25

2K 41 4
                                    

25

"Kayo na? Why is it so fast?"

Nilingon ko si Lira na nag-aalalang tumingin sa akin. Nalilito din ako sa inasta niya. What did she mean? Bakit pati si Lira ayaw kay Sean? May nagawa ba si Sean na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kayang patawarin?

Hinawakan niya ang kamay ko bago siya ngumiti ng marahan. I can't read her emotion pero nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin at pagpipigil sa gusto ko. Hindi ko sila maintindihan. What is it seems like...

"Is something wrong, Lira?" nag-aalala na din ako.

"I know you will hate me for this." huminga siya ng malalim bago siya nagsalita. "Hindi siya nakakabuti sa'yo, Isla."

"Hindi kita maintindihan." umiling ako. "Ipaintindi ninyo sa akin kasi gulong-gulo na ako. Bakit pinipigilan niyo akong lahat? Ano 'bang meron?"

"It's not my story to tell kahit matagal na kitang kaibigan, Isla." may malalim na ibig sabihin ang mga salita niya. "Isla, stop it. Hanggang mapigilan pa, hanggat hindi pa ganoon kasakit."

Bigla akong nahilo kaya napaupo ako sa couch, dinaluhan niya ako agad. May biglang sumaging ala-ala sa akin pero malabo lang 'yon. Hindi ko na talaga maalala.

"He told me, mahal niya ako." I defended Sean from Lira. "H-He told me that... Hindi siya m-magsisinunggaling sa akin, Lira."

"Why are you so sure about that thing?" mapait niyang tugon. "And why are you so sure that he is not lying at all? Pinapaikot-ikot ka lang niya. Ginagamit ka niya kasi nandiyan ka."

"D-Don't talk to him like that, Lira." nanghihinang usal ko. "He's not lying."

May biglang pumiga sa puso ko. I feel a sudden pang on my chest. It's like an acid dripping on my system. Sa konting salita ni Lira, sobrang nasasaktan na ako.

Paano kung totoo nga 'yong sinabi ni Lira sa akin?

What if nagsisinungaling talaga siya?

Binalewala ko 'yon. That is impossible. Hindi niya kayang gawin 'yon. Mahal ako ni Sean at hinding-hindi siya magsisinungaling sa akin. Ayaw lang talaga ni Lira at Mishy si Sean kaya pinapalayo nila ako sa kanya.

Hindi ko ata talaga kaya.

I was about to defend my boyfriend against Lira ng matigilan ako sa malakas na tunog ng phone ko. Kumunot ang noo ko when I saw Ezekiela's registered number.

"Hey, Kiela!" sinagot ko ang tawag sa kabilang linya. "Napatawag ka?"

"M-Ma'am Isla? K-Kayo po ba ang k-kaibigan ni Ma'am Ezekiela? Naiwan kasi niya ang phone niya sa living area, k-kagabi pa po siya hindi lumalabas. Nagbabasag po ng mga gamit at nagsisisigaw... N-Nag-aalala po ako, Ma'am. Natigil kasi ang pagbabasag niya... Baka nakatulog pero masama ang pakiramdam ko. P-Pwede po ba kayong pumunta d-dito? Please po, papatayin ako ni Señorita Isabela kapag napahamak ang anak niya. Nag-mamakaawa po ako." napahagulhol siya sa kabilang linya.

"Shit!" mahina kong mura bago kinuha ang bag ko at iniwan na si Lira doon na nakatulala lang. "I'll be back, Lirs. Kailangan ako ni Eze."

Agad siyang tumango kaya nagmamadali akong umalis doon at nag-commute. I called her number again at ang babae kanina ang sumagot. Naiiyak na siya sa takot at pag-aalala.

"P-Papunta na ako." kinakabahan din ako. "Please call Gyro. He needs to know..."

"Ma'am, bawal po dito si Sir Gyro. Pinagbawalan ng ama ni Ma'am Eze. Mas gugulo po ang lahat. Maghihintay po ako sa inyo sa labas, Ma'am Isla..."

Nagmamadali akong pumunta sa unit ni Ezekiela. I also called Gyro pero hindi siya sumasagot. Naginginig ako sa sobrang takot ng maabot ko ang unit nila.

Sinalubong ako ng katulong ni Eze bago kami nagmamadaling pumunta sa kwarto niya. I opened it immediately at halos mawalan ako ng ulirat sa nakita ko.

No.... No!

"M-Ma'am E-Eze?"

I saw her...

Nakita ko siyang may tali sa leeg habang nakabitin sa ere...

Oh my god!

Nagmamadali akong kalasin ang lubid sa ere. Hindi ko na alam... Hindi ko na alam kung paano ko nagawa 'yon. Hindi ko kaya... Hindi ko kayang makita siya ng ganito!

"C-Call the ambulance!" I shouted and cried as I held her. Namumutla na siya.

"M-Ma'am." naginginig na tawag ng yaya ni Eze. "W-Wala na po siyang pulso... P-Patay na po---"

"Shut up! Call the ambulance! Please!" nanghihinang pakiusap ko. "Bilisan mo!"

I touch her hand, mainit pa. Maybe we are not too late to save her. Maaaring hindi pa siya matagal na nakabitin sa ere. I can't believe this.

She tried to kill herself.

Bakit ganoon? Bakit kailangan niyang magpakamatay?

We hurried in the hospital. I saw Gyro who's heading to us. Agad nagdilim ang paningin ko at sinampal siya ng dalawang beses. How dare him to go in here? At ngayon pa talaga na hindi na namin siya kailangan!?

"W-What was that?" his eyes are tired. "A-Avi..."

"Ano? Masaya ka na?" I cried again. "She committed suicide because of you! You almost killed her and the baby! A-At hindi natin alam, kung masasalba pa silang dalawa."

"What? A b-baby?" nagsimula ng manubig ang mata niya. "Avi, please. Tell me that's not true!"

"B-Baka h-hindi na din kayanin ng bata." mas naluha ako. "I saw a blood running on her thighs a while ago. S-She died in my arms... A-Alam mo ba 'yon?"

"H-Hindi..." hindi siya makapaniwala. "Hindi totoo 'yan..."

I don't have time to console him. Sinubukan kong lumapit o kahit sumilip sa emergency room. I saw the apparatus straight line. They are trying on reviving her. Naiiyak ako dahil nagsisisi ako, sana binantayan ko na lang siya.

I know she had suicide attempts dati pa. Kung hindi ko siya napigilan, marahil wala na siya. Why is she doing this? Bakit siya nagpapakatanga sa taong hindi siya kayang mahalin? Bakit niya pagkakaitan ang anak niyang mabuhay sa mundo? Why did she want to kill herself?

Ganito ba talaga kapag nagmamahal? If you really love that person ba ay hindi mo kakayanin kapag iniwan ka nila? Na mas pinili nila ang magpapasaya sa kanila kaysa sa kanya?

My head is spinning. May mga pamilyar akong bagay na nakikita. Am I hallucinating again?

Ah, maaring pagod lamang ako.

Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon