40
"Hindi na ba talaga maaayos?"
Sumimangot ako sa tanong na naman sa akin ni Maxine. Hindi ko tanda kung pang-ilang beses na niya itong tinanong sa akin. Maybe because she wants me to not left behind. Masaya sila habang ako, kumplikado.
Ginusto ko naman 'to kaya papanindigan ko.
Alam ko na nagtatampo pa rin ang mga kaibigan ko sa akin pero nagpaliwanag naman ako sa kanila. Sana maintindihan nila ako. I am willing to wait hanggang sa maging okay na sila at kausapin na ulit ako.
Maghihintay lang ako.
"Kung tungkol sa pagkakaibigan natin, umaasa ako." nagkibit-balikat ako. "If nagtatanong ka naman kung maaayos kami ni Sean. Hindi. Ayos na kami sa co-parents set up. After all, responsibilidad niya ang mga bata."
"Buti naisip mo 'yan."
I rolled my eyes at her ng makita ang dissapointment sa mga mata niya na parang nanghihinayang siya sa amin. What's the used of relationship kung hindi naman kami masaya? Hindi naman kasi kami katulad nila ni Josh. Pinaglaban siya ni Josh eh kaya malamang masaya sila!
I know she is very fan of happy endings pero kasi the real definition of 'happy ending' is not having the man you love beside you with so much unrequited and unreciprocated issues. Ang ending pa rin is hiwalayan. Kawawa 'yong mga anak.
Kapag hindi na, hindi na talaga.
Katulad lang kapag nakabasag ka ng transparent glass na gawa sa babasaging material. Kapag nabasag 'yan, hindi na mabubuo unless kung palitan mo ng bago.
"Kung nanghihinayang ka sa aming dalawa ni Sean, hanapan mo siya ng ka-date." inirapan ko siya.
"Sure ka?" tukso niya pa. "Kaya mo?"
"Oo naman! As if mahal ko pa 'yon!" ngumiwi ako. "Matagal ko ng binaon sa limot 'yong sa amin."
"Baka naman confuse ka lang?"
"Ba't mo ko pinipilit?" sinamaan ko siya ng tingin. "Kahit pa ibalandra niya sa akin ang babae niya, okay lang sa akin. May anak lang kami pero hindi ko siya pinilit para panagutan niya. Nandito lang siya para sa mga bata kaya I don't prohibit him when it comes on dating girls. Desisyon niya 'yan, hindi sa akin."
"Eh paano ka naman?" pang-aasar na naman niya. "Magiging matandang dalaga ka na lang, Madam Aviegail?"
"Kuntento na ako sa mga anak ko." untag ko. "At tsaka kung darating man ang lalaking para talaga sa akin, darating siya. Hindi na ako hahabol, maglalakad na lang ako."
"Oy! Self love siya oh!" pumalakpak siya. "Mabuti at may self-preservation ka din 'no? Napag-aralan ba natin 'yan sa Architecture?"
"Hindi ko tanda pero sa Art Appreciation ko lang alam 'yon. Self preservation painting?" napakamot ako sa ulo ko. "Tama ba 'yon?"
"Gaga! Fresco 'yon! Self-portrait! Sabog ka ba?" binatukan niya ako. "Oh! May reunion pala tayo! Nakalimutan ko! Geez!"
"Saan?" kumunot ang noo ko. "Ateneo?"
"Oo! Sa Riala daw gaganapin. Sama ka na." kumindat siya. "Alumni naman tayo doon."
"Walang magbabantay sa mga bata."
"Aba! Si Sean!" inirapan niya ako.
"Eh Alumni din 'yon eh!" kinaltukan ko siya. "Kayo na lang."
Suminghap siya at hindi na lang pinilit na isali ako. Hindi ko kasi alam kung makakapunta ba ako o hindi. Sila na lang siguro pero mas magtatampo sa akin ang barkada kung hindi ako pupunta.
I should settle things muna for the better. Kailangan ko 'pang kausapin si Sean for closure. Napag-isipan ko na 'tong mabuti kagabi. Nasa forgiving stage na ako, paunti-unti naman kasi ay natatanggap ko na.
Sana maging okay ang lahat. Sana maging okay ulit kami. Balik sa dati. Magkaibigan kami.
We stayed at Sean's parents for a while habang naghahanap kami ng bahay. Gusto ko kasi na may sarili na kaming bahay dahil lumalaki na din ang mga bata. Hindi ko sila sa-sanayin sa condo unit.
Mabilis naman kaming nakahanap ng subdivision kaya hakot gamit agad kami. Tsaka na lang siguro ako magpapagawa ng bahay kapag malaki-laki na ang mga bata dahil hindi ko pa kayang mag-manage ngayon at alam ko rin naman na busy si Sean sa buhay niya kaya hindi ko na siya aabalahin.
Pinabantayan ko muna kay Seb ang kambal habang nandito kami sa bahay na lilipatan namin. Napansin ko na ang dami-dami ng nagbago sa amin. We grow up individually at sure ako na marami kaming natutunang learnings sa buhay na magagamit namin in near future.
"I want us to talk, Avi. I hope It's okay."
Natigilan ako sa pag-check sa gamit ng mga bata ng kausapin ako ni Sean. He is leaning on the wall while looking at me intently. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Inaya ko siya sa terrace kung saan tanaw na tanaw namin ang buong Metro Manila dahil nasa second floor naman na kami. Nagsalin ako ng champagne sa dalawang wine glass at binigay sa kanya ang isa.
"Ang dami na din ang nagbago 'no?" panimula ko. "Ang Manila lang talaga ang hindi nagbago kasi polluted pa rin."
"Like what?" nilingon niya ako at bahagyang ngumiti. "Anong nagbago?"
"Ikaw, tayo?" tumawa ako. "Ang successful na natin. I can't believe that we will end like this na masaya tayo kahit hindi naging tayo. Alam mo 'yon?"
"I want us to seek for a second chance, Avi. Pangalawang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko sa'yo." namumuo ang luha sa mga mata niya. "Itatama ko ang lahat. Please."
"Sean."
"Alam ko naman na nasaktan kita, Avi. May mga anak na tayo, I don't want them to grow with a broken family." he voiced out. "Gusto kong lumaki sila na kumpleto tayo katulad namin."
"Will you still push us to be in relationship for the kids? Hindi ba masyadong unfair tayo sa mga bata? This is all settled. Ayos naman na tayo na co-parents na tayo ng kambal eh." paliwanag ko. "We can be the best parents even tho we are not married, being a parent doesn't mean to have a lifetime promise. It's a responsibility to guide them in good times and bad times. Hindi tayo magpapakasal at magkakabalikan para lang sa mga bata. And I know that you will find a right girl for you in the future. A girl that can give you a happy family. Hindi ito. Hindi ako."
"So you're giving up on me. You already give up on us." mapait siyang napangiti sa kawalan. "Nasaktan nga kita ng sobra kasi hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako napapatawad."
"Ang tanging koneksyon na lang natin sa isa't isa ay ang mga bata, Sean." marahan kong pahayag. "As long as you do your responsibility and obligation to our kids, ayos na sa akin 'yon. I don't have a control on your decision. You can date girls as long as you want. Be happy. I always pray that for you."
"Is the second chance that I want is really hard to accept, Avi?" mahina niyang tanong. "B-But if you insist, I guess this is our closure. Ito lang 'yong magpapatahimik sa atin. I guess we need this conversation."
"Hindi lahat nabibigyan ng second chances." napayuko ako. "Minsan mahirap ibigay o hindi kaya ay hindi talaga kayang ibigay. Naniniwala naman ako na makakahanap ka rin ng babaeng para sa'yo. At hindi ako 'yon. Sana ito na ang huling beses na pag-uusapan natin ito. I hope you won't open this topic again."
"Avi."
"Thank you." I said sincerly. "Thank you for making me happy in a short time. I hope someday we'll be happy even if not in each other's arms."
"Pwede ba kitang mayakap?"
Tinakbo ko ang distansya namin at niyakap siya ng mahigpit. I am thankful na minahal ko siya sa kabila ng ginawa niya even we didn't ended up together. I will promise that we will be the best parents of the twins even tho we can't be together as couples. We can be as friends naman.
"Grabe naman 'yon." nagpunas ako ng luha ko dahil sa nag-uumapaw na emosyon bago ako kumawala sa kanya at nilahad ang kamay ko. "Friends?"
He hold my hand softly as he accept it. "Friends."
BINABASA MO ANG
Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)
RomanceManila Avenue Series #1 Aviegail Castuares from Ateneo De Manila University BS-Architecture dream so high to be the most popular and knowned architect of all. Her dreams is only two. One is being and architect and two is owning his heart. What if he...