12

2.1K 45 3
                                    

12

"Kayo na?"

Napalingon ako kay Mishy ng tanungin niya ako about sa amin ni Gyro. Napabuntong-hininga ako at tumango. I am happy. We are actually happy.

"Hindi ka man lang nagsabi ah?" nagtatampong saad ni Myx. "Nakakainis ha! Hindi na ba ako updated sa showbiz chikas?"

"Secret relationship naman ang meron kami, kaya ganoon." suminghap ako. "At yeah, masyado kayong busy para magkausap at makapag-bond to each other tayo."

Inirapan ako ni Lira. "Mahal mo ba 'yan? Sort of you truly inlove with Gyro ba?"

"Anong klaseng tanong 'yan?" kumunot ang noo ko. "Syempere, mahal ko!"

Nakatingin lang si Mishy sa akin bago siya ngumiwi. She doesn't believe me kahit paniwalain ko siya. Bakit? Sa tingin niya ba ay hindi ko kayang magmahal ulit ng iba? That I really submit fully myself to Sean? Syempre hindi pwede 'yon. Hindi na pwedeng umikot ang mundo ko sa kanya dahil may mundo na siyang umiikot. I realized that love is not selfish at all. Alam ko 'yon.

Tumango na lang si Lira at nagkibit-balikat. I know na kahit na anong mangyari ay nandito lang sila palagi sa likod ko. Never nila akong iiwan. And I know that they support me with my relationship with Gyro.

Inaamin ko na oo, may konti 'pang natira sa puso ko para kay Sean. May pinagsamahan kami at mula bata pa lang ako ay mahal na mahal ko na siya. Sinubukan ko naman ng makalimot pero may konti pa rin. And Gyro is different. Pareho ko na ata silang mahal pero mas higit na si Gyro.

Palagi kong sinasabi sa sarili ko at sa mga taong nakapaligid sa akin na nakawala na ako sa pagmamahal ko kay Sean pero may konti pa. I am a bit confused. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan ako.

Oh my gosh! I think I am so stupid as fuck!

No! Aviegail! You don't love him anymore! It's been fucking three years! And he's getting married! Finally. Atleast, masaya siya. Kung saan siya sasaya, doon ako.

I saw Ezekiela with Gyro. Ngumiti ako sa kanila na papalapit sa amin. And Seb is also with them too. Galing silang FEU para sunduin si Eze?

"Hey, love." hinalikan ako sa pisngi ni Gyro. "Sorry, natagalan kami. Eze had practice pa kasi. Kakanta sila sa Paskuhan sa UST eh."

"Wow talaga!?" amaze na tanong ko at hinarap si Eze. "Manonood ako! OMG! Marunong ka pa lang kumanta!"

"Whatever." mataray niyang irap sa akin at tinalikuran na kami.

Napabuntong-hininga na lamang ako. She just having a mad mood ata. Mukhang ina-araw-araw na niya ang pangsusungit at mas lalong lumala pa 'yon ng maging kami ni Gyro.

"Buntis ba 'yon?" ngumiwi si Seb. "Ang pangit ng ugali. Naglilihi ata."

"Porket mataray na, buntis agad?" natawa ako. "OA."

I heard Gyro sighed. "May problema lang siguro 'yon. Alam niyo naman 'yon, attitude talaga paminsan-minsan."

May pagkamasungit naman talaga si Eze kaya nasanay na rin ako sa pagiging maldita niya tho hindi naman ako napipikon sa kanya at gustong-gusto ko siyang maging kaibigan pero napansin kong malayo ang loob niya sa akin. I think she hates me.

I need her approval as Gyro's bestfriend. Alam kong nagtatampo siya dahil hindi namin sinabi sa kanya agad na kami na ng bestfriend niya. Nag-sorry naman kami pero masyadong sarado ang boses niya para pakinggan pa kami.

I felt Gyro's effort to her for her approval to us. Mahalaga si Eze kay Gyro kaya ganoon siya kahalaga. Hindi ko siya masisisi, Eze's here since day one. I understand.

And the Paskuhan sa UST came. May libre kaming ticket galing kay Seb kasama ko sila Eze, Gyro at Kiassen. Tonight is December Avenue concert. Kakanta din ang banda nila Ezekiela. I am so excited!

Agad nagsimula ang concert at unang kanta ng December Avenue na pinamagatang bulong na sinabayan ng lahat. Naramdaman ko ang pagyakap ni Gyro sa likod ko. I know he loves me. And I love him too.

"Ako'y alipin ng pag-ibig mo... Handang piliin ang siyang tulad mo..." sabay niya sa kanta habang nakayakap sa akin. "Hanggang ang puso mo'y sa akin lang, hindi ka na malilinlang. Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanang ng mga bituin."

I heard some sob somewhere, hindi ko alam pero nakita ko si Seb na yakap si Ezekiela na umiiyak. Nag-aalala akong tumingin sa kanila but Seb just smiled at me with assurance. Lumayo siya sa amin with Ezekiela with him.

Anong nangyayari?

"Love? Okay ka lang?" malambing na tanong ni Gyro habang hawak ang light stick. "Is there something wrong?"

"W-Wala." nag-aalinlangan kong sabi. "Hinahanap ko kasi sila ni Seb."

Tumango lang siya at yumakap sa akin ulit. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Sean at hindi siya nag-iisa. Kasama niya si Freya. Sa daming tao dito sa UST, nakita ko pa talaga sila.

I am a bit curious why Eze cried. Inaway ba siya ni Seb or masyado lang siyang nadala sa kanta? And about Sean with Freya. Hindi ko inaakalang makikita ko sila dito.

The next band is Ben&Ben na at mas dumami pa ang tao ng magsimula ang concert. Mas nagiging hype ang crowd. Maging ako ay mas na-excite pa. Hindi ko namalayan na last song na pala nila.

"And this is the last requested song po namin ngayong gabi." tinig 'yon ng banda. "At may special guest kami na makakasama namin ngayon sa pagkanta. Please welcome! Miss Ezekiela Dela Fuente!"

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat dahil sa announcement. So ito 'yong pinag-practice-an nila Eze? OMG! Kakanta siya? Oh my! She's with Ben&Ben! Hindi ko pa siya naririnig but I know she have a talent more than I know.

Diba nga ito ang 'yong gusto? O ito'y lilisan na ako.

Mga alaala'y ibabaon, kalakip ang tamis ng kahapon.

Mga gabing di namamalayang, oras ay lumilipad. Mga sandaling lumalayag kung saan man tayo mapadpad. Bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang 'yong kamay.

Ito'y maling akala isang malaking sablay...

Pasensya ka na...

Sa mga kathang-isip kong ito.

Wari'y dala lang ng pagmamahal sa'yo...

Ako'y gigising na...

Sa panaginip kong ito

At sa wakas ay kusang lalayo sa'yo. (Lalayo sa...)

Natuod ako sa kinatatayuan dahil sa pagkamangha sa ganda ng boses niya. Nakatingin lang siya kay Gyro na nakatingin sa akin. Inaamin ko, tinamaan ako sa kinanta ni Eze. Naaalala ko si Sean kung paano ako naging bulag sa pagmamahal ko sa kanya na wala namang ibig sabihin. And that song hits me...

I stared at Sean na nakayakap na kay Freya. They are enjoying the beat of the music habang ako, parang tanga na nakatulala lang sa isang tabi. Kung hindi lang ako kinurot ni Gyro sa pisngi ay baka nakatitig pa rin ako sa kanya.

Pasensya ka na kasi kathang-isip lang ang lahat ng ito. Sa madaling salita, ilusyon lang. Hindi totoo at hindi kapani-paniwala. Isa lamang panaginip na dapat ibaon sa limot at gumising sa katotohanan. Siguro nga, tama ang banda. Tama ang Ben&Ben.

"Ako'y gigising na... Sa panaginip kong ito..." sumabay ako sa kanta ng banda. "At sa wakas ay kusang lalayo sa'yo."

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon