Kabanata 37

122 1 0
                                    

Nakatutok ako sa laptop ko nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko. Nabigla ako nang makitang si Megan at Tita Sofia ang dumating. Malawak ang ngiti nilang dalawa habang papalapit sa akin.

"Napadalaw po kayo?" Tanong ko at tumayo upang magmano kay Tita Sofia at makipagbeso kay Megan.

"Sinamahan ako ni mommy sa mga available site kung saan pwedeng ipatayo ang third branch ng boutique shop ko. Tapos dumiretso na kami dito kasi wala na kaming ibang pupuntahan." Sabi ni Megan at naupo.

"Nakaistorbo ba kami, hija? We bought some doughnuts for you." Sabi ni Tita Sofia at inilapag ang isang kahon ng doughnuts sa ibabaw ng lamesa ko.

Bigla akong natakam doon ngunit itinuon ko muna ang pansin ko sa pakikipag-usap sa mga bisita ko. Mamaya ko na lamang iyon kakainin.

"Hindi naman po, tita. Kanina pa ho ako nagsimula kaya patapos na rin ang trabaho ko." Sabi ko at pinatay muna saglit ang laptop.

"How are you?" Nag-aalalang tanong ni Megan sa akin.

"Okay lang naman ako." Sabi ko at tipid na ngumiti.

Hinawakan ni Tita Sofia ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Bakas sa mukha niya ang matinding pag-aalala para sa akin.

"We already know about what happened between Sandro and your sister. We were so shocked. Hindi ganoon ang pagkakakilala ko sa kakambal ng manugang ko." Sabi ni Tita Sofia.

Pagak akong tumawa. "Kung kayo nga po na matagal na niyang kakilala ay na-disappoint niya. Ako pa po kaya na ngayon lang pumasok sa buhay niya. Baka nga po hindi ko pa talaga siya lubusan na kilala."

"Just always remember that we're here for you. We don't tolerate that kind of behaviour." Sabi pa ni tita.

"I tried texting him pero hindi niya ako ni-rereplyan. Kung buhay siguro si Soren ay hindi lang suntok ang inabot niya, baka nauna pa siya sa hukay. I was so disappointed. Pati na kay Sadie." Umismid si Megan.

"Hindi ko na lang masyadong iniisip. Nai-stress lang ako eh." Sabi ko.

"Gusto mo bang hanapan kita ng bago? Akala ko pa naman perfect na si Sandro para sa'yo. Hanapan kita ng mas perfect pa kaysa sa kanya." Nangingiting sabi ni Megan.

"Ano ka ba? Tigilan mo nga ang pinsan mo." Natatawang sabi ni Tita Sofia.

Ngumiti ako. "Thanks tita, and Megan. Pero okay lang po ako. Sa ngayon ay inaabala ko na lang ang sarili ko sa trabaho para hindi ko na maalala iyon."

"Do you want to go shopping after your work? Para lang mabawasan ang stress mo." Paanyaya ni Tita Sofia.

"I'm sorry, tita. But I can't. Sinabihan po ako ni Tito Gael na may meeting kami in an hour. And I don't have an idea kung gaano katagal iyon." Sabi ko.

"Sayang naman. Maybe next time?"

"Sure, tita. Available ako next time. Hindi lang po talaga ngayon." Sabi ko.

"And Kass, if you want to go out and drink, sabihan mo ako. I know a lot of night clubs around Manila. I can bring you there." Sabi naman ni Megan.

"Night club pa? Pwede naman sa bahay at isama ninyo ako." Nakalabing sabi ni Tita Sofia.

Natawa kami ni Megan. Naisip kong magandang ideya iyon. Kapag mabigat na talaga ang nasa loob ko ay maaari naman siguro akong uminom kasama si Megan para naman makalimutan ko kahit sandali ang mga problema ko at mawala kahit papaano ang stress ko.

"Anyways, we're leaving. You have to prepare for the meeting. Strict masyado ang Tito Gael mo when it comes to business meetings. Good luck, Kassidy." Sabi ni Tita Sofia at tumayo na.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon