Chapter 28

1K 33 10
                                    

XXVIII




ISANG malaki at engrandeng mansiyon ang tinigilan ng sasakyan ni Jake.

Nailibot ni Bridgette ang kaniyang paningin sa paligid. Maraming ilaw, maraming bisita na nasisiguro niyang mga malalaki at mga kilalang negosyante ang inimbitahan ng mga ito.

Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga. Nakaramdam siya ng kaba sa dibdib niya.

Kaya niya na nga kayang humarap sa mga ito? Paano kung ipagtabuyan siya ng mga ito at ipahiya?

Nahila siya ng kaniyang pag-iisip dahil sa paghawak ni Jake ng kamay niya. Marahan niya itong pinisil like telling her that everything will be fine.

Napatitig siya rito. His simple gestures make her fell for him hard. Itanggi niya man sa sarili niya pero ang puso niya ay nagwawala para rito.

Lumabas sila ng sasakyan na magkahawak ang kamay.

Sa halos lahat ng dadaanan nila ay napakaraming taong nagkalat.

May ilang bisita na inapproach si Jake, wala siyang nagawa kundi ang manatili sa tabi nito. Kapag tinatanong kung sino siya ay sinsagot nito na isa siyang kaibigan.

A fucking friend only.

Naiinis siyang humiwalay dito at nagpatiuna ng maglakad ng hindi niya inaasahan ang mga taong makakasalubong niya.

It was Philip, and Alliyah on his side. Nakakapit ang mga kamay nito sa beywang ni Alliyah at inaalalayan siya.

Napatitig siya sa mukha ni Philip, nagbago ang kulay ng mukha nito. At nasisiguro niyang galit ito base sa ekspresyon ng mukha nito.

Aatras sana siya ng may kamay na pumulupot sa beywang niya at hinapit siya. Hindi niya na kailangang linguni pa kung sino ito dahil nasisiguro niyang si Jake iyon.

Hinatak siya nito palapit sa mag-asawa. Halos ayaw humakbang ng mga paa niya at gusto niyang tumakbo paalis sa lugar na iyon.

Napayuko siya ng makalapit siya sa mga ito. Hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng mga ito sa kaniya.

"Jake..." Narinig niyang tawag ni Alliyah sa katabi niya.

Kumalas naman ito sa pagkakahawak sa beywang niya at hinalikan sa pisngi si Alliyah.

"Happy anniversary to the both of you." Nakangiting bati ni Jake sa kanilang dalawa.

Nag-angat siya ng tingin at nakita niya ang saya sa mukha ni Alliyah ng tingnan nito si Philip saka ngumiti ng matamis.

They were happy. Buti pa sila.

Bumalik sa kanila ang tingin ng mga ito.

Tiningnan siya ni Philip ng what-are-you-doing-here look.

Umiling siya.

"I didn't intend to make a seen here. I just want to greet the two of you, and..." Tiningnan niya ang mga ito. "I am sorry for what I've done years ago..." Hingi niya ng paumanhin sa mga ito.

Nagkatinginan ang dalawa at tyaka bumalik sa kaniya ang tingin ng mga ito.

Nakangiting lumapit sa kaniya si Alliyah at inabot ang mga kamay niya.

"Tapos na iyon at matagal ka na naming napatawad..." Nakangiting sambit nito at tyaka siya niyakap.

"Ohh." Sinagot niya ang yakap nito at tila may isang tinik na nabunot sa kaniyang dibdib dahil sa napatawad na siya ng mga ito.

Kumalas ng yakap ito at muli ay lumapit kay Philip.

"So why are the two  of you together?" Tanong sa kanila ni Philip na nakatingin sa kanila with a malicious smile on his lips.

Maging si Alliyah ay nakatingin din sa kanila at naghihintay ng sagot.

Hinintay niyang magsalita ang katabi niya ngunit hindi ito nagsalita.

Tumikhim muna siya.

"He is the father of Zion." Halos pabulong na sagot niya.

Halos manlaki naman ang mata ni Philip na tumingin sa katabi niya. Si Alliyah naman ay halos parang hindi makapaniwala.

"Funny right?" At sa wakas ay nagsalita na ito.

"Super..." Naiiling habang natatawang sagot ni Philip.

Natigil sila sa pag-uusap ng may batang babae na lumapit sa kanila. Agad na kinarga ni Philip ang bata na halos kamukhang kamukha niya.

"This is our daughter Althea." Pagpapakilala nito sa batang karga-karga niya.

Napangiti naman siya sa ka-cu-tan ng bata na agad siyang ngitian nito.

"Say hi to Tita Bridgette, Princess." Sabi naman ni Alliyah.

"Hello Tita..." Nakangiting bati nito sa kaniya. Bumaling ito sa katabi niya at iniabot ang mga kamay nito at tila nagpapakarga.

Agad naman itong kinarga ni Jake at nilaro-laro ito. Narinig niyang napahagikgik ito.

NAKATITIG si Bridgette kina Alliyah at Philip habang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan. They were happily dancing na tila parang walang ibang mga tao sa paligid ng mga ito. Tila sarili nila ang mundo.

Masaya siya dahil napatawad na siya ng mga ito, tila gumaan bigla ang pakiramdam niya.

Natapos ang tugtog at nandoon na agad si Jake sa gitna ng sayawan at inaabot ang kamay ni Alliyah mula kay Philip.

Nakita niya ang pagguhit ng napakatamis na ngiti ni Jake habang nagsasayaw sila at nagtatawanan pa ang mga ito.

His eyes were twinkling with so much happiness, at naramdaman niya sa kaniyang dibdib na tila pinipiga ito.

A realization hit her, he was still in love with Alliyah.

Napangiti siya ng mapait.

Akala niya may nararamdaman na ito sa kaniya, pero sa nakikita niya mali pala siya.

She blew a deep sigh. Baka nga hindi talaga para sa isat-isa.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at nagtungo sa tila bar at kumuha ng maiinom.

She needs to ease the pain by drinking alcohol.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon