Kabanata 21

146 2 0
                                    

Dalawang linggo rin kaming naging abala ni Sandro dito sa El Dorado kaya hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na makauwi sa Santa Catalina. Ngayon pa lamang.

Isinuot kong muli ang mid-calf leather boots na itinerno ko sa denim dress na may mahahabang manggas at hanggang taas ng tuhod ang haba. Itinupi ko ang manggas hanggang sa siko.

Habang hinihintay si Sandro ay inabala ko ang sarili ko sa cellphone ko. Nauna kasi akong naligo kaysa sa kanya. Ilang minuto lamang akong naghintay dahil mabilis siyang kumilos. Tumanaw ako sa bintana at nakita ang maitim na ulap ngunit hindi pa naman bumabagsak ang ulan.

"We need to hurry. Baka bumuhos pa ang malakas na ulan at hindi na naman tayo makaalis." Turan niya.

Tumango ako at saka tumayo na. Binitbit ko ang bag ng laptop at lumabas na ng bahay. Hinintay ko si Sandro sa tapat ng truck at nang matapos siyang isarado ang bahay ay tinulungan niya na akong makasakay sa truck. Pagtapos ay sumunod naman siya at binuhay na ang makina ng sasakyan.

"Wala ka bang naiwan?" Tanong niya.

Umiling lamang ako at tumanaw lang sa kalsada nang magsimula na siyang magmaneho. Ipinagpasalamat kong hindi umulan nang malakas buong biyahe namin at panaka-nakang ambon lamang ang bumagsak.

Pagpasok pa lamang ng sasakyan sa garahe ay nakikita ko na ang kapatid ko na kumakaway-kaway sa di-kalayuan. Nasa likod niya si Papa Benjamin at nakahawak ito sa magkabilang balikat niya. Napangiti ako sa tanawin na nakita.

"Mabuti at hindi kayo inabutan ng ulan." Sabi ni Papa Benjamin nang makababa kami parehas ni Sandro ng sasakyan.

"Umalis na raw po kasi ang bagyo pero may bagong paparating sa susunod na araw." Sabi ni Sandro at isinara na ang pinto ng sasakyan.

"Kumusta ka?" Tanong ko kay Elias at marahang ginulo ang buhok niya.

"Okay lang po, ate. Na-miss kita." Malambing na sabi niya at yumakap sa bewang ko.

"Mabait ka ba dito habang wala ako? Baka naman nagpasaway ka lang kay papa ah?"

"Hindi naman. Mahilig kasing magbasa-basa iyan kaya lagi lang nasa kwarto. Paminsan-minsan ay naglalaro sila ni Carli." Si papa na ang sumagot.

"Binilhan po kasi ako ni Papa Benjamin ng maraming libro. Tingnan mo po iyong kwarto ko! May bagong bookshelves tapos may mga libro. Sobrang dami." Sabik na sabi ni Elias.

"Let's go inside? Celeste prepared a merienda para sa pagdating n'yo." Paanyaya ni papa.

"Thanks, tito. But I need to go to my office now. May mga aayusin lang ako." Sabi naman ni Sandro na ikinalingon ko.

Tiningnan niya rin ako at para bang sinasabi niya sa pamamagitan lamang ng tingin na magkikita pa rin naman kami. Tumikhim naman si papa na nagpaputol sa tinginan namin at binigyan kami ng makahulugang tingin.

Bigla naman kumabog ang dibdib ko at nilingon na lang muli si Elias at nginitian.

"Okay. Mag-iingat ka, hijo." Sabi na lamang ni papa.

"Thanks, tito. Kassidy.." Tinanguan ako ni Sandro at tumugon rin ako ng isang tango.

Pinuntahan niya na ang kanyang Bentley na naiwan sa garahe namin at saka minaneho na palayo sa aming mansyon.

"Tara na?" Pagyayaya ulit ni papa at nagpatianod naman kami ng kapatid ko.

Pagpasok namin ng bahay ay sinalubong ako ni Mama Olive. Bumeso siya sa akin at nasa likuran naman niya si Sadie.

"How was work? Two weeks ka rin nawala." Sabi sa akin ni mama.

"Ayos lang naman po. Medyo sagabal lang iyong pag-ulan, maraming naaantalang trabaho pero natatapos naman po sa oras." Sabi ko.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon