Epilogue

1.9K 52 6
                                    


EPILOGUE




NAKANGITING nakatingin si Bridgette sa naglalarong sina Axel at Zion.

A year had passed at napakaraming nangyari.

Napangiti siya at tyaka napatingala sa kalangitan. They were on a picnic.

Nakita niya ang saya ni Zion habang nakikipaglaro kay Axel.

They got married a year ago, at dumating mula US ang kaniyang kapatid kasama si Lyndon.

Napatawad niya na ito sa nagawa nito. Masaya na ang mga ito ngayon and they have a baby girl now. It was named after her, Trishette Bridge Morgan.

Inampon nila si Axel after they got married, pero hindi pumayag si Manang Fe na ibahin ang pangalan ni Axel, hindi niya alam kung bakit pero pumayag na lamang silang mag-asawa.

On their wedding day ay naroon din sina Philip at Alliyah. Naging abay pa nga ang mga ito at naging flower girl naman ang anak nilang si Althea.

"Ang lalim ng iniisip mo ah babe." Narinig niyang sabi ni Jake. Napatingala siya rito dahil nakaupo siya sa picnic blanket.

Naupo ito sa tabi niya at ipinulupot ang kamay nito sa kaniyang beywang.

"Anong iniisip mo? Hindi bat sinabi ko na wag mo akong masyadong isipin, dahil alam mo naman----" hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil sinapo na nito ang kaniyang ulo.

Inirapan niya lang ito.

Hinihimas-himas nito ang ulo tyaka siya niyakap at nagsumiksik sa leeg niya.

"Ano nga yung iniisip mo babe?" Pangungulit nito habang nakatingin rin kina Axel at Zion.

Hindi na siya nakasagot ng biglang dumating na rin doon sina Alliyah at Philip tig-isa ang mga ito ng tulak-tulak na stroller.

Halos mag-e-eight months na ang baby ng ang mga ito. Napangiti siya ng lumapit ang mga ito. Agad siyang lumapit sa stroller.

"Ang cute-cute talaga ni Hanz at Danz." At hinalikan ang kambal.

Agad namang humagikgik ang mga ito.

Agad namang lumapit sa kaniya si Jake at pumulupot sa kaniyang beywang ang mga kamay nito.

"Hello Princess." Nakangiting bati ni Jake kay Althea at hinalikan ito.

"Hello, Tito Jake." Balik na bati ni Althea pagkatapos ay nagtatakbo patungo sa naglalarong sina Axel at Zion.

"Parang kailan lang..." Narinig niyang sambit ni Alliyah at tyaka yumakap kay Philip habang nakatunghay sa kanilang mga anak na masayang nagsisipaglaro.

Nakangiting sumandal siya sa balikat ni Jakr at masayang pinanuod si Zion at Axel pati na rin si Althea habang naglalaro.

Napasapo siya sa kaniyang tiyan ng maramdaman niya ang kakaibang sakit mula rito.

Napadaing siya sa sakit at napahawak kay Jake ng mahigpit.

"Mukhang manganganak na ako Jake... Aray!" Impit niyang daing at malalaki ang paghinga niya.

Natatarantang binuhat naman siya ni Jake.

"Kayo muna ang bahala sa mga bata." Bilin ni Jake at dali-daling naglakad patungo sa sasakyan.

"Hold on babe... Dadalhin na kita sa ospital..."

Napapikit siya ng sumakit na naman ang kaniyang tiyan. Napuno ng kaniyang sigaw ang loob ng sasakyan at napkapit siya sa kamay ni Jake.

Halos panawan siya ng ulirat dahil sa sakit na nararamdaman niya ng oras na iyon.

UMALINGAWNGAW ang iyak ng sanggol sa loob ng delivery room.

"Its a baby girl." Nakangiting anunsiyo ng doktor.

Agad na nilinisan at dinamitam ang sanggol. Lumapit si Jake sa asawa at hinalikan ito sa noo.

"You made it." Happiness filled her chest. Ligtas ang kaniyang mag-ina.

"Here's your baby." Nakangiting inabot ng nurse kay Jake ang isang napakagandang anghel.

Naiiyak namang inabot ni Bridgette ito at inilagay sa kaniyang dibdib at saka hinalikan.

"I love you." Sambit ni Jake at saka yumakap sa kanila. Hindi nito naitago ang mga luhang umalpas sa mga mata dahil sa sobrang tuwa.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok sina Axel at Zion.

"Is she or he?" Nakangiting tanong ni Zion ng lumapit ito. Agad namang kumalas mula sa pagkakayakap si Jake sa kanila at pinunasan ang luha.

"She's a girl son." Nakangiting sagot nito sa anak. Kinuha niya ito mula kay Bridgette at tinitigan. Kamukhang-kamukha ito ng kaniyang ina.

"Can I give her a name?" Zion asked on his Dad. Nagkatinginan naman si Bridgette at Jake.

Tumango si Bridgette at tyaka ngumiti.

Nakangiting tinitigan ni Zion ang sanggol. "I will name her Skyfie Leyna."

"Where did you get that name son?" Curious na tanong ni Jake sa anak.

He just shrugged at nagpumilit na halikan ito. Kaya ibinaba niya ito at hinalikan nila ni Axel.

"Skyfie..."  Sambit ni Axel at tinitigan ang sanggol ng maigi.

Ibinaba ni Jake ang sanggol sa tabi ni Bridgette at tyaka umupo sa tabi nito.

Nakangiting bumaling si Bridgette kay Jake and uttered I love you and Jake's face moved down to plant a soft kiss on her forehead.

Walang ibang naramdaman si Bridgette nang oras na iyon kundi saya. Napangit siya ng matamis at tyaka hinapit ang kanilang prinsesa palapit sa kaniya.


-----

AN: Waah tapos na. Tapos na ang story ni Bridgette. Sa lahat ng nagbasa maraming maraming salamat.💓😘

-LoveLots❣️ and stay safe always...

-eleb❣️

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon