Kabanata 48

86 3 0
                                    

I woke up peacefully the next day. Ako na lang ang mag-isa sa kwarto, wala na si Elias sa tabi ko. I glanced at the wall clock and it's 8 AM already, malamang ay tinawag na siya ni Tita Celeste para sa almusal.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table. Maraming text galing kay Sandro, pero isa lang doon ang nakapukaw ng aking atensyon.

Sandro: I got the results now. See you later at 1 PM.

Bumundol ang kaba sa dibdib ko. Nag-iisip pa lang ako ng irereply sa kanya nang bigla siyang tumawag. Sinagot ko iyon.

"Kagigising mo lang?" Tanong niya.

"Oo.. Nasaan ka?"

"I'm on my way home, driving. Nakuha ko na 'yung results. I already told Tito Benjamin about this, and he invited us for a meeting on his office at 1 PM. Hindi pa niya ata nababanggit sa'yo dahil kagigising mo lang." Mahabang sabi niya.

"Yeah.."

"Nervous?"

Natigilan ako saglit. "Medyo. Have you seen the results already?"

"Not yet. But Tito Benjamin have to read it aloud in front of us three. So you and Sadie should also have to be there."

"Sandro.. Kinakabahan ako."

He chuckled. "Why? You shouldn't be. We both know that I'm the father of your child kahit na hindi natin ginawa itong test na ito. But we had to. For Sadie's peace of mind. At saka.. para maging malaya na tayo."

"Bakit tumatawa ka pa? Kinakabahan na nga ako dito. Paano kung ikaw talaga ang ama ng anak ni Sadie?" I frowned though he wouldn't see me doing it.

"Just trust me. Huwag ka nang kabahan. Go eat your breakfast now."

"Lalabas na 'ko. Mag-iingat ka."

"I will."

Pinatay ko na ang tawag. I climbed down the bed and went to the closet. Pinili ko ang medyo mahabang daster at saka nagpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto at saka dumiretso sa kusina.

Nadaanan ko si papa sa sala. He was reading a newspaper when I leaned closer to him and gave him a good morning kiss on his cheek.

"Nauna na kaming kumain. How are you feeling?" Tanong ni papa.

"I'm okay, papa."

"By the way, Sandro told me that he got the prenatal paternity results already. I want you and Sadie to come at my office at 1 PM. Be sure to be there. Let's settle this problem once and for all. Okay?"

I nodded slightly. "Opo."

"Good. Pumunta ka na sa kusina, kanina ka pa hinihintay ng Tita Celeste mo na magising."

Nagpaalam na ako upang magpunta sa kusina. Hindi ko inaasahan na nandoon din si Sadie, kumakain ng almusal. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin. I shrugged my shoulders. Mas mabuti na iyon kesa mag-away at magkagulo na naman kami.

"I cooked bacon and eggs. Pero kung gusto mo ng oatmeal, meron pa diyan sa cupboard." Sabi sa akin ni Tita Celeste.

"Thanks, tita."

"How about you, Sadie? Gusto mo pa ng fried rice? Akin na at ipagsasandok kita. Also, don't forget to take your vitamins, okay?" Sabi naman ni Tita Celeste kay Sadie.

Hindi sumagot si Sadie, sa halip ay ibinaba nito ang kubyertos sa pinggan.

"Tita, kailan ko pwede makausap si mommy?" Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon