Chapter 21

919 22 0
                                    

XXI











ISANG malaking bahay ang hinintuan nila. Bahay na tila nasa gitna ng bukirin.

Napatingala siya sa dalawang palapag na bahay. Maganda ang pagkakagawa rito. Hindi ito ang bahay na pinuntahan niya ng puntahan niya si Jake, sa itsura nito ay tila kapapagawa lang ang bahay.

Napangiti siya ng mapait.

Bahay sana nila ni Alliyah. Ang swerte talaga ni Alliyah.

Bumaba siya ng sasakyan at agad na inalalayan si Zion pababa.

Hinawakan niya ang kamay nito at nag-umpisang malakad papunta sa pinto ng bahay.

Si manang Fe ang nagbukas ng pinto sa kanila, nakilala niya ito ng puntahan niya si Jake.

Agad siya nitong nginitian at lumapit upang makipag-beso.

"Ikaw pala ang bisita hija," nakangiti nitong sambit at niluwangan ang bukas ng pinto. Bumaba ang tingin nito sa batang katabi niya.

"Siya ho si Zion, anak ko." Nakangiting pagpapakilala niya sa anak niya rito." Bless to Lola baby. " at pinaharap niya ito upang mag-mano kay Manang Fe.

"'Ke gwapong bata, pagpalain ka ng Diyos." Nakangiting sambit ng matanda habang pinagmamasdan ang anak niya.

"Thank you." Nahihiyang sagot ni Zion at agad na yumakap sa beywang niya saka nagtago sa likuran niya.

"Naku, e mahiyain pala ang anak mo e." Natatawa nitong sabi at tumalikod na."Kumain muna kayo, naghanda ako ng pagkain. " Yaya nito sa kanila at nauna ng naglakad patungo sa kusina.

Habang nasa sala sila ay pinagmasdan niya ang interior design ng bahay, she was amazed dahil maganda ang loob nito. Very classy. Lahat ng gamit at mga display ay talagang pinag-isipan.

Niyuko niya ang anak at nginitian. "Feel at home baby 'cause from now on this will be your new home." She at Zion.

Lumungkot ang mukha nito." How about you Mom?"

Hindi niya ito sinagot bagkus ay hinila niya na ito patungo sa kusina.

Hindi na rin naman ito umimik at nagpahila na lang sa kaniya.

Ipinaghila niya si Zion ng upuan at pinaupo. Siya man ay umupo na rin. Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Jake sa kusina at dumulog na rin sa lamesa.

"What is your favorite food son?" Tanong nito kay Zion pagkaupong-pagkaupo nito. Ipinatong nito ang dalawang kamay sa lamesa at sumandal sa upuan.

Nilingon niya ang kaniyang anak at tiningala rin siya nito at saka ngumiti. "Anything that Mom cook for me is my favorite," lumingon ito kay Jake. Siya man ay lumingon din dito."She's a great cook, her dishes are all masarap and delicious." Pagmamayabang nito.

Napatitig si Jake sa kaniya. Wala siyang mabasang emosyon sa mata nito.

Bumaba ang tingin nito sa anak niya at agad na ngumiti. "Really?" Naglagay na ito ng pagkain sa plato nito.

Tumango ang anak niya bilang sagot. Hindi na muli ito nagsalita at tahimik lang na kumain.

Bang matapos silang kumain ay itinuro na ni Manang Fe ang magsisilbing silid nila ni Zion.

Ang laking akala niya ay magkasama sila ni Zion sa silid ngunit nagkamali siya. Sa ikalawang palapag ang silid na ibinigay kay Zion sa pangalawang kwarto sa left side, samantalang siya ay ang silid na nasa dulong bahagi malapit sa veranda ang ibinigay sa kaniya.

Hindi na lamang siya umimik at pinatulog muna si Zion sa silid nito bago nagtungo sa o-okupahin niyang silid.

Nang makapasok siya sa silid ay agad niyang inilibot ang kaniyang tingin sa buong kwarto, maganda naman ito. May closet, may sariling banyo at ang kama ay isang king size na kulay pula ang kobre kama.

Lumakad siya sa bintana sa likurang bahagi ng silid. Binuksan niya ito at tumanaw doon upang makita ang likod ng bahay.

Isang malawak na kakahuyan ang natanaw niya mula sa bintana, hindi abot ng kaniyang tanaw kung hanggang saan ito.

Mukhang malawak talaga ang lupain ni Jake, sa isip-isip niya. Itinukod niya ang kaniyang kamay sa bintana at ipinikit ang mata. Humaplos sa kaniyang mukha ang pang-hapong hangin.

Napamulat siya ng kaniyang mata ng may marinig na yabag mula sa kung saan at nakita niya si Jake na nakasakay sa kabayo at tila aalis. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa kakahuyan.

Saan kaya siya pupunta?

Hinawi niya ang bintana pasara. At inaantok na humiga siya sa kama.

Deceiving Wife |R-18| COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon