Kabanata 41

96 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Sinisipat ko ngayon ang sarili ko sa pahabang salamin. Sandro was right, my baby bump appeared after a few weeks. May kung anong saya ang bumalot sa puso ko dahil medyo nararamdaman ko na rin ang anak ko sa loob ng tiyan ko.

Nanatili pa rin kumplikado ang lahat sa amin ni Sandro. Kahit anong tanggi ko sa kanya ay pinipilit niya pa rin ang sarili niya sa akin. Halos lahat ng oras niya ay sa akin niya ibinibigay, maliit na oras lamang ang nalalaan niya para kay Sadie. Hindi ko naman maiwasang isipin ang kalagayan ng kapatid kong si Sadie sa tuwing nasa akin si Sandro.

Ilang linggo rin akong hindi umuwi ng mansion para makaiwas sa mga tao roon lalo na kay Sadie. Hangga't maaari kasi ay gusto kong mapag-isa. Noong mga nakaraang linggo ay pumapasok pa ako sa opisina, ngunit nitong linggo ay pinatigil na ako ni Tito Gael, dahil na rin daw sa utos ni papa. Hindi na ako tumanggi pa dahil gusto ko rin matutukan ang sarili ko.

Umupo ako sa sofa para ipahinga ang katawan ko. Naglinis kasi ako ng buong bahay dahil wala akong magawa ngunit hindi naman mabibigat ang mga ginawa ko. Tama lang din para makapag-ehersisyo ako.

Nakakilos ako nang maayos ngayon dahil wala si Sandro. May biglaang meeting daw sa opisina nila at binilinan ako na huwag aalis. Bago mananghalian ay darating na raw siya at sabay kaming kakain.

Nang buksan ko ang TV ay biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si papa.

"Papa.."

"How are you?" Bungad niya.

"Okay lang po. Kayo po, kumusta? Si Elias po?"

"Ayun na nga. Hinahanap ka na ng kapatid mo. Ilang linggo ka nang hindi dumadalaw rito sa mansion. Hindi na rin kasi ako sigurado kung talaga bang maayos ka diyan, buntis ka anak. Hindi mo maaalis sa akin ang mag-alala." Mahabang sabi ni papa.

"Sige, papa. Susubukan ko pong dumalaw this weekend. Namimiss ko ma rin ho kasi si Eli.." Sabi ko at hinawakan ang tiyan kong may maliit na umbok.

"Kumusta ang pagbubuntis mo? Hindi ka ba nahihirapan?" Tanong ni papa.

"Hindi naman po." Tipid na sagot ko.

Ayaw kong banggitin na masyadong tutok si Sandro sa pag-aalaga sa amin ng magiging anak ko. Dahil na rin sa kagustuhan ko, sinabi ko kay Sandro na kung ayaw niya talagang papigil sa gusto niya na manatili sa tabi ko habang nagbubuntis ako, itatago niya mula kay papa o kahit kanino ang sitwasyon namin. Ayaw ko rin kasi na makarating kay Sadie iyon at mapagmulan pa ng panibagong gulo.

Hindi na nasundan pa ang nangyari sa amin ni Sandro. Hindi na niya muli pang sinubukan na buhayin ang pagkababae ko. Nagpapasalamat ako dahil kahit na alam niyang marupok ako pagdating sa kanya ay hindi na niya muling sinamantala iyon. Takot niya lang na itago ko sa kanya ang anak namin kapag paulit-ulit niyang sinamantala ang kahinaan ko.

Hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang klase ng relasyon na meron kami ngayon. Basta ang alam ko lang, nandito siya palagi para sa amin ng anak niya. Simula noong nalaman niya ang pagbubuntis ko, hindi na niya ako iniwan.

"Are you sure?" Paniniyak ni papa.

"Opo.. Basta po susubukan kong umuwi this weekend para ho mapanatag na ang loob ninyo." Sabi ko.

"That's good. Okay, I'll hang up now. May meeting kami ni Tito Gael mo." Paalam niya.

"Sige po. Ingat po kayo, papa." Malumanay na sabi ko.

Nang mamatay ang tawag ay humiga ako sa sofa. Dinalaw na ako ng antok. Simigurado ko munang naka-lock ang pinto para kung bigla man akong makatulog ay hindi ako mapapasok ng kung sino. May duplicate key naman si Sandro rito sa apartment ko kaya kung hindi ko man siya mapagbuksan ay makakapasok siya.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon