Chapter 26

999 26 0
                                    

XXVI






WALA silang imikan ng makauwi sila. Walang gustong magsalita.

Agad siyang dumiretso sa kaniyang silid at itinapat ang sarili sa shower.

Tila ramdam niya pa sa katawan niya ang bawat haplos ng kamay ni Jake.

Hindi niya alam kung ilang beses silang nagniig, hindi na niya nabilang. Basta ang alam niya lang ay mas lalong tumindi ang nararamdaman niya para rito.

Hinayaan niyang bumagsak sa kaniyang mukha ang patak ng tubig mula sa shower.

Pagkatapos niyang maligo ay nagtungo siya sa silid ni Zion.

Mahimbing na itong natutulog ng mapasukan niya ito. Kinumutan niya na laman ito at sumampa na rin sa kama tyaka niyakap ang anak.

Hinalikan niya ito sa noo at pumikit. Ramdam na ramdam niya ang pagod.

At hinila siya unti-unti ng antok.

HINDI maalis sa isip ni Jake ang namagitan sa kanila ni Bridgette kanina sa kubo.

Hindi niya na rin maintindihan ang sarili niya. Hindi niya mapigil ang sariling hapitin at haplusin ito kapag nasa malapit lang ito.

Hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang reaksiyon ng katawan niya rito. Halos ayaw niyang mahiwalay dito.

Tumiim ang kaniyang bagang ng maalala ang boyfriend nito.

Hindi niya maintindihan ang sarili kapag naiisip niya ang boyfriend nito, nagagalit siya. Alam niyang wala siyang karapatan, but damn!

Is he jealous?

No! Pilit na sigaw ng isip niya.

Tumayo siya mula sa pagkakahiga at bumaba sa kusina upang kumuha ng alak.

Ginugulo ni Bridgette ang buong sistema niya. Ang lakas ng epekto nito sa kaniya.

Bumalik siya sa kaniyang silid at lumabas sa may veranda. Tumanaw siya sa labas.

Madilim na dahil malalim na ang gabi ngunit siya ay gising na gising pa rin. Hindi siya makatulog dahil sa kakaisip kung anong gagawin niya.

NAALIMPUNGATAN si Jake dahil sa tunog ng telepeno. Ring ito ng ring, itinakip niya ang unan sa kaniyang tenga upang hindi niya marinig ang tunog nito pero sadyang malakas ang tunog nito.

Inis na napabangon siya at pahablot na kinuha ang telepono.

"Jake..." Ang malambing na boses ang bumungad sa kaniya na minsan ay kinabaliwan niya.

"Alliyah..." Sagot niya rito.

PINILIT ni Zion na gisingin daw ni Bridgette si Jake. Ayaw niya sana ngunit sadyang makulit at mapilit ang anak niya kaya wala siyang nagawa kundi akyatin ito.

Ngunit nakailang katok na siya ay wala pa ring sumasagot kaya pinihit na niya ang seradura ng pinto.

Gising na pala ito at kaya pala hindi nito naririnig ang pagkatok niya dahil may kausap ito sa telepono.

Isasara niya na sana ang pinto ng marinig niya ang pangalang binanggit nito.

"Alliyah..." Malambing na sambit nito sa pangalan nito.

Alliyah na naman.

Isinara niya pinto at nagmamadaling umalis doon.

Pain arose from her chest. Mahal pa rin talaga nito si Alliyah.

Pero paano ang mga namagitan sa kanila? Dahil ba sa init lang ng katawan ang mga iyon? Ang mga pagtawag nito ng pangalan niya tuwing nararating nito ang kasukdulan wala lang bang halaga ang mga iyon?

Mabigat ang hakbang niyang bumalik sa garden. Doon napili ni Manang Fe na maghanda ng agahan kaya doon sila mag-aagahan.

"Where is Dad, 'Mom?" Pambungad na tanong ni Zion sa kaniya. Hindi pa iyo nag-uumpisang kumain dahil ang akala nito ay matatawag niya si Jake.

"Your Dad is still sleeping baby." Bigla namang lumungkot ang mukha nito.

"What do you want to eat?" Pinagsigla niya ang kaniyang boses at lumapit sa tabi nito.

"Anything." Maikling sagot nito at nakatingin sa plato nito.

Nagpakawala na lang siya ng isang buntung-hininga at sinalinan ng pagkain ang pinggan ng anak. Naupo siya sa tabi nito at tahimik na kumain.

KASALUKUYANG pinapanuod si Zion na nakikipaglaro kay Axel ng lumapit sa kanila si Jake. Agad nitong kinarga si Zion.

Halata sa mukha ng kaniyang anak ang kasiyahan habang karga-karga nito si Zion.

Napalingon ito sa likod nito, sa batang nakatingala at may bahid na pagkainggit sa mga mata. Lumapit ito rito at kinarga rin si Axel sa kabilang bisig nito.

Naawa siya kay Axel, ayon sa kwento ni Manang Fe ay nabuntis ang anak niya at hindi pinanindigan, namatay daw ito sa panganganak kay Axel. Naawa siya rito dahil wala na nga itong kinagisnang ina ay wala rin itong ama.

Karga-karga ang dalawang bata na lumapit ito sa kaniya.

Ibinaba nito ang mga ito sa harapan niya.

"Maglaro na ulit kayo mga kiddos at may sasabihin lang ako kay Bridgette." Sabi niya sa dalawang bata.

Agad namang nagtakbuhan paalis ang dalawang bata at bumalik sa paglalaro habang nagtatawanan. Nakasunod ng tingin ito sa mga bata at hinarap siya.

Napatitig siya rito. Wala siyang maapuhap na salita, she was stunned by his gaze. Ramdam na ramdam niya ang pagbilis ng pintig ng puso niya habang nakatingin dito., ngunit hindi na siya dapat pang makaramdam ng ganitong damdamin para dito.

Umiwas siya ng tingin.

"Anniversary ngayon ni Philip at Alliyah. Iniimbitahan nila tayo." Narinig niyang sabi nito. Nanatiling nakatitig siya sa kawalan.

Baka ikaw lang, hindi tayo. Bulong niya sa kaniyang isip.

At anong inaasahan nito na pupunta siya? Never.

"Hindi ako pupunta." Walang-gana niyang sagot at akmang tatayo na sana ng hawakan nito ang kamay niya.

"Sa ayaw at sa gusto mo ay pupunta TAYO..." Ipinagdiinan nito ang salitang tayo.

Sinalubong niya ang titig nito.

Anong akala nito na ganun na lang? At ano ang mukhang ihaharap niya sa mga ito? Abot-langit din ang galit sa kaniya ni Philip.

She didn't speak. Nakatitig lang siya sa mukha nito at ilang sandali pa ay tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kamay niya at nilampasan na ito.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon