Chapter 12

882 25 1
                                    

XII







GULONG-gulo si Bridgette sa kanyang nakita. Hindi siya tanga at higit sa lahat ay hindi na siya inosente. Alam niya kung saan ginagamit ang condom.

Ang hindi niya lang maintindihan ngayon ay bakit napakaraming ganun sa kwarto ng kapatid niya.

'Wag niyang sabihing pinaglaruan niya lamang ang mga iyon.

Damn!

Napabalikwas siya ng bangon at napasabunot sa kanyang buhok.

Shit! Shit!

Hindi naman niya kwinekwestiyon iyon, pero ang hindi niya lubos na maisip ay talaga bang sa loob ng kwarto niya? Sino ang lalaking katalik ng kapatid niya?

Wala naman siyang nabalitaan na inuwi nitong lalaki sa bahay nila.

Kaya napakalaking tanong iyon ngayon para sa kanya.

Umalis siya mula sa kama at tumayo. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kwarto niya, mag-a-ala una na ng madaling araw pero ni hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Napakarami kasing gumugulo sa isipan niya.

Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. Bukas ang bintana ng kwarto niya at umihip mula roon ang pang-gabing simoy ng hangin.

Napapikit tuloy siya.

Bakit ba ganito ang nagyayari ngayon?

Napa-buntung hininga na lamang siya at akmang aalis na sana siya mula roon ng makarinig siya ng mahinang mga boses.

Napa-kunot tuloy siya ng kanyang noo, ala-una na nga madaling araw at may taong nag-uusap pa sa labas ng bahay nila. Sino kaya ang mga ito?

Hindi niya ugaling makinig sa usapan ng may usapan pero parang na-curious siya bigla. It is like she felt its a matter of life and death.

Lumapit pa siya lalo sa bintana, madilim ang kinalalagyan ng kwarto niya at may mga halamang matataas na nakatakip doon kaya hindi siya makikita ng kung sino mang mga taong iyon.

Hindi niya makita ang mga ito dahil natatakpan nga ng malalagong halaman, sa likod ng mga halamang iyon ay ang bakuran nila.

Naroon ang swing. Hindi niya naririnig ang langitngit ng swing marahil ay hindi sila nakaupo roon.

Sino kaya ang mga ito? Si Medy kaya?

"Are you serious?" her voice croaked.


Alam na alam niya ang boses na iyon, kilalang-kilala niya ang may ari ng malambing na boses na iyon.

Anong ginagawa nito sa labas ng ganito oras at sino ang kausap niya?

Hindi sumagot ang kausap nito.

"What about me? Am I really just your fucking toy?"

Ano ang ibig niyang sabihin? Ang kausap niya ba ang laging katalik ng kapatid niya?

Tumingkayad siya upang masilip sana kung sino iyon pero sadyang matataas talaga ang mga halaman kayat hindi niya makita ang mga ito.

"I'm pregnant,"  it is a whisper, pero umabot sa kanyang pandinig.

Buntis? Buntis ang kapatid niya?

Damn it!

Nagkulang ba siya sa pangaral dito?

"Now, tell me. Do you want me to abort the child?" narinig niyang tanong ng kapatid niya sa kausap nito.

What the hell is going on? Buntis ang kapatid niya at tinatangka pang ipa-abort? Why?

Naikuyom niya ang kanyang mga kamay.

"Answer me! Damn it!" sigaw ng kapatid niya. Medyo naging malakas na ang sigaw nito.

"I don't know what to do," a man spoked.

Am I dreaming? tanong niya sa kanyang sarili. Marahan niyang sinampal ang kanyang pisngi. Nakaramdam siya ng sakit mula roon kayat nakakasiguro siyang hindi siya nananaginip.

It is real. It is real happening.

Bakit?

Bakit sa lahat ng tao kapatid niya pa?

Nagkulang ba siya sa kapatid niya? May sama ba ito ng loob sa kanya kaya nagawa niya ito?

Hindi niya maiwasang makaramdam ng sakit. Its really painful, na yung taong pinagkatiwalaan mo ng lubos-lubos ay siya ring mangloloko sayo.

"I don't want to hurt Ate, but I learn how to love you. I-I cant live without you..."

That breaks her heart the most, ayaw niyang saktan siya pero bakit niya ginawa ang ganito?

Damn!  


Why all people bakit ikaw pa Trisha?

She cannot stand it all, lumabas siya at nagtungo sa bakuran.

They are shocked nung nakita nila siya.

"Ate..." tinangkang lumapit ni Trisha pero sinamaan niya ito ng tingin.

"Sa lahat ba naman ng taong pwedeng gumawa nito ikaw pa?" may hinanakit sa boses niya. She's in pain.

Nasasaktan siya na nagawa siyang lokohin ng sarili niyang kapatid.

Tumingin siya kay Lyndon na tila gulong-gulo rin.

"I guess this is a goodbye and oh, please marry my sister. I don't want to have a bastard nephew nor niece," matatag na sambit niya at tumalikod na.

Bumagsak ang pinipigilan niyang luha.

She's not crying because of Lyndon, she's crying because she felt betrayed.

Kaya pala ganoon na lamang ang tinginan ng dalawa noon pa.

Kaya pala mas gustong magpa-iwan noon ni Lyndon sa bahay nila at idinadahilang makikipaglaro kay Zion, pero sa kapatid niya pala siya nakipaglaro. Nakipagbahay-bahayan.

Damn!

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon