14
"Time of death 10:11PM."
Natulala ako sa kawalan habang nakatitig kay Avi na walang malay. No! This is not fucking happening! She's still alive! She will be awake!
"S-Seb, s-si Avi..." nanginginig na iyak ni Kiassen. "W-Wala na siya..."
"Hindi..." tears are rolling in my cheeks. "S-She's still alive, n-nagkakamali lang sila! Please... Kiassen..."
"Oh my gosh!"
Halos mahimatay si Mishy ng maabutan kami sa room ni Avi. The doctors leave us alone, pinaalis ko sila dahil kung hindi ay kukunin nila si Avi sa amin. Ayokong maniwala, she's not dead!
I sobbed and walk towards her. Nakita ko ang straight na linya sa makina. She already give up. Talagang wala na siya... Wala na ang kaibigan ko. She's already...
"Avi! Avi! Gising na! Wag kang magbiro diyan please! H-Hindi nakakatawa!" Lira cried in so much pain. "Wake up, please."
Myx and Kylle cried silently habang ako ay yakap si Avi at hawak ang kamay niya. I know babalik siya, ramdam ko 'yon. Kahit katiting na pag-asa dito sa dibdib ko ay umaasang babalik siya. Babalik siya sa amin.
"A-Ako na ang p-pupunta kina Tita Mia..." tumalikod si Kylle. "Pupuntahan ko sila Sean."
"No! Hindi pa siya patay! Please!" umiiyak na pigil ni Mishy. "K-Kasalanan ko 'to, hindi ko siya nabantayan!"
"Avi, gising!" humikbi si Lira. "G-Gumising ka na, nandito kami. Please."
Hindi ako makapagsalita at tahimik lang na umiiyak. Nagbabasakali akong babalik siya pero nanatiling walang buhay ang linya ng machine na nakakabit sa kanya. She already dead. Wala na siya.
I saw Gyro from afar kasama si Ezekiela. What the hell is he doing here!? Hindi ba siya ang dahilan ng lahat ng ito!? He cheated to Avi! I know that he already cheated to Aviegail! Alam kong hindi alam ni Avi ang lahat ng mga katarantaduhan na ginawa niya pero nakita ko sa mata ni Avi na may duda na siya! Na alam na niya pero ayaw lang niyang paniwalaan!
Bago pa man ako makalapit para suntukin siya ay nilapitan na siya ni Mishella at malakas na sinampal ng dalawang beses. Napayuko siya habang si Eze ay tahimik na umiiyak. Bakit niya nagawang lokohin kami? Sa dinami-dami, bakit si Ezekiela pa ang nagsinungaling sa amin? She is my bestfriend! Bakit niya ginawa 'yon!?
"How dare you..." puno ng poot ang mga ni Mishy. "After everything huh? Nagpakita ka pa dito! You did this to her!"
"Mishella, I was..." guiltness is evident in his eyes. "I was one of the reason why..."
Napayuko ako dahil oo, inaamin kong hindi siya ang rason kung bakit nagkakaganito si Aviegail kung bakit wala na siya sa amin ngayon. But he is one of a thousand reasons kung bakit.
Mishella left the private room at sumunod lang sila. Naiwan ako dito habang yakap ang kamay ni Aviegail. Kung maibabalik ko lang ang kahapon, I could save her. Alam kong alam niyang hindi ko siya hahayaang magkakaganito.
"Ako na ang bahala sa kanya, Seb." hinawakan ni Kia ang balikat ko. "Ako na ang mag-aasikaso kay Avi. Please please tell your family about this."
She cried silently at tumalikod na habang ako ay tuliro at na-blanko bigla. I also cried dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nangyayari 'to. If nabantayan ko siya, this will never happen. Wala na akong magawa para sa kaniya. I feel so useless!
Nakauwi ako sa bahay at nadatnan ko si Mommy na walang malay kasama ang Daddy na tahimik na umiiyak. Nakayuko si Kuya at alam kong umiiyak din siya. Gago siya! Hindi niya pinahalagahan si Avi!
Marahil ay alam na nila ang balita. A socialite princess died in suicide because of the overdose and brain damage. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa mga nangyayaring ito. Kung sana naagapan ko... Hindi ko na maibabalik ang lahat.
"Sebastian..." mahinang tawag ni Kuya. "N-Nasaan siya?"
"Nasa funeral na siya." walang emosyon kong sabi. "Are happy now, don't you? Wala ka ng sagabal. Wala na siya, Kuya. She never exist anymore."
"H-Hindi totoo 'yan." umiling siya at nagmamakaawang tumingin sa akin habang umiiyak. "N-Nagsisinungaling ka lang!"
"You two fucking stop it!" sigaw ni Daddy. "Mababalik pa ba si Avi sa pag-aaway ninyo ha!?"
Gusto kong sisihin si Kuya sa lahat ng mga nangyayari. If he did love her back, hindi na sana nangyari 'to. I know that I am so selfish to think that way pero wala na akong pakialam. Now that Avi is dead, huli na ang lahat.
Hindi na namin siya maibabalik pa.
"Niloko siya ng Gyro na 'yon diba!? Kaya siya namatay! It is because of him!"
Nagwawala si Kuya Sean at madaming basag na figurines ang nakikita ko sa sahig at sa veranda. Wala akong imik habang nakatingin sa kanya na nilulunod ang sarili niya sa alak.
"Kung sana ay tinanggap ko siya..." he sobbed. "Hindi na sana aabot sa ganito. Hindi na sana siya nawala sa atin."
Tahimik lang akong umiiyak habang nakatanaw sa kanya. Alam kong masakit pero kailangan namin na tanggapin na wala na si Avi. We need to move-on and look forward. Masakit pero kailangan.
Inasikaso namin ang lahat for Avi's wake and we do it privately. Maraming gustong makiusyuso pero hinarangan ko agad. Nakatingin ako sa kulay magentang kabaong. Hindi na lang namin pinabuksan dahil hiniling niya noon sa amin na ayaw niyang kaawaan siya. It was not pity at all. Mahal namin siya.
"Hindi ko siya niloko." mapait na sambit ni Gyro. "Kailanman ay hinding-hindi ko naiisip 'yon. Siya ang pinakamagandang nangyari sa akin. The last thing that I'll do to her is that fucking cheating na kahit kailan, hindi mangyayari."
"So all along na nangyayari ito ay dahil sa kapatid ko hindi ba?" malamig na tanong ko. "Siya pa rin ang mahal ni Avi?"
"I believe that for the past two years na girlfriend ko siya, minahal niya ako." pinigil niyang maging matatag. "Mahal niya ako pero hindi katulad ng pagmamahal niya sa kapatid mo. Mahal na mahal siya ni Avi at ramdam na ramdam ko 'yon kahit ako ang kasama niya pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi mahal niya ako. Alam kong hindi ako naging sapat pero sinusubukan niyang ilaban ako at nilaban ko rin siya. Siguro nga, isa ako sa maraming dahilan kung bakit nawala siya. Nagkulang din naman kasi ako, napabayaan ko din siya. All this years, I didn't know her pain. Wala akong ibang inisip kundi kaming dalawa. Na masaya kami."
Napayuko ako sa sinabi niya. "Ang importante ay minahal mo siya. Pasensya na sa nasabi ko lately. Akala ko, niloloko mo siya kasi si Ezekiela na lang ang palagi 'mong kasama. At may duda na sa'yo si Aviegail. Hindi siya galit sa'yo, ramdam ko 'yon. Sana maging masaya kayo ni Ezekiela ngayong wala na si Avi."
"Walang kami." umiling siya at malungkot na suminghap. "At kahit kailan, hindi magiging kami."
Hindi ko alam ang sasabihin ko bago umalis doon. I picked fresh flowers for her at pinili ko ang paborito niyang sampaguita at tulips. I hope she will be happy in heaven. Wala na akong mahihiling pa.
I hope for your happiness above my dear angel. Please shine brightly and spread your light in darkness my star.
I love you.
BINABASA MO ANG
Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)
RomantizmManila Avenue Series #1 Aviegail Castuares from Ateneo De Manila University BS-Architecture dream so high to be the most popular and knowned architect of all. Her dreams is only two. One is being and architect and two is owning his heart. What if he...