05

2.8K 53 1
                                    


05

"Gising na! Sebastian ha!"

Napabaliwas siya sa pagkakahiga. Nakakaawa naman, mukhang galing pa siya sa rounds at OJT niya. Wala ata siyang sapat na tulog at pahinga. Ganoon ba kahirap talaga ang pagiging isang nursing student?

Well my course is hard too. I cried a lot of furstration dahil sobrang nahihirapan ako especially sa pag-aaral sa History of Architecture. Ni hindi ko nga alam kung bakit uno ako. Basta ang alam ko lang, I always do my best. Kasi pangarap ko 'yon.

I know most of the students ay pasuko na dahil sa hirap ng course, dagdag pa ang problema sa pamilya. Walang madaling kurso, lahat ay sobrang hirap. Well being an Arki student is very hard. Based in experience.

"May klase ka ngayon diba? Prelims niyo." paalala ko pa sa kanya.

"Putcha! Anong oras na ba!?" nagulantang siya kaya napalakas ang boses niya.

"Bakit kayo nagsisigawan?" kumunot ang noo ni Sean na papunta sa gawi namin.

Kinuha ko ang duffel bag at blueprint ko. "I have to go na, Seb. And well? Sean? Mauuna na ako sa inyo."

"Ihahatid na kita. Sumabay ka na sa akin." presinta niya naman.

Alam kong gusto niyang makipag-ayos sa akin pero natatakot siyang kausapin ako. Ako din naman, gusto ko ng ayusin 'to. Ayoko ng ganito eh. Ang tanong. Kaya ko ba?

"Sige, maghintay lang ako sa loob ng kotse." naglakad na ako paalis sa gawi nila.

Naalala ko na engagement na pala nila next week. Siguro hindi na lang ako a-attend. Pupunta naman kami sa Coron at wala akong balak na bumalik agad. And we are in semestral break pa naman e.

"Freya postponed our engagement." malungkot siyang ngumiti sa akin. "May problema pa kasi ang pamilya nila. She wants to settle it first."

"Okay?" I shrugged. "And?"

"Baka next month na lang siguro." napayuko siya. "Naiintindihan ko naman siya."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nalulungkot ako kasi nagkakaganiyan siya. He really loves that Freya girl. Hindi naman siya magkakaganyan kung hindi e.

Buong durasyon ng lecture ay nakanganga lang ako sa harap. Mabuti na lang at may pumapasok pa rin sa kokote ko habang nag-lecture si Prof. Masyado akong pre-occupied sa lahat ng nasa isip ko.

"Sa cafeteria tayo, Avi." anyaya ni Lira. "Gutom ka na ba?"

"Ha?" wala sa sariling na tanong ko.

"Ayos ka lang?" tanong naman sa akin ni Maxine.

"Oo." matipid kong sagot.

"Ah, chika ka mamaya ha. Awit naman. Hindi kaya tungkol na naman 'yan sa---"

"Tara na." hinila ko na si Mishy.

Naglakad kami papunta sa JSEC kung saan ang bilihan ng pagkain namin dito sa Ateneo. Nadaanan namin ang Skyhigh. Sobrang ganda talaga dito. Gusto kong tumambay na lang dito palagi pero sabi nila ay bawal daw. Edi bawal!

"Postponed 'yong engagement." balita ko sa kanila.

"Oh?" nagtaas naman ng kilay si Lira. "And? Are you happy now?"

"Bakit naman ako magiging masaya, aber?" tinaasan ko siya ng kilay. "Eh sa nalulungkot si Sean. Eh ano pa ba ang mararamdaman ko?"

"Ah so kaya ka wala sa sarili kasi malungkot ka para sa kanya? Dinadamayan mo siya? Ganoon ba?" tinaasan ako ng kilay ni Maxine. "Putcha. Ang tanga-tanga!"

I just sighed. "Masisisi niyo ba ako? Mahal ko siya. Mahal ko si Sean!"

"Ang tanong, mahal ka ba?" mahina ngunit mariin na boses ni Lira. "Don't settle for less, Avi. Matalino ka. Gamitin mo 'yon pagdating dito. Wag puro puso."

Natahimik ako dahil oo, may punto siya. Tama sila. Walang labis at walang kulang silang nagpapaalala sa akin. Nagmahal lang naman ako at nagpakatanga e. Mahal ko si Sean. Sobra.

Gusto ko lang naman na sumaya e. Mahirap ba 'yon? Gusto kong siya na lang 'yong ibigay sa akin pero hindi naman pwede. Sobrang hirap na hirap na talaga ako. Hindi ko na kaya talaga 'to. This time.

No, Aviegail. Kaya mo. Kaya mo pa. Kayang-kaya pa.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Seb na malungkot na papalapit sa akin. Bakit ba problemado ang mga tao ngayon? I think Seb is having a problem. Halata na nga e.

"Are you okay?" I raised my brows.

"Hiwalay na kami ni Angelica." malungkot siyang napatunghay. "Masaya naman kami e. But as months past by. Nanlalamig na. Nakakawalang gana na. And well the usual. We decided to parted ways."

"Shhh." niyakap ko siya. "Okay lang 'yan. Iiyak mo lang."

"Nakaka-guilty kasi noong naghiwalay na kami, may na-realize ako. She is not her anymore. May iba na dito." tinuro niya ang puso niya. "I used to loved her, nalulungkot lang ako kasi nakita ko sa mga mata niya na ayaw niya 'pang bumitaw sa akin."

"And why are you..." I sighed heavily. "Let her go?"

"Ayoko munang pag-usapan." mahina ang boses niya.

"Naiintindihan kita." ngumiti ako bago ko siya hinawakan sa kamay. "Cheer up na nga!"

Aayain ko na sana siyang uminom pero tumanggi siya kaya we ended up na lang sa samgyupsal malapit sa España. Kumain kami ng streetfoods para ma-cheer up kaming dalawa. Pareho kaya kami ngayon. Brokenhearted. Geez.

"Ang ganda talaga dito 'no?" si Seb naman na nakaupo na ngayon sa tabi ko. "Ang ganda talaga ng UST."

"Sana naisip ko agad itong school na ito as one of my prospect e." tumatango-tango ako sa sinabi ko. "Ang ganda dito kapag gabi na. Maraming ilaw. At maliwanag. Ay oo nga! Malapit na ang paskuhan! Putcha! May concert!"

"Geez. Dapat na siguro akong maging Thomasian para feel ko ang paskuhan." tumawa na siya. "Baka nandito na talaga 'yong babaeng para sa akin at wala talaga sa Ateneo."

"Ang panget ka-bonding ng mga taga-UST." humalakhak ako. "Atleast hindi kami ghoster katulad nila ha!"

Ngumiwi siya at binatukan ako kaya ginulo ko ang buhok niya. I gave him my ice cream na kinain naman niya agad. And now I see myself happy. Nakalimutan ko 'yong problema ko kahit konti.

Naglakad-lakad lang kami dito sa may lovers lane. Nakakainggit naman sila. Wala talagang single dito ha? Ang unfair! Kung hindi ko lang kasama si Seb ay baka OP na ako dito. Langyang lugar 'to.

I was about to go somewhere ng makita ko ang pamilyar na pigura ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Nakatingin lang siya sa gawi namin. Malungkot ang mga mata niya na parang naghahanap ng kakampi. Oh my goodness! What is happening!?

And why is he here?

I stopped midways when Seb is now smiling with me. May dala na siyang teddy bear ngayon na hindi ko alam kung saan niya nakuha. It's so cute! And he also have flowers too!

"Masyado kang maganda para maging malungkot." binigay niya sa akin ang bear at flowers. "You shouldn't be."

And this time, napangiti ako.

Ngumiti ako at niyakap siya. "Thank you so much for this, Seb."

This is the first tims that someone gave me some flowers. First time mo 'to, Aviegail!

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon