Chapter 4

1.3K 42 8
                                    

IV





Nagpakawala ng isang mahabang buntung-hininga si Bridgette. Nakaupo siya sa harap ng salamin ngayon at nag-aatos para sa gaganaping auction party. Well, nakasuot sa kanya ang pinakamahal nilang damit sa gaganaping auction.

Dapat ay maging masaya siya, pero bakit parang may iba siyang nararamdaman. Nagpakawala ulit siya ng isa pang buntung-hininga at tumingin sa salamin.

Naglagay na siya ng tan lipstick sa kanyang labi. Wala siya sa mood na maglagay ng kulay pulang lipstick.

Nang matapos siyang mag-ayos ay tumayo na siya at tiningnan ang sariling repleksyon sa isang full length mirror sa kanyang silid.

She look stunning and very elegant in her black gown. Hindi daring sa harapan nito pero sa likod ay wala na halos itong natakpan. Ngumiti siya at isinuot ang kanyang hikaw.

Nang masiyahan sa kanyang nakikitang ayos ay inabot niya na ang purse niya at lumabas na ng silid.

Naabutan niya si Lyndon sa kanilang sala, naka-suit ito and he looked dashing. Hindi na nakakapagtakang modelo ang isang ito, dahil sa tindig pa lang ay makikita mo na talaga na hindi lang ito basta-basta.

Lumingon ito sa kanya ng maramdaman ang presensiya niya.

Kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nito, napangiti na lang siya at bahagyang napailing.

"Stars trucked huh?" Pilyong tanong niya rito.

Tila naman ito natauhan at napatayo sa kanyang upuan.

"Yeah, you look really lovely tonight, darling." Nakangiting wika nito habang pinasadahan siya ng tingin, mula ulo hanggang paa.

Ngumiti na lang siya bilang sagot dito. "Lets go?"

Ngumiti ito at inilahad ang palad nito. Agad niya naman itong inabot.

Nilingon niya si Trisha, "Pwede bang tabihan mo muna si Zion?"

Isang tango lang ang naging sagot nito at ngumiti.

"Anong problema?" Nakakunot-noong tanong niya sa kanyang kapatid.

Umiling ito at bahagyang natawa. "Ang ganda mo kase ate, nakakainggit." Natatawang sabi nito.

Nahawa naman ako sa tawa niya at napailing. "Baliw," I muttered and walk.

Ipinagbukas siya ng pinto ng kotse ni Lyndon. "Thanks,"

Agad naman umikot ito sa drivers seat at pinasindi na ang makina ng kotse.

↭♥↭

Sinalubong sila ng maliwanag na lawn na punong-puno ng naggagandahang bulaklak, mga lamesa sa gitna at mga upuan, sa left side ay makikita ang buffet at sa right side naman ay bar. Sa gitna naman ay may isang entablado.

Papasok pa lang sila ay marami ng mga mata ang sumalubong sa kanila, mga camera na nagpa-flash at kinukuhanan sila ng litrato ni Lyndon.

Well, paano ba naman na hindi sila dudumugin ng media e sila lang naman ang isa sa mga sikat na modelo sa US. Sila ay mga modelo ng isang kilalang brand ang Channel.

Waka silang ginawa kundi ang ngumiti ng ngumiti, nang matapos ang ilang minuto ay nag-excuse na si Lyndon sa media. Tutal naman ay nakadami na sila ng shots diba? Mukhang sapat naman na iyon.

Dumiretso na kami sa mga upuan at naghanap ng aming pwedeng maupuan. Iginala ko ang aking paningin sa paligid nang hindi sinasadyang magawi ang tingin ko sa bahagi ng bar.

Nagsalubong ang aming mga mata, napatigil ang lalaki sa pag-inom at tumitig din sa akin.

Bakit nandito siya?

Gusto niya mang umiwas ng tingin ay hindi niya magawa. Nakatitig lang ito at ganun din siya. Hindi niya mapigil ang sarili na wag itong titigan. Naka-suit din ito. Marahil ay invited sa gagawing auction.

Bakit kailangang magkita pa kami?

Nakaramdam siya ng kaba, kaya pala kanina pa ay may iba siyang nararamdaman.

Ito na pala 'yon.

Nakita niyang nag-excuse ito sa kausap at naglakad papunta sa direksyon niya.

Bigla siyang nataranta. Pati ang mga kamay niya ay tila biglang nanginig.

Nakatitig pa rin siya sa paglapit nito sa kanya. Tila nag-slow motion ang paglalakad nito patungo sa kaniya.

He is still handsome like before...

Hindi niya malaman kung tatakbo o maglalakad na lang siya palayo upang hindi siya maabutan nito ngunit walang lakas ang paa niya upang humakbang.

Ilang dipa na lang ang layo nito sa kanya ng maramdaman niya ang paghila ng kung sino sa isang kamay niya kayat napalingon siya rito.

Si Lyndon.

"Lets go there," turo nito sa isang bakanteng lamesa malapit sa harap ng entablado.

Nakahinga siya ng maluwag. Mabuti na lang at dumating si Lyndon dahil hindi niya talaga alam ang kanyang gagawin.

"What's wrong?" Nag-aalalang tanong nito ng makaupo sila.

Bahagyang iling lang ang naisagot niya rito saka ngumiti. Gusto niya mang lumingon upang makita ang lalaki kung sinundan ba siya nito ay pinigil niya ang kanyang sarili.

Kaya nga hindi siya umuuwi ng Pilipinas dahil iniiwasan niya na magtagpo pa ulit ang landas nilang dalawa.

"You sure?" Dagdag pa nitong tanong saka hinawakan ang nanginginig niyang mga kamay. "Your hands are trembling, you really okay? Tell me if your not okay---"

"I'm okay, don't worry. I am just a nervous," saka siya ngumiti upang makumbinsi ito.

Nagpakawala naman ito ng isang malalim na buntung-hininga at saka siya hinalikan sa noo.

Naguilty naman siya bigla, paano niya sasabihin dito na nakita niya ang Ama ng anak niya?

Natatakot siya, natatakot siya na baka malaman nito na may naging bunga ang isang gabi ng pagniniig nila ay kuhanin mula sa kanya ang anak niya.

Isa pa na ikinatatakot niya ay baka hindi nito kilalanin ang anak niya, na itanggi nito na siya ang Ama ng anak niya kaya hindi na niya ito hinabol. Kahit alam niya kung ano ang pangalan nito at kung saan ito nakatira.

"I will just need to go to the bathroom," paalam nito sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot.

Nang makaalis ito ay nag-angat siya ng kanyang ulo. Ramdam niya na may nakatingin sa kanya. Hindi man niya makita ay alam niyang tinitingnan siya nito.

Iginala niya ang kanyang tingin sa paligid, hindi nga siya nagkamali dahil nakatitig nga ito sa kanya. At sa pagsasalubong ng kanilang mga mata ay nakaramdam siya ng isang kakaibang damdamin.

Kitang-kita niyang matigas ang anyo nito base sa ekspresyon ng kanyang mukha.

Bakit? Bakit tila galit siya?

Bakit kahit kay tagal na ay natatandaan pa rin siya nito, hindi bat lasing ito ng gabing iyon?

Napapikit siya kasabay ng pagbalik tanaw sa nakaraan.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon