lalayo sa kanila, kailangan ko lang mapag-isa hanggang sa kaya ko nang humarap muli kay Sandro at sa kapatid ko na wala nang nararamdamang sakit.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon