24
"Happiness is a choice. It's always been like that."
I heard someone talk on the stereo of the car. We are now heading home with Sean sa bahay nila. I was so tired of work lalo na dahil sa daming tambak na paperworks sa office. And speaking of it naman, kailangan ko 'pang i-check si Spiel. Pakiramdam ko sobra-sobra na 'yong trabaho ko, pagod na pagod ako eh.
Wala sa sarili akong napatitig sa gwapong mukha ng katabi ko, hayst! Bakit ba kapag tumitingin ako sa kanya ay lumalakas ang tibok ng puso ko? At ito pa! Kinakabahan ako ng sobra-sobra. What is the meaning of this?
Don't tell me gusto ko na siya?
"May bibisitahin ako sa site sa Bulacan, Isla." mahinahong sabi niya habang nagmamaneho. "Doon ka na muna sa bahay, kayo ni Spiel. I'll just check the site. Babalik ako agad. It's Saturday and It's family day."
Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya ako. Assuming na ba ako if sabihin ko na gusto niya rin ako? Na lahat ng evidence na pinapakita niya sa akin ay totoo? Did he love me too o baka false alarm lang 'to? Mixed signals ba? Ganoon?
He hold my hand kaya halos mapatalon ako sa gulat. Kanina pa pala siya nagsasalita pero hindi na pala ako nakikinig. Ngumiti ako at tumango lang. Hindi naman ako ganito ah? Bakit nahihiya na ako ngayon at naiilang pa?
Is this mean that I like him? Na mahal ko na siya?
"Isla." he called me softly.
"Gusto na ata kita, Sean." pag-amin ko. "S-Sorry."
Nabigla siya sa biglang sinabi ko. "A-Ano?"
"I... I like you... Nah, I love you. Hindi ko alam kung paano, kung kailan nagsimula." naginginig ako sa kaba. "Ayoko ng maghanap ng tyempo kasi mas natatakot ako habang patagal ng patagal ang lahat. S-Sana, mahal mo din ako."
"I love you too, Isla."
Nagulat ako sa biglang sinabi niya. Totoo ba? Mahal niya din ako? Kailan pa? At pareho kami ng nararamdaman? Is this freaking real!? Oh my gosh!
"T-Talaga?" bakas sa boses ko ang sobrang tuwa. "E-Edi tayo na? Ganoon?"
"Ayaw mo 'bang manligaw muna ako?" ngumiti siya. "Gusto kong---"
"Wag na! Tayo na! Boyfriend na kita!" I giggled. "I love you boyfriend!"
Ngumiti lang ulit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Ay? Walang I love you too? Ah, nevermind na nga lang! Baka nahihiya lang siyang magsabi.
Ang importante ay mahal niya ako. Geez! He loves me!
I don't know pero ramdam ko 'yong fulfillment sa sarili ko. Maybe because this is my first time to have a boyfriend tapos crush at gusto ko pa? Ah, I love him. Hindi ko alam pero ramdam ko 'yong pangugulila ko sa kanya kahit ilang buwan pa lang kaming magkasama.
I was so happy ng umuwi kami sa bahay nila. I kissed Spiel on the cheeks and greeted him. Kinarga ko siya at ginulo ang buhok niya. He giggled and kissed me on my forehead. Ang sweet ng batang 'to, hindi ko maiwasang mag-isip. Sana akin na lang siya.
If malaman ni Spiel ang lahat sana ay ayos lang sa kanya at tanggap niya ako bilang Mama niya kapag dumating ang time na 'yon. Wala na akong mahihiling pa kundi sana talaga ay kami na. Matagal ko na itong inasam-asam. Sana makasama ko sila ng mas matagal.
Bakit naman hindi diba?
"I miss you so much, Mommy." malambing na saad ni Spiel. "You always been busy sa work na po, Mom."
"Sorry, baby." ngumuso ako. "Babawi si Mommy okay? This weekend?"
"Talaga, My? Love you po!" he hugged me tightly. "Mommy! I want to go po sa mall kapag hindi na po ikaw busy!"
"Sure, anak." ginulo ko ang buhok niya. "I'll heads up your Dad."
Inayusan ko na siya pagkatapos ay tinulungan sa assignment niya before I send him to bed. Lumalalim na ang gabi and he needs to sleep early for his class. Hindi siya pwedeng ma-late. I'll fix him tomorrow.
After a while ay bumalik na ako sa kwarto ko and do my rituals at dahil hindi pa ako inaantok ay napagpasyahan kong pumunta sa terrace para magpahangin. I saw him there. Nauna pala siya sa akin.
"Hindi ka din makatulog?" panimula ko ng papalapit na ako sa kanya.
Bumaling siya sa akin at umiling lang habang sumisimsim ng kape. He's with his sweatpants na at t-shirt. Gwapo pa rin siya. Sa kahit saan tingnan.
"I'm thinking about you..." he sighed heavily. "About us, Isla."
"What's wrong? May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ko. "Sean?"
"As you can see, your friends doesn't like me." malungkot siyang tumingin sa kawalan. "Maaaring dahil may anak ako. Naiisip ko din 'yon, deserve ko ba ang isang katulad mo?"
"Why are you thinking like that?" kumunot ang noo ko. "Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na hindi ka karapat-dapat sa akin dahil may anak ka. Na may Spiel na. I love you at kasama si Spiel simula ng minahal kita. Mahal kita kung ano ka at tanggap kita ng buong-buo kahit ano ka pa."
"Hindi ba masyadong maaga pa para dito?" nag-aalangang tanong niya. "Baka iwan mo din ako kapag nagsawa ka. But please don't. Hindi ko kaya."
Niyakap ko siya ng mahigpit. "It will never happen. Wag ka lang mag-sinungaling sa akin, wala tayong magiging problema."
"I... I'm sorry." nabasag ang boses niya. "May mga bagay na mahirap ipaliwanag sa ngayon. Ang importante, nasabi ko sa'yo kung gaano kita kamahal."
"Mahal din kita." I assured him. "As long as we both love each other, walang magiging problema."
"I am afraid. Baka isang araw, magising na lang ako na wala ka na." mahinang tugon niya. "I am deeply apologized for everything kahit hindi mo alam. Kahit hindi mo ako naaalala."
"Sean." hindi ko siya naiintindihan. "What are you---"
"Shhh." he stopped me. "I love you. I love you, Isla. Kahit na anong mangyari, palagi 'mong tatandaan 'yan. Nandito lang ako palagi sa tabi mo. Hindi na... Hindi na kita iiwan ulit. P-Promise, palagi na kitang pipiliin. Sa araw-araw. Promise me na ako lang ah? Don't leave me, mababaliw ako."
"I love you too." I murmured. "At hindi din kita iiwan. I promise."
"Hindi din kita iiwan." he said softly. "I love you, baby."
BINABASA MO ANG
Diamonds In The Sky (Manila Avenue Series #1)
RomanceManila Avenue Series #1 Aviegail Castuares from Ateneo De Manila University BS-Architecture dream so high to be the most popular and knowned architect of all. Her dreams is only two. One is being and architect and two is owning his heart. What if he...