"Pano ba ma-inlove?", tanong ko kay Charlotte habang natatawa na pumayag ako sa katarantaduhan niya
"Easy.. Just the smallest details about him! Lahat, ngiti niya, mata niya, yung pangkalahatang tayo niya, LAHAT PAKELAMAN MO!", paliwanag ni Charlotte, halatang masaya dahil sinubukan ko ang nasabi niya
"Kailangan mag-aalala ka lagi para sakanya! Kailangan din kapag nagkikita kayo parang nabagal ang mundo mo at tanging siya lang ang napapansin mo at hindi ang iba.. Tataas ang tibok ng puso mo o hindi mapapakali dahil kahit papaano, naging masaya ka na nagustuhan mo siya", dagdag na paliwanag ni Charlotte
"Paano kung hindi mangyari?", nagtaka ako dahil parang wala namang mangyayari na ganito sa totoong buhay! Hindi ako nabuhay para maging Juliet ni Romeo!
"Don't ask that! Lahat ng yan mangyayari ng natural at hindi dahil pinalano mo na mangyari yan.. I gave symptoms at sapat na yun para maging inlove ka.. You still have few weeks para makapag-develop ng feelings kay Cythiel and trust me, it doesn't hurt to try to fall inlove! Atleast na-experience mo bago ka magtapos!", paliwanag ni Charlotte saakin habang nakangiti
"I will go now and grant my Person's wish, paalam Deneiva! Goodluck sa mararamdaman mo! Byyyeeeee~", tumakbo na siya papalabas ng Library bago pa man ako makapag-paalam
Lumabas nadin ako ng Library at gusto ko sanang hanapin si Zach at Blake pero,
"Deneiva", banggit ng isang lalake na nanggagaling sa likuran ko
Nagulat ako at napa-iba ang tibok ng puso ko dahil nadatnan ko si Cythiel na ang kaharap ko
"Cythiel?", napatigil ako noong umikot ako at siya ang nadatnan ko sa likod ko
"Cythiel? Huh?", sabi niya saakin
Kinusot ko ang mga mata ko at nakitang hindi pala si Cythiel ang lalaki kundi si Blake; isang ilusyon na bumungad saakin
"Ah wala! Kala ko ikaw si Cythiel sorrryyyy", napahiya kong sagot kay Blake
"You're really red! Ano nangyari?", tanong niya saakin habang nakangiti
"You know what? Ewan ko kung anong nararamdaman mo pero tara nalang at hanapin nalang natin si Zach", inakbayan ako ni Blake at naglakad kami para hanapin si Zach
Sasabihin ko ba o hindi?
Aaminin ko ba kay Zach at Blake na may gusto ako kay Cythiel o hindi?
Teka lang-
May gusto ba talaga ako?
Pinalano ko lang naman tong lahat eh, na susubukan kong maging inlove pero, mahal ko ba talaga yung tao?
Kahit anong mangyari, gusto ko lang makaranas uli pero kahit ano namang mangyari, hindi ko parin makakalimutan si Elu..
This is just an experimental experience!
Diba?
"Deneiva, Blake? Ano meron?", tanong ni Zach saamin
"Tara tumambay sa, sa.. Uhmm..", nababagabag kong sinabi sakanilang dalawa
"Parang wala ka ata sa sarili anak?", pabirong sabi ni Zach
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...