Napabalik ako sa isang memorya
Memorya ng pag-papaalam ko kay Elu at Zach; sa isang kalsada habang nag-eempake kami ng mga dadalhin at inilalagay sa sasakyan namin..
Nagsisimula na akong maging miserable noon dahil iyon na yung pagkakataon na hindi kami magkikitang magkakaibigan ng matagal na panahon
"Wag mo kami kakalimutan", mga salita ni Zach habang naiiyak at pilit na pinupunasan ang mga luha niya
"Hindi.. Hindi ko kayoo makakalimutan! Friends tayo diba?", pinagaan ko ang loob nila dahil kahit sobrang malungkot kami nun kailangan may isang kalmado..
Kahit kalmado man ako nun, sirang-sira na yung puso ko dahil sa pagsamantalang nagyayari
Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Zach at pinapakalma siya..
Napatingin ako kay Elu na walang ekspresyon sa mukha kundi seryoso lang at mahirap basahin
May hawak siya sa kamay niya na isang kahon na nakabalot sa isang tela at may nakalagay na isang halaman para sa desenyo
Hindi din siya natingin saakin
tanging sa baba at dala niya
lang siya nakatitig.."Elu? Ayos kalang ba?", naitanong ko sakanya dahil baka maya-maya sinasama na din pala siya..
"Ayos lang ako!", masaya niyang sinabi at naglabas nanaman ng mala-Araw niyang ngiti
Dahil sa emosyon niyang naipakita sakin, hindi ko alam kung ano na ang mararamdaman ko..
"Deneiva anak? Kunin mo na ang mga iba pang bagay na kailangan mo at aalis na tayo", sigaw saakin ng nanay ko
Alam ko sa sarili kong nakuha ko na ang lahat pero ayoko pang umalis..
"De-eiva.. Ito nga pala.. Sana mabuksan mo kapag 18 kana kasi nagpatulong ako diyan sa magulang ko.. Hindi ko alam kung ano yung ibig sabihin nung ibang nasa loob nyan pero, promise mo sakin na hindi mo bubuksan kapag hindi kapa 18 ha!", masayang sabi saakin ni Elu habang inaabot ang kanyang dalang bagay saakin
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...