39

2.3K 48 3
                                    

39

Manila International Airport

"You can take down your seatbelts! Thank you for flying with us!"

Bitbit ang mga bagahe ko at ang mga anak ko kasama si Sean ay lumabas na kami ng boarding area. Kailangan pa namin ipa-check 'yong baggage namin bago kami makalabas sa airport. Geez. Nandito na ulit ako.

Finally, Manila. I am here.

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na nagmumula sa labas tanda na ber months na pala talaga. I was out of words. Excited ako na constipated. Kung hindi lang talaga ako pinakiusapan ni Sean na bisitahin ang mga magulang niya dahil gustong makita ang kambal ay hindi naman talaga ako uuwi eh.

That doesn't mean na okay na kami. No. We are still strangers.

"Tara?" anyaya ko ng papalapit na siya. "Akin na si Sam, nangangalay ka na."

"Okay lang. Hawak mo si Sachi. Hindi mo kayang dalawa ang karga mo." malamig na sabi ko.

"Pinakuha ko na kay Manong Edgar 'yong mga bagahe natin." sabi niya.

"Okay." walang pakialam kong sagot. "Alis na tayo."

Pagdating namin sa parking lot ng airport ay sinalubong kami ng driver para pagbuksan kami ng passenger's seat. The kids are awake kaya nakikipaglaro sila sa akin, kinuha ko naman si Sam ng umiyak siya ng kinarga siya ni Sean.

"Hey, baby. I'm your Dad!" he said cheerfully.

"Hmp. Galit kasi siya sa mga gago." mahinang bulong ko.

"May sinasabi ka ba, Avi?" kumunot ang noo ni Sean.

"Wala!" umirap ako.

"May sinasabi ka eh." bulong niya.

"Ano?" tinarayan ko siya. "Sabi ko kasi sa'yo wala!"

"Eh bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako?" sumimangot siya.

"Maaaa!"

Natigilan kami pareho ng umiyak 'yong dalawang bata. Sinamaan ko si Sean ng tingin na para 'bang siya ang talo sa amin. Nakakainis din kasi ang ugali ng isang 'to. Pa-victim eh.

Inalo ko ang mga bata at pinadede ko muna kasi nagutom ata sa byahe. May jetlag pa ako at sobrang inaantok na ako pero kailangan kong asikasuhin ang kambal. Kasalanan kasi 'to ni Sean eh.

Sa Quezon City daw kami uuwi kung saan ang bahay nila ni Tita Mia. Alangan naman sa bahay ng asawa niya diba? Hindi ba siya nahihiya na iuwi kami ng mga anak niya sa bahay ng yumao niyang asawa? Hindi pa ako ganoon kabaliw sa kanya. Tangina kasi ng lalaking 'to.

I sighed to see the mere sight of Katipunan. Oh my gosh! Madadaanan namin ang Ateneo De Manila University! I miss the Loyola Heights! Kung hindi ako nagkakamali, sa Ateneo High at ADMU ako nagtapos so that makes me an Alumni. I miss the glimpse of this school.

Naalala ko tuloy sina Lira. Kamusta na kaya sila?

"Bigla kang natahimik?" tanong niya sa tabi ko.

"Wala kang pakialam." untag ko.

"Avi---"

"Matagal pa ba?" I change the topic. "Pagod na kasi ako."

Napayuko siya. "Malapit na. Konti na lang."

Hindi ko na lang siya pinansin ng makitang parang malungkot siya. Ang lakas rin niya mangonsensya eh. Akala mo talaga walang ginawang kasalanan sa akin.

Matapos ang mahabang byahe ay nakarating na rin kami sa bahay nila Sean. Sinalubong ang mga anak ko ng yakap mula sa lolo't lola nila. Nakita ko si Seb na lumapit agad sa amin at niyakap ako.

"Avi! Geez. I miss you!" he hugged me tightly. "Isang taon ka rin na hindi nagparamdam ah!"

"I miss you too." I giggled. "How are you? Kamusta kayo ng asawa't anak mo?"

Ngumiwi siya sa huling sinabi ko. Ano naman ang masama doon? Hindi ba sila ni Kiela? Oh my! Buntis si Kiela so I bet magda-dalawang taon na din ang anak nila!

"They are fine." sumimangot siya. "Teka, bakit nasa akin ang topic?"

Ako naman ang sumimangot sa kanya. Tinignan niya ako na parang gusto niya rin akong gisahin kaya inirapan ko siya bago ituro ang mga pamangkin niya para mawala ang atensyon niya sa akin.

"Nagkabalikan na kayo?" nilingon na naman niya ako. "He win you back didn't he?"

"Hindi porket bumalik ako dito sa Manila bitbit 'yang mga pamangkin mo at ang kapatid mo ay nagkabalikan na kami. Magkaibigan lang kami okay?"

"Eh? Anong ipapaliwanag mo sa kambal pag-laki? 'Nak, magkaibigan lang kami ni Daddy niyo, ayon nabuo kayo?' baliw ka ba Aviegail? Baka maging fuck girls 'yong mga pamangkin ko!" reklamo niya.

Mahina kong tinampal ang bibig niya dahil sa sinabi niya. Ano 'bang pinagsasasabi ng lalaking 'to? Hindi naman siya ganito noong umalis ako ah? Natuluyan na ba 'to?

"Tumahimik ka!" tinakpan ko ang bunganga niya. "Nakakainis ka talaga! Pasmado amp!"

"Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw nga eh! Ang tagal-tagal 'mong nawala! You ghosted us! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon!?" binatukan niya ako. "Nilayasan tuloy ako ni Kiela."

"Buti nga sa'yo." bulong ko pa.

"Ano, Avi?" sumimangot na naman siya sa akin. "What about Kiela?"

"Sabi ko bingi ka!" binatukan ko siya.

Akmang babatukan na naman niya sana ako ng matigilan ako ng mula sa hindi kalayuan ay nakita ko ang mga kaibigan ko na matagal ko din na hindi nakikita. Magagalit kaya sila sa akin?

May dala si Kylle na mga ballons at ganoon din si Maxine na nakasimangot sa akin habang dala ang cake kasama si Mishy. I saw Lira raised her brows at me. Kumaway naman si Christina sa akin na nakahawak sa kamay ng asawa niya!

"Surprise! Happy birthday!"

Kumunot ang noo ko. "Hindi ko naman birthday!"

"Ay ganoon? Hindi porket nagkalayo tayo ay nakalimutan na namin 'yon, Aviegail! Langya ka talagang babae ka!" sinabunutan ako ni Maxine.

I was about to say something when Mishy slapped me hard. Tumabingi 'yong pisngi ko dahil sa sampal na 'yon. Galit ba 'to sa akin? Bakit naman siya mananampal?

Shit!

Galit nga!

"Mishy---"

"I'll just try lang naman kung totoo ka ba o clone lang." nagkibit-balikat siya. "And sorry? I prove myself wrong? I guess?"

"May pinanghuhugutan ka ata e." sarkastiko kong tanong.

"Oh? Says the girl na umalis ng walang paalam." sarkastiko niyang sinabi. "Kinalimutan mo lang kami."

Bigla siyang tumalikod kaya tinignan ko muna si Sean at sina Tita Mia na sila muna ang bahala sa mga anak ko. Kakausapin ko lang si Mishy. Nakasunod naman sa kanya sila Kylle.

Suminghap ako at pinuntahan muna sila sa garden. I sighed heavily when I saw Mishy stared out of nowhere habang kinakausap siya nila Lira at Maxine. I know na nagtatampo siya. I mean sila.

"I'm sorry." lumapit ako sa kanila. "Alam kong hindi magiging sapat ang sorry ko pero sana ay naiintindihan niyo ako."

"What's the purpose of our friendship kung hindi ka magsasabi?" Lira sounded so hurt. "Nawala ka lang naman na parang bula."

"I'm sorry, I'm sorry. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ako sa lahat ng nangyayari." naiiyak na ako. "Hindi ko kayang sabihin kasi nga ayokong maging malaking abala sa inyo."

"Anong abala?" kumunot ang noo ni Kylle. "Kailanman ay hindi ka naging abala sa amin."

Napakagat-labi ako dahil hindi ko alam kung paano ko lulusutan 'to. Sana dumating din 'yong time na mapatawad nila ako. I really hope so.

"Out of the topic." si Maxine naman ang nagsalita. "You came back here in Manila. Is this mean na your staying here for good? Kayo na ba ulit ni Sean?"

Marahan akong ngumiti. "I don't know yet. But about me and the father of my children, we are nothing. Matagal na kaming tapos at hindi ako bumabalik sa nakaraan. Masaya na ako."

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon