Ginising ako ng nanay ko dahil may naghahanap daw saakin..
Agad na nag-ayos ako at nagbihis ng pang-labas na mga damit
"Deneiva umuwi ka agad ha at baka umulan gawang hindi natuloy yung kahapon na bagyo.. Magdala ka ng payong", utos at sigaw ng nanay ko
Nagmadali ako at kinuha ang payong ko at hinawakan ito sa isang kamay ko
"Sana si Blake.. Sana si Blake.. Sana si Blake", paulit-ulit na sinasabi ko sa sarili at hinihiling na sana si Blake nga para makapag-sorry na ako
Binuksan ko ang pintuan at-
"Deneiva..", bati ni Zach
Tumingin ako sa paligid niya kung nandon ba si Blake o wala
"De-eiva.. Wala si Blake ngayon.. Alam kong kating kati kanang makapag-sorry sakanya at siya din sayo..", sabi ni Zach saakin habang naka-smirk
"How did you know..?", tanong ko sakanya
"Well.. Kilala kita Deneiva and plus Blake told me what happened..", sagot ni Zach habang nakangiti
Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Zach at lumapit saakin
"Deneiva I will leave you and Blake to resolve this.. Dun kayo mag-usap sa kung saan kayo tumambay kahapon, I will text Blake na dun kayo magtatagpo", salita ni Zach saakin
Wala nalang akong nagawa kundi yakapin siya at magpasalamat dahil niligtas niya yung pagiging magkaibigan namin ni Blake
"Oo nga pala.. Bakit nga pala nabugnot si Blake? Like, there's nothing na nakakayamot sayo so, bakit siya biglaang naiyamot?", tanong ni Zach
"Kala ko sinabi niya na sayo?", nagtataka kong sagot sakanya
"Ang sinabi niya lang sakin ay parang nagkaroon kayo ng awkwardness na parang hindi kayo magkakilala dahil tingin kadaw ng tingin sa phone mo.. Tinatanong niya daw sayo kung bakit pero ayaw mong sagutin.. Inintindi ka nalang daw niya kasi kapag hindi ka kumportable, hindi ka nagiging totoo sa mga sinasabi mo", paliwanag ni Zach
"T-that's it.. Yan yung reason", naiilang kong sagot kay Zach
"You know what.. Tara na magsimula maglakad para matapos na to..", suggest ni Zach
Naglakad na kami at naisipan kong sabihin yung side ko sa pangyayari at sabihin kay Zach kung ano talaga ang naiisip ko sa ngayon..
"Actually tama yung nasabi sayo ni Blake, I told him the truth kung bakit gusto ko ang long-hair sa lalaki then he let me ruffle his hair at tirintasin pa.. Ang problema lang, bigla akong nadistract sa cellphone ko dahil may ini-intay ako pero hindi din naman dumating hanggang ngayon, yung inaasahan ko", paliwanag ko kay Zach
"Ewan ko kay Blake pero parang.. He's like, jealous?", biglaang suspetsya ni Zach
"Bakit naman magseselos yun?"
"Sabi niya, pareho daw na ang ganda nung araw na yun sainyo tas biglang nasira gawa nung parang hinihintay mo daw, teka.. Sino nga bang hinihintay mo?"
Napalunok ako sa kaba pero mas pinili ko na huminga ng malalim at magpaka-totoo dahil alam ko naman na maiintindihan ako ni Zach..
"Si Eight.. Sanay kasi ako na lagi siyang nagtetext sakin araw-araw tas ngayon parang hindi niya ako tinext tas nabother ako", paliwanag ko sakanya
BINABASA MO ANG
Nice to meet you,I'm DEPRESSED [☆️COMPLETED☆️]
Teen FictionGet ready to meet a girl who has self-introducing depression. Deneiva Abendaño, a Sophomore senior high-school student who faced life problems and even got a mental illness but, the one thing she kept looking for is her happiness, happiness that she...