Bukod na malungkot ako sa nabasa ko, mas pinili ko nalang na magkaroon ng pag-asa dahil, napag-isipan ko nalang na ito ay isang pruweba ng landas na sinusundan ko ay tama at nakatakda saakin
"Deneiva! Ano nang ginagawa mo ngayon? Igulay mo nga areng kalabasa dine", sigaw na utos ng nanay ko
Nginitian ko nalang uli ang sulat na binigay ni Elu at itinago na uli sa ilalim ng mattress ng kama ko
Lumabas muna ako ng kwarto ko at sinunod ang utos ng nanay ko para hindi na siya mag-Dragon Mode
Pumasok uli ako ng kwarto ko at humiga nalang sa kama ko hanggang bumuhos at pumatak na ang antok ko..
➲Saturday
"Hoy Deneiva! Gising na at hinahanap kana nina Zach", bulyaw saakin ng nanay ko
Kinusot ko muna ang mga mata ko at dire-diretso nang pumasok ng banyo ko sa kwarto at naligo na parang may nagbabanta saakin na mamatay ako kapag hindi ko binilisan ang paliligo
"Mga iho, pasok muna kayo.. Hintayin niyo nalang si Deneiva", narinig ko na sinabi ng nanay ko
"WAIT LAAANNGGGGGG", kinuha ko ang sipilyo ko at parang halos mapupudpod nayung ngipin ko sa pagmamadali kong magsipilyo
Nilagyan ko ng twalya ang ulo ko para kahit papaano matuyo ito at dali-daling nagsaksak ng mga bagay na kakailanganin ko sa bag ko; cellphone, pabango, lipbalm, headsets, payong, ballpen at notebook
"HINTAY LANG HAAAAAA", sigaw ko nanaman habang nagsusuot na ng damit ko na On-The-Spot kong napili
Tumingin ako sa salamin para icheck ang suot ko at ang porma kong napili..At kuntento nako dito sa lagay na to
Kinuha ko muna uli ang pabango na nalagay ko sa bag ko at nag-spray na parang isang linggo akong hindi nakaligo
Lumabas na ako sa kwarto ko at nagbaon nalang ng sandwich para hindi ako malipasan ng gutom
Nakita ko si Blake na nakasuot ng usual na turtleneck sweater at coat na suot niya at si Zach naman na naka-polo at jeans
Agad na hinigit ko na si Zach at Blake palabas at bago yun lahat, nagmano muna ako sa nanay ko at umalis na sa lungga namin (bait ko talagang anak diba?)
"Soooo... Anong gagawin natin sa Charity Event?Sabi nung nanay ko sa bahay niyo daw yung venue?", tanong ko kay Zach
"Well.. Doon maghahanda pero hindi dun yung venue.. Bale siguro, kala ng mommy mo doon gaganapin? Kasi ang sinabi ni Mama ay iniimbitahan ka niya kasi, kailangan namin ng katulong sa mga aayusin and para mapadali yung pagta-transfer nung mga bagay sa venue", paliwanag saakin ni Zach
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...