Kabanata 2

193 9 0
                                    

"Good job, Kass. Akala ko hindi kakayanin sa computer shop eh. Malapit na natin matapos. Baka next week manghingi na lang ako ng ambag mo para sa printing at pagpapa-bookbind natin." Sabi sa akin ni Marie nang makalapit siya sa akin. Kasalukuyan akong nagsusulat ng notes.

"Sabi ko naman sa'yo, ayos lang ako. Kinakabahan din kasi ako at baka mapaano 'yang laptop mo kapag inuwi ko sa bahay. Alam mo naman sa lugar namin..." Sagot ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Sige, mag-memerienda lang kami sa labas. Hindi ka ba sasama?" Tanong niya.

"Hindi na. May tatapusin pa kasi ako."

"Huwag mong masyadong galingan. Baka maghakot ka pa ng honors niyan. Which is hindi malabong mangyari." Napahagikgik siya.

Tumawa lang ako at saka umalis na siya. Hindi na ako sumama sa kanya dahil bukod sa may tinatapos talaga akong notes ay nagtitipid din ako. Napakamahal ng mga pagkain sa loob at labas ng university na ito. Isang buong araw na budget na namin nila nanay at Eli ang isang tasa ng kape na ibinebenta sa labas.

"Kassidy..."

Kasabay ng marahan na katok sa pinto ay ang boses ni Luis na tumatawag sa akin. Mabilis na isinara ko ang notebook ko at nilapitan siya.

"May kailangan ka?" Tanong ko kay Luis.

"Pwede bang kunin ko muna iyong oras mo para sa cafeteria mamaya? Pasensya ka na, Kass. Kailangan ko kasi talaga ng pera dahil kailangan kong mag-contribute din sa projects namin. Hindi naman ako makahingi kay mama dahil natanggal siya sa trabaho. Pati nga pambaon ko pinoproblema ko kung saan ko kukunin." Napakamot pa siya sa ulo.

"Okay lang, Luis. Kunin mo na iyong para sa akin. Alam kong mas kailangan mo iyon." Nakangiting sabi ko.

"Talaga? Salamat talaga ha. Sige, mag-uumpisa na akong magtrabaho."

Tinanguan ko lang siya at umalis na siya. Ang tinutukoy niya ay iyong pagiging helper namin sa cafeteria ng university. Dahil kilala nga kami na kapos sa buhay ay sinubukan naming makiusap sa head office kung may maitutulong ba kami dito para may pagkakitaan kami kahit kaunti para sa mga projects dahil hindi na iyon sakop ng scholarship namin. Tuition lang ang sakop ng scholarship at hindi na ang mga gastusin para sa projects.

Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang hirap ng buhay. Kaya pinipilit ko talagang mag-aral kahit na two years ago na dapat ako naka-graduate pero hindi nga kasi ako regular student kaya natagalan. Mabuti na lang at ga-graduate na ako next year. Para kay nanay at kay Eli. Ayoko na rin kasing nagtitinda si nanay sa palengke dahil maya't-maya ay inaatake siya ng highblood.

Pauwi na ako nang maisipan kong dumaan doon sa pinagbibilhan ko ng pritong manok na paborito ni Eli. Iyong tig-sasampung piso na pritong manok na wala halos laman at harina lang ata. Iyon lang ay masaya na si Eli sa ganoong ulam kaya bumili ako ng tatlong piraso. Pagkatapos ay bumili naman akong tinapa para sa amin ni nanay. Maaga ang uwian namin kaya ako na ang bumili ng hapunan namin.

"Ate! Bakit po ang aga mo ngayon?" Bungad sa akin ni Elias pagkapasok ko sa loob ng bahay. Kasalukuyan siyang nakaharap sa mga libro niya at papel at may ginagawang takdang-aralin.

"Maaga ang uwian namin kapag Biyernes, 'di ba? At syempre, dinalhan kita ng pasalubong." Nakangiting sabi ko sa kanya at hinalikan ang ibabaw ng ulo niya. Amoy pawis pa iyon pero hindi ko alintana dahil gustong-gusto ko ang amoy niya.

"Wow! Fried chicken! Akin lahat ito, ate?" Tanong niya habang tinatanggal sa plastic ang ulam niya. Kumuha naman ako ng plato para paglagyan niya.

"Buti at maaga ka ngayon, nakabili ka ba ng ulam?" Tanong ni nany sa akin. Naglalaga siya ng okra.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon