27
Nagising ako ng may humalik sa pisngi ko. I smiled at him widely ng magtama ang tingin namin. Spiel hugged me tightly and says his 'Good morning' to me.
Wala si Sean pagkagising ko and I don't know where is he. Maybe he is in work now? Iniwan na naman niya ako. Nevermind. Aasikasuhin ko na lang si Spiel para mahatid ko na siya sa school.
"Nasaan si Daddy, baby?" I asked him kahit may alam na ako.
"He's going to work na po eh." ngumuso siya. "Nagmamadali kasi siya, Mommy."
I sighed heavily. "Spiel? Do you know who is your real Mom?"
Hindi ko alam kung bakit ko natanong 'yon sa kanya pero kusa ko lang 'yong natanong. I know this is inappropriate pero alam kong may alam siya about Freya. His mother and Sean married each other.
Malungkot siyang napatunghay. "I don't know po eh."
Napayuko ako dahil sa lungkot na nakikita ko sa kanya. I cheered him at ginulo ang buhok niya. I managed to change the topic at sinabayan siya ng breakfast.
After I send him to school ay dumaan muna ako sa starbucks para bumili ng frappe. I get my wallet at papunta na sana sa counter ng may nabangga akong pamilyar na babae.
"Aviegail?" nanlaki ang mata niya sa gulat.
"Kiassen?" gulat na tanong ko. "Y-You're here..."
"Ay oo! Hi! Kamusta ka na?" ngumiti siya at minuwestra ang vacant table. "Can we atleast talk?"
"Sure." tumango ako.
Naghintay kami sa order namin na frappe at cheesecake. Matapos 'yon ay ramdam ko na hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko alam pero parang may gusto siyang sabihin sa akin.
Hindi ko siya naiintindihan.
"I'm sorry." she started. "Ang dami kong mga kasalanan sa'yo. And I want you to know the truth. Sorry kasi ngayon lang ulit tayo nagkita."
"Kiassen..." hinawakan ko ang kamay niya. "Ano ang totoo?"
"Hindi ko alam kung saan magsisimula pero gusto kong sabihin sa'yo na piliin mo kung saan ka maging masaya. You deserve the truth." marahan na sambit niya.
"Anong ibig 'mong sabihin, Kia?" mahinang tanong ko.
"Alam kong hindi mo na ito naaalala at alam ko rin na pilit nilang tinatago sa'yo ang lahat but I am here... This time, I want to spill the truth about what happened years ago." napayuko siya. "Y-You tried to kill yourself. Nag-suicide ka years ago. Hindi namin alam ni Seb kung anong nangyari pero alam ng lahat na patay ka na Avi. At ako... When we are in the funeral home, you are awake pero nanghihina ka. Hindi mo din ako naaalala. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan 'mong sakit dahil ramdam ko rin 'yan sa piling ni Seb. Iyong pagkaisahan ng lahat."
I saw a single tear rolling in her eyes. Naaawa ako sa kanya pero mas naaawa ako sa sarili ko kasi pinagmukha nila akong tanga sa harap ng maraming tao. I tried to suicide? Para saan? At para kanino? Bakit ko ginawa 'yon? Why did I tried to kill myself?
"B-Bakit?" gulong-gulo ng tanong ko.
"It's because of Sean. You tried to kill yourself kasi hindi mo matanggap na sila na. Na ikakasal na sila. And after that suicide of yours, pinagpatuloy pa rin nila ang kasal nila. It's sounds so unfair to you kasi this time, bumalik ka ulit sa kanya. At parang wala lang nangyari?" paliwanag niya. "Ang unfair sa'yo kasi hindi niya sinabi 'yong totoo sa'yo."
Humikbi na ako. "Niloko nila ako... S-Sabi niya... M-Mahal niya ako..."
Walang sinabi si Kiassen, nag-iwas lang siya ng tingin sa akin dahil kita sa mukha niyang naiiyak na din siya. Hindi ko alam ang emosyon na nararamdaman ko dahil dama ko 'yong sakit at pait dahil sa nalaman ko.
Kailan niya pa ako niloloko?
"Pareho tayong dalawa na umasa at naloko kaya mas minabuti kong ipaalam sa'yo habang maaga pa kasi habang tumatagal, mas suma-sakit. Ayokong matulad ka sa akin na mas naging mahina. Minsan naiisip ko, nagkulang ba ako? Saan ako nagkamali? What did I do to have this pain in my system? Sana ako na lang 'yong nauna pero hindi eh... Akala ko... Akala ko... Mahal niya ako eh." humikbi ng humikbi si Kiassen. "K-Kasi kung mahal niya ako, handa niyang isuko sa akin ang lahat. Ipaglalaban niya ako pero mali ako. Mali ako, Aviegail. Kasi alam mo? Mas pinili niyang magsinungaling sa akin kaysa sabihin ang totoo! Hindi na lang niya sinabi na... Ayaw na niya kasi may pumalit na... Na may mas nangibabaw na. I-I shouldn't hurt like this kasi panghuli niya lang akong nakilala pero ang sakit eh. Tangina, ang sakit-sakit."
"Kiassen." niyakap ko siya. "Shh, tahan na."
"Bakit kailangan niyang magsinungaling kung may mahal na siyang iba? Bakit kailangan niyang manlamig kung napapagod na siya?" umiiyak na siya. "Tangina. He knows that I hate fucking liars... And the worst part of the story is? He got her pregnant."
Mas naluha ako sa sinabi niya ngayon dahil I am trying to put myself to her... Dahil napagdaanan ko 'yon. If I don't have an amnesia ba ay makikita kong nagdadalang-tao si Freya sa anak nila ni Sean?
Realization hits me when I remember their wedding picture. Nandoon pa rin 'yon sa kinalalagyan. It wasn't big deal to me pero ngayon ay unti-unti na akong binabalot ng poot at galit kasi ramdam ko na si Freya pa rin. Kami na pero hanggang ngayon, nandoon pa rin 'yon.
Bakit kailangan nila akong lokohin?
Mas niyakap ko lang ng mahigpit si Kiassen dahil hindi ko na kayang magsalita dahil baka hindi ko kayanin. Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit ngayon ko lang na-realize na ang lahat ng pinapakita niya sa akin ay pakitang-tao lang?
Mahal niya ba talaga ko?
Hindi. Alam ko na 'yon ang sagot. Hindi niya ako mahal. Kailangan niya lang ako.
I am just an option to him. Hindi naman niya talaga ako mahal. Mas mahal niya ang sarili niya. Ang pamilya nila ni Freya. Sino ba naman ako?
I keep on asking myself. Saan ako nagkamali? May dapat ba akong baguhin? Pwede 'bang kahit isang saglit lang, mawala ulit ako? Mas gugustuhin ko na lang na hindi makaalala kaysa malaman ko ang lahat ng mga tinatago nila sa akin.
Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya pero bakit kailangan niyang magsinungaling sa akin? Bakit pakiramdam ko ay ginamit niya lang ako para sa pangarap niya at sa pamilyang pilit niyang binubuo?
Why do he need to use me as the face of the crowd?
BINABASA MO ANG
Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)
RomanceManila Avenue Series #1 Aviegail Castuares from Ateneo De Manila University BS-Architecture dream so high to be the most popular and knowned architect of all. Her dreams is only two. One is being and architect and two is owning his heart. What if he...