Chapter Fifty-Nine:Promtastic

14 5 0
                                    

"Hoy Deneiva gising na at maghahanap pa tayo ng gagamitin mong Gown sa Prom niyo sa Martes!", panggising na sigaw saakin ng nanay ko

"Ha? Aah? Huuuh-ahhh", nag-unat unat ako at pahikab-hikab pa sa umagang kinagisingan ko

"Bilisan mo at tanghali na", sigaw uli ng nanay ko saakin

Ahhhhh, tanghali na pala-

Nagmadali ako na magbihis para makapaghanap na kami ng gown ko..

I'm still skeptical about all of this gown thing-

PERO ATLEAST MATATAKLUBAN YUNG TUHOD KO NA SOBRANG ITIM-

"Tara na Deneiva", sigaw uli ng nanay ko

"Wait lang!", inayos ko ang buhok ko at naglagay ng mga bagay na kailangan ko sa slingbag ko

Lumabas na ako ng kwarto ko at nagmadali sa paglabas ng buong bahay

Ini-lock na ng nanay ko ang bahay namin at pinapasok na ako sa kotse namin

"San tayo?", tanong ko sa nanay ko na ini-istart ang sasakyan

"May naka-usap ako na may isang Dress-shop daw dito sa lokasyon na ito at ayun yung pupuntahan natin", paliwanag saakin ng nanay ko

"Si Tita Precy mo na ang mag-aayos sayo, gabi ang pasok ko sa araw na iyon eh.. Iiwan ko nalang yung susi sa may tangwa nung table sa may Salas", dagdag na paliwanag ni mudracles

"May date kana ga? Ayaw mong kunin si Blake o si Zach?", tanong ng nanay ko

"Heh.. Oo nga pala, nahanap nanamin si Elu inay! Nakatadhana nga kami hahahaha", iniiba ko nalang ang usapan pero baka lalong maging tsimosa ang nanay ko-

"Edi ayun ang kunin mong escort.. Mahal ka parin ga nung batang yun? Baka maluka ka nanaman sa wala", agad na inilatag na mga katanungan ng nanay ko saakin

"Eh? Uh.. Uwo, mahal pa naman", nahihiya kong sagot sa nanay ko

"Ayan, mabuti.. Nagiging dalaga kana, titibo-tibo ka kasi kaya wala kang maging boypren!", masayang banat ng nanay ko saakin

"Eh ang saya maglaro ng pogs dati eh!", sumakay nalang ako sa trip ng nanay ko at natawa

"Si Val ba, kamusta na kaya iyon? Simula sabihin saakin nung ninang mo na umamin ka sakanya na Bisexual ka, napatanong ako kung si Val nga ga ang rason kung pano ka naging sigurado sa mga ganoon", paliwanag ng nanay ko saakin ng may malumanay na tono

"Sabi sabi pa sakin ng ninang mo na natatakot ka raw na di kita tanggapin, eh yung ninang mong yun diba Lesbian siya, ang pagmamahal ay pagmamahal kaya ano pa nga bang magagawa ko? Di ka naman mapapahamak eh, alagaan mo lang ng mabuti yang puso mo", dagdag na sabi ng nanay ko

Hindi nalang ako napa-imik pero sobrang sarap sa pakiramdam na tanggap ka ng magulang mo...

Mga ilang minuto ng byahe na ang nakalipas at nakarating na kami sa isang Dress-Shop na nagngangalang, "Morning Lavender".. Catchy name~

"Unang stop palang natin ito, kapag wala tayong nakita dito na babagay sayo, meron pa akong isang alam", paliwanag ng nanay ko habang nagpark ng sasakyan

Lumabas na kami ng kotse at nakita na namin ang shop ng harapan..

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon