Chapter 27

984 33 5
                                    

XXVII

HINDI nagpapigil si Jake sa gusto nito, hindi siya lumabas pagkatapos ng pag-uusap nila kanina at heto ngayon nakatitig siya sa isang kahon na ipinasok ni Manang Fe sa kwarto niya.

Hindi niya man buksan iyon ay alam niya na kung ano ang nasa loob non, damit. Mamahaling damit na isusuot niya sa anniversary ni Philip at Alliyah.

Nagpakawala siya ng isang buntung-hininga.

Handa na ba siyang harapin ang mga ito pagkatapos ng ilang taon?

Nahihiya siya sa nagawa niya.

Binuksan niya ang kahon at tulad nga ng inaasahan niya ay damit ang laman nito. Inilabas niya ang damit mula dito, isang kulay tan na damit ang laman nito. Napaka-elegante. Hindi daring ang tabas nito, simple but elegant.

Tumayo siya at isinukat ito, sakto lang ang tabas nito sa kaniya.

Agad niya rin itong inalis at umupo sa kama at nakaharap sa salamin.

Handa na nga ba siyang makita muli ang taong niloko niya? Napatawad na kaya siya nito?

Nagpakawala siya ng buntung-hininga at tumitig sa orasan. Alas-sais na ng gabi. Ang sabi ni Manang Fe ay binilin daw ni Jake sa kaniya na aalis daw sila ng seven ng gabi.

Tumayo na siya at nagtungo sa banyo upang maligo.

KASALUKUYAN siyang nag-a-apply ng lipstick ng may kumatok sa pinto.

"Pasok." Sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Nakita niya si Manang Fe na pumasok mula rito at may dala-dala na namang kahon.

"Sapatos mo raw." Nakangiting sabi nito.

Pumihit siya paharap dito.

Ngumiti ito at sinuyod siya ng tingin.

"Napakaganda mo talaga hija." Puri nito sa kaniya.

Napangiti naman siya tyaka lumapit dito at tinanggap ang kahon.

"Salamat po." Magalang niyang sagot.

"Kaya mas lalong naiinlove sayo si Jake 'e." Sabi nito at agad ding tumalikod.

Naiwan siyang tulala sa sinabi nito.

Anong ibig nitong sabihin?

Ipinilig niya ang kaniyang ulo at tyaka bumalik ulit sa harap ng salamin at tiningnan ang sariling repleksiyon.

Napangiti siya, maganda nga talaga siya.

Isinuot niya na ang sapatos na kulay pilak.

Nakarinig ulit siya ng katok mula sa pinto.

"Pasok."

"May nakalimutan ka pa ba Manang----" hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil paglingon niya ay si Jake ang nalingunan niya hindi si Manang Fe. Akala niya ay si Manang Fe ang muling kumatok ngunit hindi pala.

NATUOD si Jake pagkakita kay Bridgette. She was lovely on her dress. Bagay na bagay ang pinili niyang damit para rito.

Maganda naman talaga ito kahit hindi nakaayos pero kapag nakaayos ay talaga namang lumulutang ang angking ganda nito.

Napalunok siya ng ilang beses at lumakad palapit dito.

"Lets go?" Inilahad niya ang kaniyang kamay. Agad naman itong tumayo at aabutin na sana ang kamay niya ng magsalita siya.

"Wait, there is something missing." At agad siyang lumabas sa silid nito.

NAIWAN si Bridgette na naguguluhan. Napatingin siya ng wala sa oras sa salamin upang tingnan ang sarili. Maayos naman ang itsura niya kaya ano pa kaya ang sinasabi nitong nawawala?

Ilang saglit pa ay bumalik din ito agad. Pinaharap siya nito sa salamin. Nagulat siya ng makita niya kung anong ginawa nito. Sinuotan siya nito ng isang kwintas.

Napatitig siya sa pendant ng kwintas. Umakyat ang kamay niya at napahawak sa pendant nito. It was an oblong shape na may emerald sa gitna non.

Napatitig siya rito at nakatitig rin ito sa kaniya. Hindi niya alam kung anong emosyon ang nakapaloob sa mga mata nito.

A smiled curved into his lips.

"Bagay na bagay sayo. Perfect." Puri nito sa kaniya.

She was amazed seeing him smiling. He was totally handsome, lalo na kapag nakangiti ito.

Hindi siya nakasagot sa papuri nito sa kaniya at tila nawala ang dila niya.

Inikot siya nito paharap sa kaniya.

Nakita niyang napalunok ito at ilang sandali pa ay tumalikod na ito at hinawakan ang kamay niya at iginiya palabas ng silid niya.

Sa pagdidikit ng kamay nila ay naramdaman niya ang tila kuryenteng gumapang sa buo niyang katawan.

Pilit niyang inaalis ang kamay niya sa pagkakahawak nito ngunit sadyang mahigpit ang hawak nito.

Pinagbuksan niya nito ng pintuan ng kotse at agad naman siyang sumakay. Nakahinga siya ng maluwag ng binitiwan na nito ang kamay niya.

Hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili kung bakit ganun na lang ka agresibo mag-react ang katawan niya rito.

Hormones.

Sumandal siya sa upuan ng kotse at pumikit. Naramdaman niyang isinara na nito ang pinto ng sasakyan ngunit hindi pa nito iyon pinaandar.

Napamulat siya ng mata dahil sa pagtataka, at sa kaniyang pagmulat ay sinalubong siya ng mga titig nito. Bahagyang nakadukwang ito palapit sa mukha niya at halos ilang hibla na lang ang pagitan ng mukha nilang dalawa.

Bumaba ang tingin niya sa nakaawang na labi nito, she wanted to kiss those kissable lips, she wanted to crushed in his arms in that very moment.

Ramdam na ramdam niya ang namumuong tensiyon sa pagitan nila.

Napalunok ulit siya ng unti-unti ng bumaba ang mukha nito at ginawaran siya ng halik.

Naging mapusok ang paraan ng paghalik nito hanggang sa ito rin ang pumutol n'on.

Habang ang paghinga, isinandig nito ang ulo sa kaniyang noo .

"I wanna take you here right now, but I wont. We still have a party to attend..." Bulong nito at mabilis na umalis sa harap niya at pinaandar na ang sasakyan.

Siya ay inayos ang saril na akala mo tila wala lang nagyari.

Gusto niya ng umasa na may damdamin nga ito sa kaniya, ngunit isusugal niya ba ang puso niya at ang pag-ibig niya?

Tama nga bang umasa siya o baka sa bandang huli ay magsisi at masaktan lang siya?

Napasandal siya sa upuan at tumitig sa labas ng bintana at walang-imik habang papunta sila sa pagdadausan ng party.

-------

AN: Mukhang kailangan ko ng mamaalam kay Bridgette:< mga 3 to 4 chapters na lang ito mga bebe.😘💓

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon