28

1.8K 40 5
                                    

28

"Are you okay?"

I was stunned when I saw Sean infront of me. I bet kagagaling niya lang sa site dahil dala pa niya ang blueprint at bag niya. Kumunot ang noo niya ng pasadahan ako ng tingin.

Gustong-gusto ko siyang tanungin at komprontahin. Ginamit niya lang ba ako dahil nandito ako? Hindi niya ba talaga ako kayang mahalin?

My self worth is now invaded. Sirang-sira na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung paano at kung saan ako magsisimula. Pinaniwala nila akong ayos lang ang lahat pero hindi. Nagsinungaling siya sa akin.

"Ayos lang." malamig kong sagot sa kanya.

Naupo siya sa tabi ko at niyakap ako mula sa likod. Bakit parang okay lang sa kanya? Bakit parang masaya siya na niloloko niya ako? Masaya ba siyang nasasaktan ako ngayon?

All of my life, wala akong ginawa kundi ang mahalin siya. At oo na, inaamin ko na mahal na mahal ko siya pero paano ako? Paano ang sarili ko? Bakit parang hindi ko kayang mawala siya?

Masakit maloko lalo na sa taong mahal na mahal mo. Hindi... Hindi ko na kayang magtiwala ulit sa kanya. Ang dami-dami kong duda na baka kapag tumalikod ako, may babae siya. Kasi diba? Hindi naman niya ako mahal? Kahit kailan hindi naman niya ako minahal.

Masakit pero iyon ang totoo. Ang totoong nagpapabago sa isip at puso ko kung ipagpapatuloy ko pa ba 'to o hindi na. Should I stay o bitawan ko na lang siya?

"I love you." dama ko ang paghalik niya sa balikat ko. "And I miss you, Isla."

"Avi." pagtatama ko. "First name basis tayo, Sean."

Nanlaki ang mata niya. "N-Naaalala mo na?"

Napayuko ako at tumango lang. I told him na naalala ko lang ang pangalan ko ngunit hindi ko naaalala kung sino ba talaga ako. I saw relief on his eyes when I told him so. Wala ba talaga siyang balak sabihin na niloloko lang niya ako?

Mahirap magtiwala ulit. Ayoko ng magtiwala ulit. Nanatili lang ako sa kanya dahil mahal ko siya. Hanggang dito na lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya.

As time flies so fast ay pansin kong lumalayo na ang loob namin sa isa't isa. Sa araw-araw na umaalis ako at siya ay nagdududa ako kung nasaan siya. Baka may iba siya? O baka naman ay niloloko na naman niya ako?

"Saan ka galing?" tinaasan ko siya ng kilay ng makapasok na siya sa bahay. "Gabi na ah?"

"Sa trabaho." matipid niyang sagot.

Hinila ko ang kuwelyo ng sleeve niya at amoy na amoy ko ang alak sa leeg niya. Binitawan ko siya at sinamaan ng tingin. Nakita kong nakasilip si Spiel sa amin mula sa hagdan. Naiiyak na siya ngunit mas pinagtuunan ko ng pansin ang ama niya.

"Sa trabaho o sa babae mo?" galit na tanong ko. "Ano ha? Ilang beses mo akong dapat lokohin?"

"Aviegail! Hindi kita niloloko! Alam mo 'yan!" tumaas na din ang boses niya.

"Huling-huli na kita eh! Bakit mo ba kasi pinipilit kahit tama ako? Ano? Nag-enjoy ka ba sa babae mo? Masarap ba siya!?" tinulak ko siya.

"Bakit ka ganyan, Avi?" wala sa sariling tanong niya sa akin. "Wala ka 'bang tiwala sa akin ha?"

Tiwala?

Matagal ng wala ang tiwala ko sa kanya. Sinira niya 'yon. Simula ng lokohin niya ako, hindi ko na maramdaman na may tiwala pa ako sa kanya. Ang layo ko na sa kanya. Pakiramdam ko, nagkakasakitan na lang kami eh.

"B-Bakit parang nanlalamig ka na?" mahina niyang tanong sa akin. "Avi, sabihin mo. May nagawa ba akong mali?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala, Sean."

"Pagod ka lang ba talaga o nagdududa ka sa akin?" hinawakan niya ako sa magkabilang-balikat. "May nagawa ba akong mali? Itatama ko 'yon, please."

Malamig ko siyang pinasadaan. "Wala, pagod lang ako."

Iniwan ko na siya doon, I saw Spiel who's leaning in the staircase. Malungkot niya akong tinignan kaya ginulo ko ang buhok niya. Hindi ko na ata kayang pakisamahan si Sean. Habang tumatagal, mas lalong sumasakit. Ang sakit-sakit.

Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho at doon nadatnan ko sila ni Mishella. Simula ng malaman ko ang totoo ay lumayo na ang loob ko sa kanila. Nasasaktan ako kasi hindi man lang nila sinabi sa akin ang totoo.

"Aviegail." tawag sa akin ni Kylle. "Alam mo na ba ang totoo? Sorry."

"Alam niyo naman pala noong una pa lang." sarkastiko akong tumawa. "Ngunit mas pinili niyong ilihim sa akin. Kaibigan ko kayo pero niloko niyo din ako."

"It's not that we imply, Avie! We are trying on protecting you. Alam mo 'yan." Mishy grimaced. "Ilang beses kitang pinaalalahanan na tama na?"

"Make him fall inlove with you deeply, Aviegail." Lira stated. "Tsaka mo na lang siya komprontahin kung hindi ka na niya kayang bitawan dahil paniguradong bibitawan ka niya kapag nalaman na niya ang totoo na nakakaalala ka na."

"Ilang detalye lang at siya." mapait akong napangiti. "Mahal na mahal ko siya at sobrang sakit sa parte ko na mas mahal pa rin niya ang yumaong asawa niya kaysa sa akin."

Suminghap ako at nag-iwas ng tingin dahil ayokong makita nila na nasasaktan ako. Hindi, Aviegail. Masyado kang maganda para maghabol at umiyak sa isang lalaki. Ikaw 'yong nandito, ikaw ang paniguradong pipiliin niya.

Hindi niya man ako pipiliin, sisiguraduhin kong masasaktan siya sa gagawin ko.

Ginusto kong magkaayos kami matapos ng mga ganap na 'yon. Sinubukan kong ibaon sa limot ang lahat ng kasinungalingan niya kasi alam ko na ginamit niya lang ako. Nandito ako kasi kailangan niya ako at ng anak niya.

Hindi ako galit kay Spiel at kay Freya dahil alam kong wala naman silang kasalanan sa lahat. Nagmahal lang naman si Freya at pinili siya ni Sean.

Ang swerte niya.

Simula ng magkaayos kami ay palagi ko ng binabantayan si Sean. Hindi ko lubos maisip na nandito siya sa museum ng asawa niya tuwing weekends. Mabuti sana kung buhay ang kakompetensya ko kasi may pag-asa akong manalo eh pero ito? Kalaban ko ang ala-ala ng asawa niya.

Araw-araw ay palagi kong pinagdadasal na sana ako naman. Na maranasan ko kahit minsan ang sumaya sa piling niya pero bakit parang mas kumukomplikado ang lahat? Dahil ba wala na akong tiwala sa kanya o dahil napagod lang ako?

I saw him cried in her grave as he touched her tomb. Wala na pala siya. She died giving birth to Spiel dahil may sakit siya sa puso, bukod pa doon ay hindi niya kinaya ang panganganak kay Spiel.

Napagtanto ko na mahirap pa lang magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba kasi panakip-butas ka lang talaga o sa mas madaling salita, rebound. Nakakapagod pero nagbabaka-sakali pa rin akong baka balang araw ay ako na.

Na ako na lang 'yong piliin niya. Ako na lang ulit dahil ako naman 'yong nauna sa amin ni Freya. Mahal na mahal niya ang babaeng 'yon. Hindi ko na alam kung saan dapat akong lumugar sa puso niya.

I'll make him fall inlove with me. Makakalimutan niya din si Freya.

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon