(a/n:an objective has been completed/ang isang gawain ay nakumpleto na)
"Everyone thank you all for coming at this event! May all of us have a blessed day!", announce ni Dean
"All students are free to do anything as long as they don't overcrowd the entire academy.. Please find your Person everyone! Good Luck", at sumarado na ang kurtina na si Dean ay nakangiti habang natatakluban na ng kurtina
Iko-congratulate ko sana si Cythiel pero wala na siya sa upuan niya..
May naramdaman akong kakaiba, parang yung puso ko nalunod ng onti pero hindi ko alam ko kung bakit
Bago ko pa makausap si Blake at Zach, hinatak na ako ni Joanne with our dance performance members
Lumingon ako sakanila at sinenyasan na sasamahan ko muna sina Joanne
Ngumiti silang pareho saakin at nagpart-ways, si Zach ay sumama kay Tita Stacy at si Blake na kinausap uli sina Tatsuki Matsuo at Adrienne Châtagnier..
Humarap na ako sa mga babae na nakasayaw ko kanina at dumiretso na kami sa school cafe
Naupo kami at nagkagulo nanaman dahil hindi kami makapaniwala na narecognize kaming lahat ng mga tao sa academy namin, AND MORE
Inilagay ko muna ang trophy ko sa table, ang medal at certificate of scholarship approval ay isiningit ko sa notebook na nadala ko para hindi magusot at mapagmalaki ko sa nanay ko mamayang pag-uwi niya HUEHUE
Naisipan kong mag-Boba Milktea nalang dahil trip ko lang, masama ba?
"Deneiva?", may pumasok ng school cafe na dalawang lalake at napalingon ako sakanila.. Si Coach Sinatra lang pala at si Bryce..
"Bryce!", bati ko sakanya habang tumayo at lumapit sakanya
Niyakap niya ako at nginitian kami ni Coach..
Busy parin sa pag-order ang mga kasama ko kaya hindi pa nila ako ma-aasar
"Anong ginagawa niyo dito?", tanong ni Bryce saakin habang nakatingin sa hilera namin na inuupuan
"Ah, nagcecelebrate lang naman gawa ng successful ang aming performance!", paliwanag ko sakanila
"Oo nga pala, congrats nga pala sa special award mo Deneiva", bati ni Coach Sinatra
"Thank you po..", nakangiti kong pagpapasalamat sakanya
"Dahil sayo, ayos na kami ni Papa at sa wakas nakuha ko na yung scholarship na gusto kong makuha last year pa!", paliwanag ni Bryce
"Umorder na tayo Bryce para mamaya didiretso na tayo sa pagsa-sign up ng papers", at nagpatuloy nadin silang pumunta sa counter at umorder
Bumalik na ako sa upuan ko at nakitang nagtext si Eight or should I say Cythiel nadin..?
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...