Kabanata 28

126 1 0
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang araw. Huwebes pa lang at sa sabado ay uuwi na kaming muli sa Santa Catalina. Walang araw na hindi kami magkayakap sa kwarto sa tuwing matatapos ang trabaho namin sa isang buong araw.

Sinusulit lang namin ang panahon na magkasama kami. Kung ako lang papipiliin ay gusto ko na siyang makasama araw-araw.

Gaya ngayon, nakahiga siya sa hita ko at nilalaro ko ang buhok niya. We're both busy cuddling when my phone rang. Si papa ang tumatawag.

"Pa?" Tanong ko nang sagutin ko iyon.

Nanatiling tahimik si Sandro na nakahiga sa hita ko. Baka kasi marinig siya ni papa at malaman na magkasama sa isang kwarto. Gabi na at alam kong iniisip ni papa ay nasa resthouse na namin ako at nagpapahinga na.

"Can you come home early tomorrow?" Tanong niya.

Nahimigan ko na mukhang problemado siya. Bakit niya agad ako pinapauwi bukas eh sabado pa dapat ang uwi namin? May nangyari ba? O nalaman niya na magkasama kami ni Sandro sa iisang bubong..

"Okay po. May problema po ba?" Tanong ko.

"Sort of. Pero bukas na natin pag-usapan." Sabi niya.

"Sige po."

"Okay, bye."

Iyon lang at namatay na ang tawag. Inilapag ko ang cellphone ko sa bedside table at muling pinaglaruan ang buhok ni Sandro.

"What happened?" Tanong niya.

"Hindi ko alam. Pinapauwi na tayo kaagad bukas ni papa." Sabi ko.

"Why?"

"Hindi ko rin alam. Hindi kaya alam na niya na hindi talaga ako tumutuloy sa resthouse namin?" Kinakabahan na tanong ko.

"No. Baka may ibang problema lang talaga. Kung tungkol sa atin ay bakit ipagpapabukas pa ni tito?"

Kunsabagay. Nawala ang pag-aalala ko nang hilahin na niya ako pahiga. Yumakap ako sa kanya at saka pumikit.

"Don't worry about it. Hindi naman siguro tungkol sa atin iyon." Sabi niya.

Tumango ako at saka tiningala siya. Ngumiti ako at saka hinalikan siya sa labi. Pagkatapos ay pinatay niya na ang lampshade na nakapatong sa bedside table at natulog na kami.

Kinabukasan, maaga kaming kumilos upang maaga rin kaming makauwi sa Santa Catalina. Hindi pa tumatawag si papa mula kagabi kaya habang nasa biyahe kami ni Sandro ay kinakabahan talaga ako.

Lalong dumoble ang kaba ko nang makarating na kami sa mansion. Malayo pa lang ay nakita kong nakaabang si papa sa amin. Sandro made sure first kung kailangan siya ni papa pero sabi ni papa sa kanya ay pwede na siyang umuwi muna.

Nagtanguan na lang kami ni Sandro at umalis na siya. Nilingon ko si papa.

"May problema po ba?" Nag-aalalang tanong ko.

"Pumasok muna tayo." Sabi niya at nagpatianod naman ako.

Pagkapasok namin ng mansion ay nabigla ako nang makitang umiiyak si Elias sa sala. Nakaupo siya at nakayukong humihikbi. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko.

"Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ko.

Inalis ko ang pagkakahapit niya sa bewang ko at saka lumuhod para tapatan siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha niyang naglalandas sa kanyang pisngi.

"That bastard! Kunwaring nakikipaglaro lang kay Carli pero ninakawan na pala si Tita Celeste!" Galit na sigaw ni Sadie.

Love Me Tender ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon