Chapter 5

1.3K 38 7
                                    


An: Read at your own risk. Spg ahead!

V







↭♥↭

Walang pakialam si Bridgette sa maingay na paligid. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan siya ng ibang taong naroon.

Basta ang alam lang niya ay galit siya. Galit siya sa kanyang Ama.

Dumating siya galing sa shoot kanina at may ngiti sa labing pumasok sa bahay nila.

Ngunit pagtapak na pagtapak niya palang sa front door ay naririnig niya na ang komusyon na nagmumula sa sala nila.

Tumakbo siya papasok ng bahay ng marinig niya ang sigaw ni Trisha, ang nakababata niyang kapatid.

Nakahawak ang kapatid niya sa likod ng Mommy niya habang nakaupo sila sa sofa. Ang kanyang Ama ay nakatayo at hinihilot ang kanyang sentido.

"Whats happening here?" Nakakunot-noo niyang tanong at saka lumapit sa kanyang ina na umiiyak habang nakatungo. Maging ang kanyang kapatid ay umiiyak din sa tabi ng kanyang ina.

Walang umimik sa mga iyo at tiningnan lang siya.

"Trish?" Hindi ito sumagot. "Mom?" Maging ito ay hindi rin sumagot at bahagyang lumakas pa ang pag-iyak nito.

Hinarap niya ang kanyang Ama. Ang kangang Ama ay isang Amerikano, isa itong negosyante.

"Dad whats going on?" Nakita niya kung paano nagkalambong ang mata nito bago nagpakawala ng isang buntung-hininga bago tumalikod.

"I want a divorce," gulat siyang napatingin dito.

"What?" Ulit niyang tanong nagkukunwari na mali siya ng pagkakarinig.

"A divorce. I want a divorce." Humarap ito sa kanila. "I will still give you financial support,"

"Why?" She asked teary eyed. Bakit kailangan mangyari ang ganito?

Hindi ito sumagot.

"Whats the matter Dad? Is there someone? You have mistress?" Tuluyan nang umagos ang mga luha niya. "Why do you still need to file a divorce? Why are you choosing them among us?"

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon