Chapter Seven:The Threat

12 6 0
                                    

(a/n:an objective has been completed/ang isang gawain ay nakumpleto na)

"Zach....zach", naiiyak-iyak kong salita sakanya habang nag-aalinlangan kung kaya ko bang yakapin ang kababata kong ngayo'y nakita ko na uli

"Deneiva, sa wakas... Sa lahat ng panahon na dumaan, nakilala mo narin ako", sagot niya habang lumuluha nadin at agad na niyakap ako

Tumigil ang tibok ng puso ko dahil buong buhay ko walang nagtangkang yumakap saakin dahil alam nila na ayoko ng ganitong bagay...

Pero itong oras nato... Hindi ko na pipigilin pa dahil nakakagaan ng loob ang oras na nakasama ko uli ang taong nakilala ko dati

Ibinaon ko ang mukha ko sa balikat niya at lalong lumuha dahil sa kabilisan ng pangyayari

Kasalanan ko ito, na hindi ko man lang naisipan agad na nandito lang din pala si Zach..

..at hindi siya umalis ngunit patuloy na nag-intay

Puro ako Elu ng Elu, kahit sigurado akong nandito siya, ngunit hindi ko man lang naisipan na si Zach ay naiwan ko nang wala man lang na huling mga salita sakanya..

"Sorry, sorry dahil hindi agad kita nakilala, puro kasi ako isip ng isip! Isip ng isip sa walang kwentang bagay na hindi din naman mangyayari! ", malungkot kong sabi sakanya habang patuloy na naiyak

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at iniharap ang mukha ko sakanya at mahinhin na sinabing:

"Wag ka na umiyak, mas importante sakin ay nakilala mo na ako... "

sabi niya habang naghihinang ngumiti

Bigla niyang isinandal ang ulo niya sa balikat ko habang nakapikit

biglang nalinawan ako
sa nangyayari

"Z-zach? Zach? ZACH.!?!?", tanong ko habang nanginginig sa takot

Inihiga ko muna siya sa damuhan at patuloy na sinigaw ang pangalan ni Charlotte

"D-deneiva? Bakit mo ko-?, Anong nangyari kay Vier!?", she said while covering her mouth in shock

"Tatawag ako ng facilitators then papa-alam sakanila na dadalhin siya sa school clinic", she added while comforting me

"Everything will be okay, just stay put.. I'm going to go now para madala siya sa clinic right now", exclaimed by her, while running into the facilitators around the school field

Tumigil ako sa pagluha ko at tumingin kay Zach ng may pag-aalala

"Zach? Wag kang susuko sakin! Wag kang tutulog at hindi na gigising pa muli!", sigaw ko sakanya habang chinecheck ang pulse niya at heartbeat at pinapay-payan gamit ang kamay ko

"De-eiva... kay... kaya ko pa tooo", pilit niyang sinasalita kahit hirap na hirap na siyang makahinga

"Wag mo nang pilitin ang saril-"

"DOON PO", sigaw ni Charlotte na may kasamang mga facilitators habang nakaturo saaming dalawa ni Zach

"Miss? Okay lang po kayo?", tanong ng isang facilitator saakin

"O-opo, siya lang po ang kailangang dalahin sa clinic, pakibilisan nalang po pleassee", sagot ko agad habang nakaturo kay Zach

"Okay.. Bubuhatin nalang namin siya at dadalhin sa clinic", lumapit sila kay Zach at binuhat siya ng dahan-dahan paderetso sa clinic

Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon