Chapter 24

959 31 0
                                    

XXIV






HINDI sumalo si Bridgette sa tanghalian. Masamang-masama ang loob niya dahil sa pang-iinsulto ni Jake sa kaniya. Kung alam lang sana nito na ni kahit minsan ay wala pang namagitan sa kanila ni Lyndon at isa pa bakit ba ganun na lang ang galit nito?

Naipilig niya ang kaniyang ulo dahil sa isiping namumuo sa kaniyang isipan. Iniisip niyang posible na nagseselos ito pero sa isang banda ay napaka-imposible dahil wala itong ibang mahal kundi si Alliyah.

Mag-aala una na ng hapon ng oras na iyon. Napagpasyahan niyang lumabas upang humupa ang nararamdaman niya.

Nakita niya ang anak niyang nasa hardin at masayang nakikipaglaro sa apo ni Manang Fe na si Axel. Halos magkasing-edad lang ang mga ito.

Lalapit sana siya sa mga ito ng makita niya si Jake na nasa ilalim ng isang puno at prenteng nakaupo habang pinapanuod ang mga itong naglalaro.

Mukhang nawiwili na rito si Zion ah. At halos hindi niya na rin ako maalala.

Nakaramdam siya ng kaunting lungkot sa oras na iyon. Tila siya nakalimutan ng anak niya ng dumating si Jake sa buhay nila.

Hindi naman niya masisi ang anak niya dahil alam niyang matagal na talaga nitong maranasan ang magkaroon ng isang ama.

Naglakad siya patungo sa pinto sa likod ng bahay.

Bumungad sa kaniya ang nagtatayugang puno ng niyog sa gilid ng daan.

Ito yung nakita niyang dinaanan ni Jake patungo sa kakahuyan.

Nagsimula siyang maglakad. Nasisiyahan siyang makita ang mga malalagong palay na malapit ng mag-bunga.

Hindi niya namamalayan na nakalayo na pala siya at papasok na siya sa kakahuyan.

Tila wala siya sa sariling naglakad papasok sa kakahuyan kahit hindi siya pamilyar sa lugar na iyon.

HINDI mapakali si Jake sa kaniyang kinauupuan. Oo, alam niyang na-offend si Bridgette sa nasabi niya kanina. Sadyang tila nagdilim lang ang isip niya sa isiping iniisip nito ang kaniyang boyfriend .

Why am I acting like this?

Naisuklay niya ang kaniyang  kamay sa kaniyang buhok dahil sa frustration.

Hindi rin ito sumalo kanina sa kanila ng magtanghalian sila.

Shit! Why am I affected?

Hindi niya napigil ang sariling tumayo at magtungo sa silid nito upang humingi sana ng tawad.

Kumatok siya ngunit walang sumagot. Marahil ay masama pa rin ang loob nito sa kaniya.

"Bridgette..." He called her with a soft voice.

Naghintay siya ng ilang minuto ngunit hindi bumukas ang pinto. Naiinis niyang hinawakan ang seradura at pinihit iyon pabukas.

To his surprise ay wala ito roon. Walang tao sa silid nito.

Naglakad siya patungo sa bintana upang tingnan kung nasa labas ito ngunit hindi niya ito natanaw.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon