Chapter Twenty-Seven:Subconscious

8 5 0
                                    

Inalog ko ang ulo ko para bumalik sa sarili ko kesa naman mahulog pa ako sa maling tao

"Maling tao nga ba?", mahina kong binigkas sa sarili ko

Nawawala nanaman ako sa sarili ko!

Patuloy na naliliyo ako sa ingay, init at rami ng tao na pumapaligid saakin

Bumabalik saakin ang isang memorya noong bata ako, yung tanging sigawan ang naririnig ko..

Kasing lakas ng sigawan nayun
ang naririnig ko ngayon..

Nanakit na ang ulo ko at parang masusuka na sa kalagayan ko ngayon..

Nadadagdagan pa ng pag-iisip ko sa bagay na dapat hindi ko naman iniisip

"Deneiva? Deneiva..?", tanong saakin ng isang boses na hindi ko malaman kung sino

Inalog ako ng taong ito sa una mahina pero biglang palakas ng palakas

"DENEIVA!", sigaw niya

Nanlalabo ang paningin ko at sinusubukang palinawin ito

Naglilinaw na ang paningin ko at may nakikitang akong isang lalaking may mahaba-habang buhok at kulot..

"B-blake?", tanong ko habang nanginginig sa hilo

"I'm here Deneiva.. I'm here", sabi ni Blake habang pinapatayo ako

Isinandal ni Blake ang
ulo ko sa dibdib niya

"Deneiva.. Pumikit ka muna..Ihahatid ka namin sa clinic", sabi ni Charlotte

"Ma-maglalakad a-ako", sinasabi ko habang pinipilit ang sarili ko

Nandilim na ang paningin ko at nagising nalang na parang nasa isang malinaw at malamig na lugar..

"D-deneiva?", tanong ni Zach saakin at biglaan nalang na niyakap ako habang naluluha na sa pag-aalala

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"D-deneiva?", tanong ni Zach saakin at biglaan nalang na niyakap ako habang naluluha na sa pag-aalala

"Wag ka nang umiyak.. Baka maya-maya atakihin ka nanaman..", pabiro kong sabi sakanya

"Okay ka na ba talaga?", tanong ni Zach saakin

"Okay na ako.. Wag kana umiyak Tay.. Ayokong atakihin kadin", sabi ko kay Zach habang natatawa

"Okay nayun! Edi kahit tabi na tayo", balik na biro ni Zach

Tumawa nalang ako at biglang itiningin ang mata kay Blake at Charlotte na naiyak nadin..?

"Bakit kayo naiyak?", nag-aalalang tanong ko sakanila

"Si Zach kasi! Sabi niya samin baka hindi kana daw magising!", paliwanag ni Charlotte

Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon