Chapter 23

922 30 0
                                    

XXIII






ILANG araw na iniwasan ni Bridgette si Jake upang hindi na maulit pa ang nangyari ng unang gabi niya sa bahay nito.

Sinisiguro niyang kapag bababa siya mula sa kaniyang silid ay wala na ito at kapag naman dumadating ito ay gabi na kaya hindi na sila nagkikita pa.

Ngunit ng araw na iyon ay hindi pumasok si Jake. Gusto raw nitong ipasyal si Zion sa buong nasasakupan ng lupain nito.

Nakaalis na noon ang mag-ama ng bumaba siya sa kusina. Nadatnan niya si Manang Fe na naghahanda na ng pananghalian. Agad siyang lumapit dito, nginitian siya nito ng makita siya.

"Ano hong lulutuin ninyo manang?" Tanong niya rito at kumuha ng apron at isinuot. Tutulungan niya na lang itong magluto total wala naman siyang gagawin.

"Tinola." Sagot nito at kinuha ang papaya at inumpisahang balatan.

Siya naman ay nag-umpisa ng himayin ang dahon ng sili na ilalagay sa tinola.

Tahimik lang sila habang may kaniya-kaniyang ginagawa ng magsalita si Manang Fe.

"Nag-away ba kayo ni Jake hija?" Napa-angat siya ng tingin dito. Hindi niya inaasahang ito ang itatanong nito, at tyaka hindi naman sila magkaaway sadyang galit na galit lang talaga sa kaniya si Jake.

Hindi ito nag-angat ng tingin at nagpatuloy lang sa ginagawa.

"Bakit niyo ho natanong?" Balik niyang tanong dito. Pinanood niya ang pagbabalat nito ng papaya.

"Napansin ko lang na parang iniiwasan mo siya." Bumuntung-hininga muna ito at saka tumalikod at nagpunta sa lababo. Siya ay tuluyan ng nahinto sa ginagawa at pinanood na lang ito.

"Lagi ka niyang tinatanong sa akin bago siya umalis papunta sa opisina." Sabi nito.

Baka iniisip niya na baka itakas ko si Zion.

Hindi siya sumagot sa sinabi nito.

Humarap ito sa kaniya at tumitig sa mga mata niya.

"Sino ka ba sa buhay niya hija?"

Sa tanong nito ay napatanga siya. Sino nga ba siya sa buhay nito? Ano nga ba ang papel niya?

She's the mother of his child.

She looked away before she answered.

"Wala po. Wala akong papel sa buhay niya." Sagot niya at tumitig sa mga mata nito. "Isa lang po akong babaeng nabuntis niya dahil sa isang gabing namagitan sa amin."

Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam siya ng kirot sa dibdib niya.

Yumuko siya at pilit na kinakalma ang sarili at upang maitago ang tunay na nararamdaman niya.

Lumapit ito sa kaniya at umupo sa tabi niya.

"Alam mo ba, kapapagawa lang niya itong bahay na ito. Ipina-renovate niya ito dahil kung magkakaroon daw siya ng pamilya ay dito niya raw gustong bumuo ng pamilya." Kwento nito. Siya ay tahimik lang na nakikinig.

Gusto niya na sanang patigilin ito sa pag-ku-kwento pero naunahan siya ng hiya.

"Akala ko noon sila ni Alliyah ang magkakatuluyan..." May bahid na disappointment ang boses nito ng sabihin iyon. Alliyah na naman. Alliyah na lang ba lagi? Ang sarap sigurong maging si Alliyah.

Nasasaktan siya sa kwento nito pero hindi niya magawang tumayo at umalis na roon para hindi na niya marinig pa ang mga kwento nito.

"Pero mali pala ako... Hindi pala silang dalawa ang nakatadhana para sa isat-isa." Dugtong nito. Ano ba talaga ang gustong sabihin nito? Bakit ba kailangan nitong ikwento sa kaniya ang mga bagay na tulad nito.

"Ikaw pa lang ang babaeng dinala niya rito, alam mo ba iyon?" Tanong nito kaya napalingon siya rito. Nakangiti ito sa kaniya. "Alam mo ba kung bakit ka niya dinala rito hija? Dahil espesyal ka."

Dahil espesyal ka...

Dahil espesyal ka...

Dahil espesyal ka...

Paulit-ulit na naririnig ni Bridgette sa isip niya ang sinabi ni Manang Fe sa kaniya kanina.

Napatawa siya ng pagak.

Ako? Espesyal? Kailan pa ako naging espesyal?

Alam niya sa sarili niya na kailanman ay hindi siya magiging espesyal sa buhay ni Jake dahil si Alliyah lang ang espesyal para rito.

Pain started to arose from her chest again.

Nakaupo siya sa isa sa mga bench sa harapan ng bahay kung saan matatagpuan ang garden. May fountain sa gitna nito at napakaganda nitong tingnan.

Napatitig siya sa mga ulap.

Kamusta na kaya si Trisha?

Simula nang makauwi sila rito sa Pilipinad ay wala pa siyang tawag na natatanggap mula rito. Hindi niya tuloy kung kamusta na ito. Siya na lamang ang tatawag dito mamaya.

Hindi niya namalayang may tao na pala sa likod niya.

"Thinking about your boyfriend huh?"  Napapikit siya ng marinig ang baritonong boses nito.

Napalingon siya rito. Madilim ang anyo nito.

Hindi niya ito sinagot bagkus ay tumayo na at lalagpasan na sana ito ng hawakan siya nito sa kamay ng mahigpit.

"Ano ba nasasaktan ako!" Reklamo niya at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kamay niya.

Mas lalo pang dumilim ang mukha nito.

"So your really thinking about your fucking boyfriend huh?" He hissed.

Mas lalo pang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

"Why do you care if I am really thinking about him?" She looked into his eyes. Susubukan niya ang pasensiya nito.

"Bitch!" He greeted his teeth and clenched his fist.

Naguguluhan tuloy si Bridgette. Ano bang problema nito?

Hindi niya inasahan ang sumunod na ginawa nito, he kissed her hard. Halik na nagpaparusa.

Halos malasahan ni Bridgette ang dugo sa kaniyang labi dahil sa halik nito.

Pabagsak siya nitong binitiwan sa bench at tiningnan ng masama.

"Do you miss him a lot? Do you miss his touch already? I can do more than that if you---"

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nito dahil sinampal niya na ito.

"Don't judge me! You only know a part of me but not the whole me ,so you don't have the right to insult me!"  A tear escaped from her eyes, at dali-daling tinalikuran na ito.

Wala ng mas sasakit pa sa pang-iinsulto nito.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon