Kabanata 50

97 2 0
                                    

"Are you sure about this?"

I bit my lower lip. Hindi ko rin alam kung handa na ba ako, pero kailangan. Para bago man lang ako lumagay sa tahimik ay ayos na ang lahat.

"Gusto ko na rin tapusin 'to, Sandro."

I heard him sigh on the other line. "Okay, just call me if you need anything. Good luck."

"Thank you."

"And oh, I'll pick you up kapag tapos ka na. Just text me, okay?"

"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" Tanong ko.

"Yes."

"Saan naman?"

"Just stop asking. Paano pa magiging surprise kung sasabihin ko na sa'yo ngayon?" He chuckled.

Napasimangot ako. "Sige na nga. Gagayak na 'ko."

"Are you sure masasamahan ka ni Mang Dennis? Hindi kita masasamahan sa papunta, we have an important meeting in thirty minutes." Sabi niya.

"Oo, ihahatid ako ni Mang Dennis."

"Alright! I'll hang up, I have some contracts to sign now. Do your thing."

"Bye." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Matapos kong magbihis ay humarap ako sa pahabang salamin. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa may garahe at nadatnan ko doon si Mang Dennis na may kinukumpuni sa kotse.

"Ma'am, sandali lang po ah. May aayusin lang ako saglit bago tayo umalis." Sabi niya sa akin nang makita ako.

"Sige lang ho. Hindi naman ako nagmamadali."

Mga sampung minuto lang ako naghintay na matapos si Mang Dennis. Agad kaming bumyahe pagkatapos.

Nakarating kaming ligtas sa pinuntahan namin. Nakatitig ako sa maliit na gusaling nasa harap namin ngayon.

"Sasamahan ko pa po ba kayo sa loob?" Tanong ni Mang Dennis sa akin.

Marahan akong umiling. "Hindi na po. Ako na lang po mag-isa. At saka, pwede na po kayong umuwi." Sabi ko at ngumiti.

"Sigurado ho kayo? Uuwi po kayong mag-isa mamaya?"

"Huwag po kayong mag-alala, susunduin po ako ni Sandro. May pupuntahan din po kasi kami." Sabi ko.

"O sige po.."

Bumaba na ako ng sasakyan at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng maliit na gusali. Pinapasok naman ako ng guard at saka iginiya sa priority lane na para sa mga PWD at buntis.

"Ano pong sadya nila?" Tanong sa akin ng pulis.

"Bibisita lang po." Sagot ko.

"Pangalan ng bibisitahin?" Tanong nito.

"Olive Rivera po.."

"Anak niya 'yan at ni Don Benjamin. Papasukin mo na." Sabi nung isang pulis.

"Sige, Ma'am. Pasulat na lang po ang pangalan ninyo rito." Sabi ng pulis at iniabot sa akin ang logbook.

"Salamat."

Isinulat ko ang pangalan ko roon at pumirma. Pagkatapos ay iginiya na ako ng isang pulis papasok sa loob ng visiting area. Pinasundo nito sa isang pulis si mama.

Ilang saglit pa ay dumating na si mama. Napansin ko ang pagbagsak ng katawan niya at pangangalumata niya. Iniwan na siya ng pulis sa akin.

"Forty-five minutes lang po, Ma'am ah." Sabi sa akin ng pulis.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon