Bumagsak ako sa lupa ng nakaluhod dahil sa narinig ko na lumabas sa bunganga ni Cythiel
"I can prove it.. Sana ngayong matanda kana hindi magbago ang pagkakakilala mo sakin, Ako si Elu, ikaw si Depressed, S-sana makapagpakilala ka sakin bilang totoong ikaw, hahanapin kita", binanggit niya
Nawala ang emosyon sa utak at tanging blanko lang ang ipinapahiwatig ng isip ko, ngunit kahit miserable ako, bumabalik saakin ang imahe ng mga salitang nakasulat sa binigay saakin dati ni Elu
Tumingin ako sakanya at nakitang sobra parin ang pagluha niya
"Kung hindi moko papaniwalaan, ayos lang.. Pero alam ko sa sarili kong ako si Elu, De-eiva", lumapit saakin si Cythiel at niyakap ako sa pagkakaluhod ko
"Ako yung lalaking hinahanap mo for the past 6 years! I'm your soulmate and you are mine, nakatadhana tayo sa isa't isa", tanging ang mahinang tinig ng boses niya ang naririnig ko ngayong oras..
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa aking mga mata
"Sorry kung hindi kita agad pinansin para nahanap mo na agad ako.. Akala ko kasi mamumukhaan mo ako pero hindi pala, at halos umabot pa sa araw na ito, huling araw ng buwan na ito..", pinupunasan niya ang mga luha ko na hindi ko alam na bumagsak na, as he stroked my cheeks, assuring that everything will be okay
"S-sigurado ka ba? Hindi kana nagbibiro? Ikaw ba talaga si Elu?", kahit nanghihina at naluluha, nakapagtanong parin ako para
sa sarili kong kasiguraduhan"Oo, ako na ito.. Yung lalaki na laging kalaro mo nung bata ka, nag-iba man ako ng onti pero ganon parin ako kasigla, katulad nung dati.. Pati yung isinigaw ko sayo nung paalis kana? Totoo yun.. Mahal talaga kita, Deneiva!", ipinaliwanag niya sakin, wala nang lungkot ang mukha niya, purong kasiyahan na lamang
Niyakap ko siya ng mahigpit at tuluyang gumagaan ang kabigatan na dinala ko para lang sa paghahanap para sakanya..
Hindi pala ako nahulog sa maling tao
Maling pangalan lang..
Maling pangalan ang nakaraan na inibig ko, Elu; isang palayaw at hindi ang pangalan ng totoong minamahal ko
Tamang pangalan ang pangkasalukuyan kong minahal, Cythiel Lou; totoong pangalan ng lalaking inibig ko noong nakaraan at patuloy kong iibigin
Iisa lang ang pagkakatulad nilang pareho, maalinman sakanila ang inibig ko..
... pareho silang nakatadhana para saakin, at ako ang nakatadhana para sakanila
Umupo kami sa School Bench sa unahan ng school, kung saan doon kami unang nag-usap at nagkakilala..
Inakay ako ni Cythiel papunta doon at naupo kami, magkatabi
"Ayos kana ba?", hinawakan niya ako sa isang pisngi ko at nginitian
"Oo, ayos na ang lahat..", nakangiti kong sinabi sakanya
"Hindi mo ba talaga ako mamukhaan?", tanong niya saakin
"Ang haba kasi ng buhok mo, sino bang makakakilala sayo?", natatawa kong sabi sakanya
"How about my name? Cythiel Lou, Elu? Doesn't that sound similar?"
"Ang nahulaan ko lang ay yung Eight hehe.. Pero oo nga no, magkatunog nga!"
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...