Lumingon si Blake saakin at ngumiti na uli saakin..
Ibinalik ko uli ang ngiti sa mukha ko kaso..
.. bumagal ang mundo ko, parang tanging kami nalang dalawa ang nasa oras na ito
Nadating na ba sa oras na makakapansin na ako ng mga hindi ko napapansin dati pa sa lalaking to?
Nagpa-alam si Blake saakin kahit malayo-layo na kami sa bawat isa at hindi ko nalang pinake-alaman ang nararamdaman ko ngayon..
"Haha..", nagpatuloy akong nakangiti at natatawa hanggang makabalik na ulit sa Practice Room
"Hiiii DEENEIVAAAA", bati nilang lahat
Naabutan ko sila sa iba't ibang sulok ng kwarto pero lahat ay naka-upo sa sahig at just minding their own business
Tumungo ako sakanila at lumupagi sa sahig at kinausap silang lahat habang papalapit kay Joanne at Charlotte na magkatabi ng pwesto sa sahig
"Sooooo... Nahanap niyo na ba ang mga Person niyo?", tumingin sila saakin at sumagot nang halinhinan
"Thanks to you alam ko na ang Person ko! Thank you nga pala uli Deneivaaaa~", sagot saakin ni Charlotte habang niyayakap ako
"Sakin, kilala ko na kasi buti nalang kaibigan ko yung nabunot ko", dagdag ni Judy
"Ang hirap ng mga hiling nung iba! Yung sakin panakit ng ulo!", sigaw ni Joanne
"Yung sakin nga eh.. Katulad nung hiniling ko.. Kaya nung nag-assembly tayo nung first month, napatayo ako kasi, kala ko akin yung papel..", paliwanag ko sakanila ng kababalaghang nangyari saakin
"Kaya ka pala tumayo at tumaas ng kamay nunnn, si Hamilton din diba?", tanong ni Charlotte
"Oo nga eh..", sagot ko sakanya
"Hamilton? Si Blake? Are you friends?", tanong ni Joanne
"I would lie if I'd say no, pero oo magkaibigan kami", nakangiting reply ko sakanya
"BLAKE!?!? HOW..? HuH!?!? Eh sobrang tahimik nun sa klase?Iingay lang siya kapag may mali sa equation or sa nararamdaman niya..From a Torhield perspective, since hindi natin alam ang isa't isa sa klase.. Iba si Blake, Deneiva.. He's actually kind pero quiet..Sabi nung iba nalabas yung totoong outgoing personality niya kapag ka-close niya ang isang tao or gusto niyang maging kaibigan OR MORE THAN THAT!", paliwanag ni Joanne
"Kala ko flirt yun? Casanova? Ha?", nabagabag na ako sa impormasyon na natanggap ko kaya, sobra na akong napakamot sa ulo na parang may kuto sa banda-banda dyan
"Pshhhhhh... He's scared of girls now, kahit kalahatan ng section namin ng Torhield may crush sakanya! I mean dati, tama nga na flirt siya pero he stopped since mag-Year Nine siya.. WaiT! Did he went back to that part of him!!?", nagulat na tanong saakin ni Joanne habang lumalapit saaking pwesto
"Kinda?", naguguluhan kong sagot sakaniya
"How come hindi niya man lang kami pinapansin? Or yung mga nagkaka-gusto sakanya..?", naguguluhan nadin si Joanne sa nangyayari
"You see Joanne.. Si Blake ay outgoing sa Student Council meetings minsan, tas lalo na nung na-recruit si Deneiva as Visual Executive Designer.. I caught Blake na nilalandi si Deneiva lots of times! They just met since makuha si Deneiva sa Student Council pero, parang nag-click agad yung personalities nila kasi ngayon magkaibigan na sila.. Alongside Vier na kababata ni Deneiva", paliwanag ni Charlotte kay Joanne
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Novela JuvenilGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...