Epilogue 1

3.4K 61 18
                                    

Epilogue 1

ILANG TAON na din ang lumipas simula ng maging maayos kami ni Sean. Hindi man katulad ng dati pero nagkakasundo kami kapag tungkol na sa mga bata. Nakikita ko naman na masaya ang mga bata at lumalaki silang magalang sa mga matatanda. Iyon lang naman ang gusto ko. Iyong maging mabuting tao sila at maging magalang paglaki.

They are now five years old at nag-aaral na din sila ng grade school. Hindi man kami katulad ng ibang pamilya na nakatira sa iisang bahay at kasal kami ng Daddy nila ay hindi naman kami nagkulang ni Sean sa pagmamahal sa kanila.

"Mommy! Daddy's here!" I heard Sam giggled when she saw me.

"Coming!" I answered her.

Kadarating ko lang galing trabaho at medyo pagod ako ngayon dahil bumisita kami sa site kung saan kami naasign. Medyo malayo pa ang byahe ko dahil galing akong Batangas kasama si Christina.

"Mama!" sinalubong ako ng yakap ni Sachika. "I miss you, Mama!"

I kneeled infront of her. "Papa's here, baby?"

"Yes, Mama. He's with his girlfriend tho." she said innocently.

Ngumiti ako. "Okay! Let's go na?"

"Yes, Mama!" she held my hand and walk with me.

Tuluyan na kaming nakapasok sa kitchen area, naabutan ko sila ni Sam, Sean at ang girlfriend niyang si Eunice. Oh! She's the secretary of him pala. She's beautiful tho.

Binati ko ang anak at hinalikan sa pisngi pati din si Samantha, I also greet Sean and Eunice who are holding each other's hand at tinuturuan siya kung paano mag-chop ng garlic. Napailing na lang ako sa kanila.

Rich kid problems!

"Pasyal ko muna mga bata, Sean." naupo ako sa tabi ni Sachika. "Jolibee lang kami."

"Huh? Alis na kayo?" si Eunice naman. "Avi, dito ka muna please! Papaturo ako magluto ng pancakes please!"

"Oh sure! Pwede 'bang pagdating ko? Papasyal ko pa sana 'yong mga bata. Nakakuha kasi sila ng mataas na grades." marahan akong ngumiti sa kanya.

Mukhang naiintindihan naman ako ni Eunice kaya pinakawalan na nila ako. Iniwan ko na sila sa unit, binilin ko naman sila na i-lock ang condo if umalis na sila.

Gusto ko sanang mag-drive thru kami pero pinilit ako ng kambal na pumasok sa Jolibee kaya sinamahan ko na lang sila. We orderd a bucket of chicken joy and chicken wings. Marami pa kaming in-order like spaghetti, float, fries at marami 'pang iba.

"Mama?" tawag sa akin ni Sachika habang nakatingin sa harap at tinitingnan ang magkakapamilya na sabay pumasok sa restaurant.

"Yes, 'nak?" agad kong sagot.

"Diba kapag may Mama po is dapat may Papa po diba, Mama?" tinignan niya ako.

"Oo nga, Mommy." kumunot ang noo ni Sam. "Mommy complete naman kayo ni Daddy pero why po may girlfriend siya? Hindi ko kasi maintindihan, My. Sabi mo we understand po pag-grow na kami po pero gulo po eh."

"Anak, ganito kasi 'yan." suminghap ako. "Mommy and Daddy's here for you twins. Hindi naman ibig sabihin na porket may girlfriend si Daddy is hindi na kayo love. Syempre, love na love kayo ni Daddy katulad ng love ni Mommy sa inyo."

"My, inaaway kasi kami sa school." sumimangot si Samantha. "They keep calling us 'putok sa buho' po."

"Kakausapin ko ang prefect niyo, 'nak." malambing na sambit ko.

Nagkatinginan sila at sabay na tumango. Hindi lang isang beses na nagsumbong sa akin ang kambal sa tuwing inaaway o inaasar sila kundi maraming beses. Palagi ko naman pinapaintindi sa teacher o hindi kaya kinakausap ko ang mga kaklase nila about sa mga anak ko na sana hindi nila 'yon gawin o aasarin.

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon