10

2.2K 50 2
                                    

10

I was taking a back when I am visiting Sean on his new house. Napasyal lang ako dahil matagal-tagal ko na rin naman siyang hindi nakita. Inaamin ko, namimiss ko na siya, iyon nga lang... Bawal.

"Malaki pala ang bahay mo 'no?"

I scan the every bit of the house here in tagaytay, maganda yung interior design na pinagawa niya. Naiingit tuloy ako. I think I need build a house na din for future purposes.

"Yes for future na rin. Hindi natin alam? Malay mo, may mabuntis ako?" nakakaloko siyang tumawa.

Ngumiwi ako. "Okay."

"What do you think of Freya? Is she passed to our candidate for Mrs. Dela Vega?" mapaglaro siyang tumawa at niyakap ako. "Hmm?"

I feel the bitterness dripping on my system. "Malay ko sa'yo. Ikaw bahala, buhay mo naman 'yan eh."

His warm embrace is the best happens in this cold night. Alam ko sa sarili ko na maling-mali ang mahalin pa siya pero nandito pa rin ako. Makahanap man ng iba at lahat-lahat, babalik at babalik pa rin ako sa kanya.

Marami kaming pinag-awayan dahil minsan, oo. Maldita ako. At ginagawa ko ito para mapansin niya lang. Siguro kahit anong gawin ko, hindi pa rin niya ako makita kasi naka-focus na sa iba ang pagtingin niya. Okay lang ako. Magiging okay ako.

"Magtabi tayo matulog?" hinalikan niya ang buhok ko. "Namiss kita, matagal-tagal na rin eh."

"What do you mean?" kumunot ang noo ko. "Anong matagal?"

Ngumuso siya. "Na hindi ka tumatabi sa akin kapag natutulog!"

"Goodness! Sean! Wala ka 'bang delikadesa!? Babae ako at lalaki ka!" nagulantang ako. "We are matured enough okay!?"

"Wala naman akong gagawin sa'yo ah? Magtatabi lang tayo at may girlfriend ako, Aviegail." ungot niya.

"Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng girlfriend mo kung malaman ng girlfriend mo ito?" sarkastiko akong natawa. "News flash, katabi ng boyfriend ko ang babae niya! Oh see!?"

"It's not like that!" kontra niya pa.

"It's like that, Sean!" untag ko. "Nababaliw ka na siguro."

Sumeryoso ang tingin niya sa akin, nakapamulsa siya sa kanyang itim na pantalon habang pinagmamasdan ako ng maigi. Sinalubong ko ang nagbabagang tingin niya. Hindi porket mahal ko siya, paglalaruan na niya ako ng ganito.

"Who is Gyro? Siya ba?" umigting ang panga niya at bumulong sa hangin. "Fuck! I should be fucking happy with this shit!"

"Kaibigan ko." mataimtim na sabi ko. "W-We actually trying to date each other."

"At pumayag ka naman?" walang emosyon niyang tanong.

"Why not? He's kinda good naman, Sean." napayuko ako.

Mahal kita, Sean.

Kahit ang sakit-sakit na. Ikaw pa rin pero bakit sobrang hirap na hirap na ako? Bakit parang paunti-unti na akong sumusuko? Napapagod na ba talaga ako o I just love the fact na siya pa rin? Hindi, Aviegail! Baliw ka lang!

Our arguement goes on at walang nagpapatalo sa aming dalawa, ang ending ay umuwi ako ng Metro imbis na mag-stay sa bahay niya sa QC. Ayaw niya kasi akong tigilan and he's fucking treating me as his own sister! Matutulog siya na kasama ako without knowing na gusto ko siya!? What if makagawa ako ng kagagahan at katarantaduhan!? Tangina lang kasi!

"You dated that Gyro now?"

Nagulantang ako sa agarang tanong ni Mishella sa akin. We are here in the unit with the girls. Tinutunga ko ang vodka habang sila naman ay sosyal na umiinom ng martini.

"Gusto ko 'yong tao." nagkibit-balikat ako. "Then go."

"Hindi dapat Aviegail ang pangala't apilyedo mo eh." pang-aasar naman ni Myx. "Aviegail D. Minahal!"

"Oh shut up!" tinakpan ko ang bibig niya. "Huli ka na sa balita, mag-da-date kami ni Gyro! You see!? Makaka-move on na ako! Hindi na ako maghihintay kay Sean!"

Napailing si Lira. "Ang dali-daling sabihin pero mahirap gawin!"

"I don't wanna stay in one situation na maging kawawa lang ako." humina ang boses ko. "Nasasaktan na talaga ako e. And I can't wait anymore. Hindi ko kayang manatili. Maybe... Gyro is the best way."

"Wag kang gumawa ng desisyon na may masasaktang tao, Aviegail." Mishy warned me. "Wag 'mong gamitin na panakip-butas si Gyro. Naku! Sinasabi ko sa'yo ha! Mas nakakasakit ka lang ng ibang tao!"

Napasapo ko na ang ulo ko dahil sa matinding hilo. "Hindi ko na alam, okay! Hindi ko alam. Tangina! Awit! Inom pa tayo! Shot!"

Napabuntong-hininga silang tatlo habang nakatingin sa akin, sakto naman ang pagdating nila ni Kylle kasama si Gyro. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. Oh my! My crush is here!

Pakiramdam ko, may tatlong stars na sa ulo ko dahil sa pagkahilo. I know na lasing na talaga ako. And well! Gyro's here! Kakapalan ko na ang mukha ko, ako na lang 'yong manliligaw sa kanya.

"Pwede ba kitang ligawan? Ha? Gyro?" lasing na sambit ko habang nakayakap sa kanya. "Nasa'yo na ang lahat, minamahal kitang tapat!"

"Hoy gago! Lasing ampota! Nakakahiya ka, Aviegail! Nanliligaw ka na, girl!? Bwisit ka!" hinila naman ako ni Myx paupo sa tabi niya. "Geez! Ang creepy mo!"

Tinuro ko siya. "Maganda ako diba, Maxine? Maganda naman ako ah? Bakit pakiramdam ko, inaayawan ako ng lahat?"

"Shh, enough." pigil niya. "Maganda ka kahit maldita ka. You have a golden heart inside and out. Kahit kailan, hindi naging basehan ang kagandahan para magustuhan ka sa mga taong nakapaligid sa'yo. You should aware of that."

Niyakap ko siya at umiyak sa mga balikat niya. "Matutuloy na ang engagement, Maxine. Mawawala na siya sa akin, tulyan na siyang mawawala sa akin."

Hinawakan ni Lira ang balikat ko at pinakalma ako sa pag-iyak. I heard kanina na tuloy na tuloy na ang engagement nila. This is only means na wala na kaming pag-asa ni Sean. Walang-wala na.

"Aviegail." puno ng pagsusumamo ang boses ni Lira. "Tama na... Tama na..."

"You should be aware from now on." Mishella voiced out. "This is the right time na pakawalan mo na siya, Aviegail. Tigilan mo na 'yang kahibangan mo habang maaga pa. Wag na wag kang magpapakatanga. Sinasabi ko sa'yo."

I was about to talk when I saw Gyro and Sebastian heading to us now, kasama na nila si Kiassen at ang babaeng mukhang mataray. So I guess one of the friends of Kiassen? At wait! Akala ko ba... Ang gulo! Ampota. Lasing na nga talaga ako!

Kumunot ang noo ng babae at panay dikit kay Gyro na parang wala man lang siyang pakialam. Ngumuso ako habang pinupunasan ang luha ko. Nag-aalalang lumapit si Kia sa akin.

"Avi?! Are you okay?" I heard her frantic voice.

Ngumiti ako at umayos. "Naman! Ako pa ba?"

Inakbayan ako ni Sebastian. "By the way she is Ezekiela. My bestfriend from Piyu!"

"Hi!" I smiled cheerfully. "It is nice to meet you, Ezekiela. I am Aviegail Isla."

"Me too." matipid niyang sagot.

Maybe nahihiya lang siya sa amin? Ewan.

"Arat! Shot!" tinungga ni Gyro ang whiskey. "Let's party all night!"

Mas naging wild ang paligid dahil sa sinabi ni Gyro at pati na rin ang mga kaibigan ko ay naging wild na din at nauna ng mag-sayaw sa dancefloor. There is nothing wrong to be happy! Kahit isang gabi lang, gusto kong sumaya.

Gusto ko muna talagang sumaya.

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon