Chapter 19

904 21 0
                                    

XIX










NAILIPAT na sa private room si Zion. Nakaupo siya sa tabi nito at hawak-hawak ang kamay nito.

Ayon sa doktor ay naging maganda ang bone marrow transplant, ang nasira nitong bone marrow ay unti-unti ng nag-bi-build ng panibago.

Wala si Trisha ng araw na iyon dahil pupunta raw ito kina Lyndon at ipapakilala siya nito sa ina nito.

Natutuwa siya para sa kapatid niya dahil mababakas mo ang kasiyahan nito sa mukha. Natutuwa rin siya dahil paninindigan siya ni Lyndon at hindi tinakbuhan ang responsibilidad nito sa kaniya.

Hinaplos niya ang mukha ng anak niya gamit ang isang kamay niya at ang isa ay hindi bumitaw sa isang kamay nito.

"I miss you already baby... Please, wake up..." She caress Zion face. Medyo nagkakulay na ang balat nito na hindi na katulad kahapon bago siya salinan ng dugo. Maging ang mga pantal nito ay unti-unti na ring nawawala.

Niyakap niya ito at pinipigilan na naman ang sariling maiyak.

Nagulat siya ng gumalaw ang kamay nito, bigla siya kumalas mula sa pagkakayakap mula dito at napaayos ng upo. Naguguluhang napatitig siya sa nakapikit na anak. Gumalaw ito. Hindi siya pwedeng magkamali, gumalaw talaga ito.

Napa-buga siya ng hangin. Siguro nga nag-ha-halusinasyon lang siya.

Tinitigan niya ang mukha ng anak niya. Napatutop siya ng kaniyang bibig ng unti-unti itong nagmulat ng mata. Sa kanyang galak ay tumulo na naman ang luha niya at agad na dinaluhong ito ng yakap.

"Thanks God you're awake now baby...." she wiped her tears at pinaulanan ng halik ang mukha ng kaniyang anak.

"How are you? Do you feel any pain?" alalang tanong niya rito at sinipat ang buong mukha nito.

He smiled and then he chuckled after. Bahagyang iling lang ang isinagot nito.

"Are you sure?" Tanong niya ulit sa anak niya. Isang tango lang ang naisagot nito at nakita niyang tumagos ang titig nito sa likod niya. Nakakunot ang noo nito at tila naguguluhang kaya napalingon siya sa kaniyang likuran.

And there she saw a man standing a meter away from her. Hindi niya ito namalayang pumasok. Nakatayo lang ito sa kinaroroonan nito at nakatitig kay Zion.

Humarap siya sa anak niya. Nakatitig din ito sa kaniya at tila naguguluhan.

"Who is he?" Tanong nito na halos pabulong lang. Alam niyang medyo nanghihina pa ito.

Tila siya naumid. Tila nalunok niya ang kaniyang dila sa tanong ng anak niya. Dapat ba na ipakilala niya ito? O mas dapat na huwag na lang?

"Ahm, he is your----" napalunok siya. Hindi niya alam kung sasabihin niya sa anak niya na ito ang ama niya.

"My?" nakakunot ang noong naghihintay ng sagot niya si Zion.

Bubuka na sana ang bibig niya upang sumagot ng dali-dali itong humakbang palapit at tumabi sa kaniya.

"I am... Your...Dad..." sabi nito. Nakatitig lang ang anak niya sa katabi niya na tila pinipilit na inaanalisa ang sinabi nito.

Nakita niyang gumuhit ang ngiti nito sa maliit niyang labi.

"I'm happy to meet you already... Dad..." Zion's eyes twinkled with happiness. Sino namang bata ang hindi sasaya kapag nakilala niya ang tunay niyang Ama?

Umupo ito sa kama ni Zion at hinaplos ang mukha nito. Yumuko ito at hinalikan ang noo nito.

Siya naman ay tahimik lang na nakatitig sa kanila at pinapanood sa kanila.

"Rest for now son. You need to gain energy and then we will play."

Zion's face lit up." Really dad? Can you teach me how to play basketball? " Nasisiyahang tanong nito sa kaniyang ama.

"Of course. For now, rest okay?" hinalikan ulit nito sa noo si Zion bago tumayo.

Tumango lang si Zion at pumikit na ulit. Napalingon ito sa kaniya.

"Let's talk." Pagkasabi 'nun ay tumalikod na ito at lumabas ng pinto.

Hinalikan niya muna ang kaniyang anak bago sumunod dito.

Pagkalabas niya ay natanaw niya itong naglalakad patungo sa dulo ng hallway kaya sinundan niya ito.

Tumigil ito sa may dulo at nagsisilbing tila isang garden.

"What do you want?" Tanong niya agad dito. Ayaw niya ng magpaligoy-ligoy pa.

Itinangan nito ang dalawang kamay at tumanaw sa paligid.

"Gusto kong iuwi sa pilipinas ang anak ko." walang-gatol nitong sabi.

"What?" Seryoso ba siya? Hindi niya pwedeng ilayo sa kaniya si Zion.

"Are you deaf? O nagbi-bingi-bingihan ka lang?" Humarap ito sa kaniya at ngayon ay magkaharap na sila.

"Hindi mo siya pwedeng iuwi ng Pilipinas." Matatag niyang sagot dito.

His face hardened at naikuyom nito ang mga kamay.

"Ilang taon mo siyang ipinagkait sa akin. Kaya wala kang magagawa kahit pa ayaw mo." Matatag din nitong sagot.

"Pwede naman nating pag-usapan na lang ang custody niya. Ako ang ina niya-----"

"Wala akong pakialam! Kung ayaw mong pumayag then magkita tayo sa korte. " Tumalikod na ito at naglakad palayo. Samantalang siya ay naiwan doong tulala.

Anong gagawin niya?

Ilalayo nito ang anak niya.

Papayagan niya bang mailayo ito sa piling niya?

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon